The next few days made me feel anxious. At first, naisip ko na gawin ang mga regular kong ginagawa kapag hindi ako sumasama sa pagpasok ni Cymon. But then I became so observant in my surroundings that I can't even relax when I jog outside. Palagi kong naiisip na may sumusunod sa akin.
Ganito pala yung pakiramdam na alam mo na yung sikreto ng iba. Para ka nang nababaliw at mas lalong nagugulo ang isipan mo. Mas mabuti pa palang hindi ko alam na alam na ni Ivan kung nasaan ako. Mas natural ang kumilos kapag ganon.
Sa ikatlong araw na ganon ang gumugulo sa isipan ko, sinubukan kong magkulong na lang sa apartment ko. At least dito, mag-isa lang ako. Wala akong katatakutan na sumusunod sa akin. Walang mga matang nakabantay.
Pero mas nakakabaliw pala ang mag-isa tapos wala kang ibang nakikita kundi ang anino mo. Bilang na bilang mo ang pagdaan ng bawat minuto. Pati nga yata paghinga ko nanilang ko na sa sobrang pagka-bored ko.
On the fifth day, I decided na sarili ko lang ang pinapahirapan ko. So what kung may sumusunod-sunod sa likuran ko? So what kung may may matang pinapanuod ang bawat kilos ko? Hindi rin naman nila ako magagawang lapitan. Hindi rin naman nila ako mahihila pabalik sa tabi ni Ivan. They won't let their presence be known. Dahil alam nila na kapag ginawa nila ulit iyon, I'll leave again. And Ivan will go through the same scenario of looking for me all over the Philippines.
Armed with this strength, nagbihis ako nang umagang iyon. Matutuloy kami sa La Union bukas for a weekend swimming trip so kailangan kong mamili ng mga damit at mga babaunin namin ni Cymon sa pagsama namin.
At exactly 10 o'clock, I went out of the building wearing my usual get up. I was wearing a thin sweater dahil maglalakad lang ako, shorts, my baseball cap dahil mainit, at mask. I was even wearing my house slippers. Wala namang dress codes ang mga malls.
Dahan-dahan at relaxed lang ang paglalakad ko. Ninanamnam ang lamig ng klima ng Baguio. As usual maraming tao. Karamihan nga ay napapatingin sa akin. They probably find me weird because I was one of the few who were hiding their faces. When I still get that weird looks from them, napag-isip-isip ko na ang weird ko ngang tignan. Baka nga yung iba, iniisip pa nilang artista ako kaya naka-mask at baseball cap pa ako. I also realized that there's no need to hide my face anymore since alam naman na ni Ivan kung nasaan ako.
So I stopped walking and removed my mask and baseball cap. Inilagay ko sila sa maliit na messenger bag na dala ko. Hindi ko mapigilang mapangiti. I feel freer like this. Then nagpatuloy na ako sa paglalakad ko.
Pero napansin kong marami pa rin ang tumitingin sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ang sarili ko. I've checked my sweater, my shorts, and my slippers. Wala maman akong makitang mali sa suot ko. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang camera para Makita ko kung ano ang itsura ko. Wala rin naman akong makitang mali. It's still me. Nanlaki ang mga mata ko nang maisip kong baka nasa likuran ko yung mali. Na baka pinapasundan ako ni Ivan sa mga weird bodyguards niya. Lakas-loob akong lumingon. Maraming tao at wala namang mukhang foreigner na bodyguards. May ilang Americans at karamihan, Pinoy na. Yung iba nanlaki lang ang mga mata nila nang magkasalubong ang mga mata namin. Yung iba, ngumiti pa at... weird. May ilang babae ang namungay ang mga mata sa akin na parang nalasing sila bigla.
I was amused kahit papano so tumango na lang ako at ipinagpatuloy na ang paglalakad ko while enjoying the places I am seeing. I really like this place.
May bahagya nang pananakit sa binti ko nang makarating ako sa mall. Marami ring tao roon at alam kong tulad ko sila na hindi taga-Baguio. People seem more friendly pala kapag wala akong suot na mask at cap. Halos lahat ng nakakasalubong ko ay tumitingin at ngumingiti sa akin. Tipid lang akong sumasagot ng ngiti.
