"Here, eat more." Inilagay ko sa plato ni Julian ang ilang piraso ng steak na hiniwa ko. "Ivan, you should tell that to yourself. Nakakalimang subo na ako pero nakakaisa ka pa lang. Parang nasa ospital pa rin tayo niyan, eh. Kulang na lang subuan mo ulit ako," pagrereklamo niya. Yes, ganito ang gawain namin sa ospital. Hihiwain ko sa maliliit na bahagi ang gulay o karne at saka iyon ipapakain sa kanya na may kasamang kanin. Julian likes eating food with rice. Kaya bago kami umuwi ay nagpabili ako ng sako-salong bigas para sa kanya. At tama siya, talagang tinitiyak ko na mas marami siyang nakakain sa pagkain na pinagsasaluhan namin kahit na may tig-isa naman kaming plato. Pero ang ginagawa ko para hindi dala-dalawang plato ang hawak ko ay sa iisang plato na lang kami kumakain. Iyon ang

