Today is another day of me coming to Cymon's school to sit in. I don't go there every day. Syempre, nahihiya naman ako kung mang-iistorbo ako sa kanila araw-araw.
Sampung araw na ako rito sa Baguio. Nakakasanayan ko na ang daily routine ko. Gigisingin ako ni Cymon nang maaga for a jogging then sa labas na kami kakain. Uuwi kami para makapag-ready siya papuntang school samantalang nasa bahay lang ako kung hindi sumasa sa kanya. Kapag na-bore ako, mag-isa akong lumalabas at naglalakad-lakad. I sometimes go to the mall, too. Manunuod ng mga tao lalo na ng mga local tourists. Napakarami nila dito sa Baguio araw-araw.
Last night, Cymon said na nami-miss na raw ako ng mga kaklase niya. Sa ibang subjects kasi nila, pinapayagan ako ng mga professors na sumali sa mga activities nila. Sabi ng mga nakaka-group ko, malaking tulong daw ako sa kanila kaya hinahanap-hanap na nila ako. Kaya naman ngayon araw ay sasama na ako kay Cymon.
I'm wearing a green sweater over my white shirt with sleeves I always push up to my elbows. Nakasuot na rin ako ng blue cap na bahagyang natatakpan ang mga mata ko. I’ve got on a pair of blue jeans as well, and a white rubber shoes that are very comfortable to my feet. I took my back pay kung saan nakalagay ang tab ko at phone. Naroon na rin yung notebook na binigay sa akin ni Cymon kung saan ko sinusulat ang mga natututunan ko sa mga subjects niya.
Eksaktong paglabas ko ay kalalabas lang din ni Cymon sa unit niya.
"Morning, cousin!" masigla niyang bati sa akin habang naglalakad papalapit.
"Morning," bati ko rin sa kanya.
"Gwapo na naman kahit naka-mask, ha? Marami na namang mag-aagawan sa pagtabi sa'yo mamaya. Partida, naka-mask ka pa. Paano na lang kapag wala kang suot na mask?" Natawa ako sa sinabi niya. But it is true. Last time I attended his classes, may muntik pang magkatampuhan dahil sa pag-uunahang makaupo sa tabi ko. Maybe they just find me too mysterious kaya interesado silang makipag-usap sa akin.
"They just find me more interesting that you because I'm someone new. Besides, they're just wondering how different I am with Filipinos since I grew up in Russia," sagot ko sa sinabi niya habang naglalakad na kami papunta sa elevator.
Nang nasa lobby na kami ay binati kami ng receptionist na Mary ang pangalan. Kumaway si Cymon sa kanya at sumagot naman ako ng tango. Pati ang dalawang guwardiya ay binati rin kami. Mababait din talaga ang mga empleyado ng apartment.
Naglalakad na kami papunta sa parking area nang iabot sa akin ni Cymon ang susi ng kotse niya.
"Want to drive today, Julian?" nakangiti niyang tanong.
"Sure," sagot ko naman. Nami-miss ko na rin ang magmaneho ng kotse. Naalala ko tuloy iyong kotse na binili ni Ivan para sa akin. Kawawa naman ito at natambak lang sa garage ng mansiyon niya. Money can't really buy love.
I drove carefully since it's my first time in Baguio streets. Kahit maaga kaming lumabas, mabigat na ang daloy ng traffic because of the morning rush. While waiting for our car to move, Cymon and I started talking.
"Don't you miss your corporate life, Julian? Masaya sigurong magtrabaho kung sa pamilya ninyo yung kumpanya kung saan ka empleyado."
"Not really, Cymon. There's an additional pressure kung pamilya mo ang may-ari ng kumpanya. The other employees actually look up to you so as much as possible, halos perfect ang lahat ng galaw at desisyon mo. My cousins and I started at the lowest position until we were promoted based on our performance just like the ordinary employees. And pinakamasuwerte lang siguro sa amin ay sina Kuya Azyra at Kuya Zion since sila ang panganay sa aming mga lalaking apo. But when tragedy happened to Kuya Zion when he was still a baby, napunta yun kay Kuya Azyra. May posisyon na agad na naghihintay sa kanya kahit nasa elementary pa lang siya."