Pumasok ako sa ilang shop at nagtingin-tingin ng mga damit na pwede kong bilhin. Napakamaasikaso rin nila. Halos tatlo yung staff nila na nasa likuran ko.
I went to where the board shorts are. May surfing area daw sa La Union kaya balak kong mag-surf. Matagal na rin noong mag-surf kaming magpipinsan sa Russia.
"Hi, Sir. I'm Selina." Napalingon ako sa babaeng kumuha sa atensiyon ko. Isa siya sa tatlong babaeng nasa likuran ko kanina.
"I'll buy four," tukoy ko sa hawak ko at ngumiti sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya. Siguro it's kinda weird na apat iyong bibilhin ko.
"For me and my cousin," dagdag ko para maipaliwanag kung bakit dalawang pares ang kailangan kong bilhin. Mas lumapit siya sa akin. At nakihawak sa mga naroon na board shorts.
"You will go surfing, Sir?"
"Oo, bukas," pagta-Tagalog ko. Namilog ang mga mata niya.
"Wow, nagta-Tagalog si Sir!" excited niyang sabi. Hindi sa akin kundi sa mga kasamahan niyang nasa likuran namin. Bigla silang lumapit din.
"Sir, saan kayo magsu-surf?" sabi nung isa na may name tag na Melody.
"Sa La Union ba, Sir?" sabi naman ng isa na may name tag na Cristy.
"Uh, oo."
"Sir, ako na ang pipili para sa'yo."
"Uhmm..."
"Sir, heto po. Light blue. Mas bagay sa'yo."
"Uhmm..." Napalingon ako sa ibang naroroon. They were looking at us. Iyong iba, napapangiti. Yung iba mukhang naiinis.
Then, a man who seems to be the manager went to us. I saw that he has an angry face while marching towards us. Masama ang tingin niya sa tatlong babae.
"Anong nangyayari? Tatlo-tatlo kayong nandito samantalang andaming customer?! Kapag pogi nandyan lahat kayo. Para namang kaya niyang bilhin lahat ng board shorts dyan na dapat tatlo kayong nag-aassist."
Mukhang napahiya ang tatlo kasi nagsipagyukuan sila.
"Alis!" utos nito sa tatlo na biglang nagsipag-alisan. Tapos tumingin siya sa akin. Just like in a movie, kitang-kita ko kung paano nagdaan sa mukha niya ang iba't ibang ekspresyon mula sa inis, pagkatulala, at biglang pagbait. Weird.
"Sir," biglang lumambing yung boses niya. "You want these?"
"Yes. I actually want four for me and my cousin." Ibinalik ko ang pansin ko sa mga board shorts. Nakapili na ako ng tatlo. Isa na lang para matapos na ako rito.
"Got it." I smiled when I saw a different design. When I looked at the man, he was intently looking at me.
"Um, magbabayad na po ako. Apat lang. Hindi rin naman kasi namin magagamit ng pinsan ko kung bibilhin ko lahat," I told him. Biglang nanlaki ang mga mata niya at namutla siya. He knew what he told me before seeing me was kinda low. Then, bigla siyang bumait nung makita niyang may itsura ako kahit papano. So I needed to make him realize something.
"S-sir... yung... yung kanina..."
"No worries. Thank you for keeping me company." Iniwan ko na siya at pumila na ako sa cashier.
"Hi! Can... can I take a picture with you?"
Napalingon ako sa isang teenager sa likuran ko. Normally, ayokong magpa-picture sa hindi ko kakilala. Pero nung makita ko siyang hiyang-hiya at talagang nag-ipon ng maraming lakas ng loob para lang masabi ang kahilingan niya, ngumiti ako at tumango sa kanya. We took some selfies together.
Nainggit yung iba so naki-picture din sila sa akin. Natigil lang iyon nang makapagbayad na ako. Bago ako makalabas store na iyon, humabol sa akin iyong tatlong staff at nagpa-picture din. Pinagbigyan ko naman sila. Kahit naman i-post nila iyon sa social media, hindi naman nila ako maita-tag. And they even asked for my name pero nakangiti lang akong umiling sa kanila. I admit, kahit papano, nakaka-enjoy din kapag may mga nagbibigay ng atensiyon sa'yo.
