I am quite excited as I was waiting for our car to arrive at our destiny. Sa wakas, pagkatapos ng dalawang linggo na pananatili sa ospital, makakauwi na rin ako sa bahay namin ni Ivan. Sabi niya, tatlong araw pa lang daw ako roon nang mangyari ang aksidente sa akin. Kalilipat ko pa nga lang daw ng mga gamit ko. Iniisip ko tuloy na baka napagod o na-stress ako sa ginawa kong paglilipat kaya nangyari ang aksidente sa akin. Sa totoo lang, Hindi talaga kapani-paniwala na ang simpleng pagbagsak lang sa marmol na sahig ang magiging rason para maoperahan ako. Iniisip ko tuloy kung gaano ba kalakas ang pagbagsak ko at ganon ang nangyari. Iniisip ko rin na masyado yatang malambot ang ulo ko para malamog ng ganon. Or perhaps, hindi ko lang talaga nakontrol ang sarili kong katawan kaya malakas an