"Lucky bastard," pagbibiro ni Cymon na nagpangiti sa akin.
"He's indeed a bastard. He had decisions in life that he regrets until now. But ang masasabi ko talaga, he's a good CEO sa kabila ng mga kapalpakan niya sa buhay."
"Paano pala kung matutuloy ang kasal mo doon sa Russian na yun? Sabi ni Mommy, isa siya sa mga top billionaires sa mundo. Sa kanya ka na ba tutulong at iiwan ang kumpanya ng mga Vladimiers? Magtatrabaho ka pa ba?" curious niyang tanong.
"If ever, gusto ko pa ring magtrabaho at sumahod monthly. I want to earn my own money and not depend on my partner, si Ivan man iyon o hindi. Besides, I won't get pregnant so ano na lang gagawin ko sa buhay ko kung hindi ako magtatrabaho, di ba?"
Hindi na nakasagot pa si Cymon dahil gumaan na ang daan. Naging smooth na ang biyahe hanggang sa makarating kami sa university nila. Agad na kaming dumiretso sa room nila dahil nakapag-almusal na kami kanina pagkatapos naming mag-jogging.
Binati kami ng mga kaklase niya. Ang iba ay nakuntento sa pagkaway at ang iba ay lumapit pa.
"Hi, Kuya Julian," bati ni Lucas, ang best friend ni Cymon.
"Oh, hi," bati ko sa kanya pabalik. Umupo na kami at naupo siya sa tabi ko.
"Kuya, tuloy tayo sa Friday, ha? Promise, hindi na sasakit ang tiyan ko," sabi niya na parang bata. Cute. Napangiti ako dahil itinaas pa niya ang kamay niya. Dahil nag-LBM siya last Friday, hindi natuloy ang pagba-bar namin.
"Sure, sure."
"Then kinabukasan, baba tayo sa La Union. We have a place sa Luna, La Union. Malapit sa dagat."
"Wow, that's awesome. Punta ba tayo?" tanong ko kay Cymon na nasa kanan ko.
"Sure, para makapamasyal ka rin sa ibang province," pagpayag niya. Lumingon ako kay Lucas at ngumiti.
"It's a deal."
...
Friday cama at sinundo namin sina Lucas, Arvin, Danica, at Pauline sa boarding house ng una since sila ang magkakalapit ng boarding house. We're using Cymon's car dahil siya lang naman ang may kotse sa aming lahat. It's big enough to accommodate us at sabi ni Cymon, it's safer.
We went to a hotel named Fritz and we went straight to the bar na nasa 6th floor. Maraming tao pero maluwang ang bar kaya may natira pang mga bakanteng mesa at booths sa palibot ng dance floor.
"Mahilig ka rin bang mag-bar, Kuya Julian noong college ka pa?" tanong sa akin ni Pauline nang nakapili na Sina Cymon at Lucas ng booth namin.
"Not that much. I only go to bars whenever my boyfriend wants to."
"What do you want to drink, Julian? Magbi-beer kaming lahat. I'll order another drink for you kung ayaw mo ng beer," tanong sa akin ni Cymon.
"Beer na lang din," sagot ko sa kanya.
"Kuya, nakailang boyfriends ka na?" patuloy na pagtatanong sa akin ni Pauline.
"Two," simple kong sagot sa kanya.
"How about girlfriends, Kuya?" tanong niya ulit.
"Never had one," I patiently replied.
"Mamaya k na magtanong, Pauline. Sayaw na muna tayo. Sama ka, Kuya Julian?" Danica asked. Umiling ako sa kanya.
Nasa dance floor na sina Lucas, Arvin, Danica, at Pauline nang dumating ang mga beer. May inilagay pa silang onion rings sa table namin.
"Okay na sigurong magtanggal ng mask, right? Kasi paano ako iinom at kakain niyan if I won't remove my mask?" tanong ko kay Cymon.