Next na pinuntahan ko ay ang groceries. Kahit na for sure may mga madadaanan kaming bilihan, ayoko na baba kami nang baba or magra-rush para bumili ng mga kailangan namin.
Kumuha ako ng cart, at nagsimula nang pumili ng mga dapat kong bilhin. Kumuha ako ng bagong set ng toothbrush namin ni Cymon, toothpaste, mouthwash, soap, shampoo, and even some snacks. I enjoyed comparing brands and prizes. Isa lang ang naging reklamo ko. Baguio shoppers seem pretty clumsy. Andaming nakakabangga sa cart ko. May sampung girls yata bumangga sa akin at sa cart ko. Yung iba parang sinasadya pa.
Balak ko pa sanang bumili ng canned drinks kaya lang pakiramdam ko nabu-bully na ako kaya nagpunta na ako sa cashier para magbayad.
Pagkatapos ko, nagpunta muna ako sa isang donut shop para magmeryenda. Konti lang naman ang mga pinamili ko kaya maglalakad na lang ako pauwi. I ordered some donuts and a drink tapos naupo na ako. While eating, tumunog yung call alert tone ng phone ko. That means, tinatawagan ako ni Cymon. Pagkakuha ng phone, sinagot ko agad ang tawag niya.
"Nasa mall ka pa?!" malakas niyang tanong. Is he shouting at me?
"Yes. Wait how did you know?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Tinatanong mo pa talaga, Julian? Bakit nakipag-picture ka?!"
"Are you angry at me? Why are you asking if....? How did you...?"
"Paano ko nalaman? Eh, paano naman kasi, dear cousin, viral ka na."
Viral? Ano ba talaga ang pinagsasabi niya?
"Cymon, will you please explain?"
"Check your messenger. I've sent you some links. Hintayin mo ako dyan. I'm going to get you!"
Bago pa ako makasagot, binabaan niya na ako ng phone. Rude.
Binuksan ko ang messenger app at nakita ang mga sinasabi niyang links. Parang andaming links naman nito samantalang parang limang tao lang yung nagpa-picurre kasama ako kanina.
Binuksan ko yung unang link. It was my picture with the shy girl. Hmm, her camera is great.
I look better in our picture than in person, napansin ko. Inabot ko ang juice at uminom na muntik ko nang maibuga ang nasa bibig ko nang bumaba ang mga mata ko sa number of reacts, comments, and shares ng picture na iyon.
Seriously?! 17k likes, 22k comments, and 11.9k shares?!
Pero walang lang isang oras... Bakit ganito na karami?
I check the other links Cymon sent me. Picture ko with the three sales ladies with almost the same number of reacts, comments, and shares. Malamig sa kinaroroonan ko pero parang mas nanlamig pa ako nang mabasa ko ang caption ng picture namin.
The handsomest customer of Beshoppé for today. Guwapo na, super bango pa.
Mas lalo pa akong napanganga nang makita ko ang mga comments. Buti na lang nalunok ko na yung mga nasa bibig ko kanina.
Mygad, ampogi...
Sugod sa SM Baguio, mga kapatid!
Kunin nang model yan!
Anong pangalan?!?!?!
Ensherep niya, mga sis, huhuhu!
Ensherep?!
Nagdikit ang mga kilay ko. What's the meaning of that word?
I opened another link. They were several photos of me. This time it was a candid shot of me on the street while I was fixing my hair. Naaalala kong katatanggal ko lang ng mask at baseball cap ko sa oras na iyon. Umabot na rin sa thousands ang reacts, comments, at share ang likes ng post.
Who is this mysterious Baguio guy? basa ko sa caption.
"Siya yun? Oh my gosh, siya nga!"
"Pa-picture din tayo!"
Napalingon ako sa malakas na mga boses na yun. Halos mapatayo ako sa gulat nang makitang napakarami ng tao sa likuran ko.
Oh, no.