Narito na ako ngayon sa loob ng stock room ng shop. Nagtatago dahil napakarami ng tao sa labas ng donut shop. Mas marami pa kanina dahil nung makita ng ibang tao na pinagkakaguluhan na ako, mas marami pa ang nakigulo. I am wearing a sweater pero ramdam ko ang ilang hapdi sa braso ko kaya itinaas ko iyon. There were several scratches that the sweater wasn't able to protect me from. There were red hand marks kasi ilang beses nahila at napilipit yung braso ko kanina sa panghihila nila sa akin. Nakakagulat yung gulo kanina. Sobrang daming tao ang sumugod sa donut shop kung saan dalawa lang ang staff who thankfully went to my rescue noong makita nilang pinagkakaguluhan na ako ng mga tao. Pinagtago nila ako rito habang sinusubukan mg mga security guards ng mall na pakalmahin yung mga tao. Naiw