"Oo naman. Wala naman na sigurong makakakilala sa'yo rito. Halos 11 pm na."
Pagkarinig ko ng sinabi niya ay agad ko nang tinanggal ang mask na suot ko. Nasasanay na akong magsuot nito but it's quite awkward kung naka-mask talaga ako habang nakikipag-inuman. Ako lang yata ang naka-mask sa mga tao rito sa bar.
Inabutan ako ni Cymon ng isang bote ng beer na kulay brown. It says Red Horse.
"Is this the local version of Budweiser?" tanong ko sa pinsan ko.
"Yes, parang," natatawa niyang sagot. Pinanuod ko muna ang paglalagay niya mg beer sa basonna may ice cubes at ang pag-inom niya bago ko ginaya ang lahat ng ginawa niya. Halos punuin ko mg ice iyong baso ko. I don't want to get drunk because my alcohol tolerance is quite low. Natawa pa si Cymon nang makita ang baso ko.
"Puro tubig na ang maiinom mo niyan," tawang-tawa na sabi niya.
"I don't want to get drunk," pagrarason ko naman.
Medyo malalakas na ang mga boses namin kasi malakas na ang tugtog sa bar.
"Hi!" Nagulat ako nang may malingunan akong babar na nasa harapan ng table namin.
"Yes?" tanong ni Cymon. Tumaas ang kilay ko nang makitang matamis ang ngiti niya. Mukhang makikipagligawan pa siya rito. Ngunit nagulat ako nang sa akin iabot ng babae ang isang papel na hawak niya kanina. Nagtatakang napatingin ako sa mukha niya. What do I need this paper for?
Lumapit siya sa akin para marinig ko nang malinaw ang boses niya.
"I'm Bev. Nandyan yung number ko," matamis ang ngiting sabi mg babae sa akin.
"For what? Bakit mo ibinibigay sa akin ang number...",
Natigilan ako.
Of course...
Nang lingunin ko si Cymon ay nakatakip ang palad niya sa may bunganga niya.
Ibinalik ko sa babae ang papel.
"I'm sorry, Miss, but I'm not looking for a date. You can try my cousin though." Itinuro ko si Cymon.
"Pero, ikaw ang gusto ko," nagmamaktol na sabi ng babae habang titig na titig sa mukha ko. Ni hindi na yata siya pumipikit.
"I'm gay," walang paligoy-ligoy kong sabi sa babae. Kitang-kita ko tuloy ang panlalaki ng mga mata niya at ang pagbuka ng bibig niya.
"Y--You're...b--bakla...?!"
"Yes. I'm... bakla."
Humagalpak na ng tawa si Cymon sa harapan naming dalawa. Hiyang-hiya tuloy na umalis iyong babae.
Napapailing na lang ako sa panunuod sa pinsan kong halos mahulog na sa kinauupuan niya dahil sa sobrang pagtawa.
"Oh, my god!!! Kuya Juliaaaan?!"
"Oh, my god!!! My god! Ampogiiii!"
Napalingon ako sa mga kaklase ni Cymon na galing sa dancefloor. Nakanganga ang dalawang lalaki sa akin samantalang tila nangingisay naman sa katatalon ang dalawang babae.
"Pogi ng pinsan ko, 'no?" nagyayabang na sabi ni Cymon sa kanila.
Nagmamadali silang umupo sa paligid ko.
"My gosh, Kuya Julian! Sabi ko na nga ba at super gwapo ka, eh!" Danica almost screamed saying that.
"I told you. I told you. I told you!" sabi naman ni Pauline kay Arvin na parang pinagpustahan nila ako.
"Kuya, how to be you po?" Tanong naman ni Arvin na ikinadikit ng mga kilay ko. While Lucas said,
"Kuya, wag kang magsusuot ng mask pagpunta mo ulit sa school. Titignan ko lang kung ilan ang mahihimatay kapag nakita nila ang mukha mo!"
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko.
That sounded so ridiculous.
Cymon ended with another bout of laughter.