Chapter 23

1608 Words
"Cymon, that's enough," pananaway ko sa pinsan ko. Kanina pa Kasi siya tawa nang tawa at parang Wala pa siyang balak tumigil. May mangilan-ngilan na ring napapatingin sa amin. "Fine, fine!" Ikinaway niya ang kamay niya at saka pinunasan ang mga luhang dumaloy sa magkabilang pisngi niya dahil sa katatawa niya. "Mabuti na lang ngayon lang nila nakita ang mukha mo, cousin. Kung noon ka pa nakita, nako baka araw-araw sumasakit ang ulo ko." "Ang pogi naman kasi ni Kuya Julian, Cymon. Anyway, nakita ko si Beverly Marquez na lumapit dito kanina. Yun yung reigning queen ng school nila. Nagpakilala sa'yo, Kuya?" tanong ni Pauline. "Yes." "At binibigay pa ang number niya kay Julian," segunda ni Cymon sa sagot ko. "Pero parang hindi siya masaya noong umalis siya." "I didn't take it." "Pero bakit? Ayaw mo ba talagang magka-girl friend, Kuya?" "Not planning." "Kuya Julian, don't get offend, ha? Lahat ba sa pamilya ninyo ganyan kaguguwapo pero gay? Sorry, curious lang," tanong ni Arvin. "Well, some of us are not really into gender when we go for a relationship. Most of us in the family are pansexual. It doesn't matter if the person is straight or gay as long as we like them. I don't even consider my self as gay gay. I mean, yeah I say it to people like that girl because it will be easier for her understand. But in reality, I just prefer men." "Ohh!" sabay-sabay na sambit nina Lucas, Arvin, Pauline, at Danica. "Their family dynamics is quite complicated. It all started with their grandparents." "Wow!" "Can I share, Julian?" paghingi ng permiso ni Cymon. Tumango ako sa kanya. I don't mind at all. I think sharing my grandparents', parents', siblings', and cousins' love stories will make people open their minds more. "Kambal yung Lolo nila and married just one girl." Nanlaki ang mga mata ng apat sa narinig nila kay Cymon. Pinaglipat-lipat nga nila ang tingin dito at sa akin. "My first uncle also married a man. My cousin, Zion, married a man. My older brother married a man as well." Ako na ang nagtuloy sa kuwento. "And Julian here was supposed to get married to a man whose a billionaire in Russia." Hininaan ni Cymon ang boses niya pero sinigurado niyang maririnig ng apat. "Anong nangyari? Bakit nandito si Kuya Julian?" very curious na tanong ni Lucas. "Tinakbuhan niya," proud na sagot ni Cymon. "Tinakbuhan? Bakit, Kuya? Bilyonaryo daw, oh," tanong ni Pauline. "I don't love him," simple kong sagot. "Ay, iyon lang," may panghihinayang na sabi ni Pauline. "Money can't buy love sa iba, 'no?" saad naman ni Arvin. "Kung ako, kung mabait naman sa akin at handang ibigay ang lahat ng gusto ko at tutulungan ang pamilya ko, papatusin ko na yun," sabi ni Danica. "Ako rin," sabi naman ni Lucas. Binatukan siya ni Cymon. "Marry for love, not for money!" pangangaral niya sa kaibigan. "Kapag pareho na kayong gutom dahil pareho na kayong walang pera, makakalimutan nyo na yung love-love na yan! Alam nyo ba na ang pinakamadaling emosyon na matututunan ay ang love?" "Weh, di nga?" Arvin punched Lucas at his shoulder. "Aso at pusa nga natututunan nating mahalin, tao pa kaya?" Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila sa kinauupuan ko at paisa-isang inom sa beer kong lasang tubig na beer. Lucas has a point. People can learn to love their pets, what more people like themselves? Umikot ang kwentuhan nila. Paminsan-minsan, sumasali rin ako pero nang medyo nakainom na sila, muli silang nagyaya sa dance floor. Ayoko sana pero ako ang kinukulit nila. "Suot ka ng mask," bilin sa akin ni Cymon. Maiiwan siya dahil walang magbabantay sa table namin. Magcha-chat na lang daw muna siya sa chic niya habang hinihintay kami. Nagtungo na kaming lima sa dance floor. At buti na lang, namamatay-matay yung ilaw para Hindi mapansin ng ibang naroroon na ako lang yung nakasuot ng mask. Naghiyawan ang apat nang magsimula akong sumabay sa tugtog. I can dance but I'm not the best dancer out there. I was already enjoying dancing with the four when I felt a hand go around my waist and pulling me away. Kaagad akong napaiwas sa taong nasa likod ko. "Hi! Dance with me?" tanong ng lalaki na mukhang estudyante pa kahit na mas matangkad siya kesa sa akin. Halatang medyo lasing na siya. Iwinagayway ko ang kamay ko sa harapan niya indicating na ayoko. Sumenyas din akong babalik na sa table namin. "Teka lang. Para sasayaw lang naman tayo," habol sa akin ng lalaki nang magsimula akong umatras. Nang makita hinahabol niya ako ay mas binilisan ko ang paglalakad paatras and not surprisingly, may mga nabangga ako. Lumingon ako sa isang nag-ouch. "Sorry! I'm sorry!" hingi ko ng paumanhin nang pasigaw para marinig ako. Sinimangutan ako ng babae at umalis na sa likuran ko. Nang maalala ko ang lalaking humahabol sa akin, I turned around ready to bolt away. Ngunit natigilan ako dahil wala na sa harapan ko ang lalaki. Lumingon-lingon ako pero wala na talaga siya. Ang nakita ko ay si Lucas na papalapit sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. "Kuya, bakit nandito ka? Hinahanap ka na nila Arvin. Na-busy lang kami sa pagalingang mag-twerk, nawala ka na sa tabi namin. Tara, balik na tayo roon!" sigaw niya para marinig ko sa kabila ng malakas na tugtog. "Sige, kayo na lang! I'm going back sa table natin!" sagot ko naman sa kanya. Nakakaintindi naman siyang tumango. "Sige, Kuya!" After hearing that, hinanap ko ang daan pabalik sa table namin. Nagulat pa si Cymon nang makita akong papalapit. "What's wrong? Bakit andito ka na?" nagtataka niyang tanong sa akin. "I don't want to dance anymore," sagot ko. Inabot ko ang baso ng beer ko at uminom. Patingin-tingin din ako sa mga dumaraan sa harap ng table namin. "Cymon, once they're back, let's go home," sabi ko sa pinsan ko nang maubos ko na ang laman ng baso ko. "Bakit? Aren't you enjoying anymore?" "May humila sa akin kanina inviting me to dance. Tinanggihan ko. He's quite drunk and I know that if he sees me, he might ask me to dance with him again or worse, baka galit siya kasi tinanggihan ko siya." "Sige, Sige. Sasabihin ko sa barkada. Kung gusto pa nila, pwede naman kitang ihatid sa apartment muna tapos babalik ako rito. Okay lang ba yung ganon sa'yo?" "Any will do. I just want to go home." Nakakaintinding ngumiti siya sa akin. I didn't tell him anymore that it felt quite mysterious na bigla na lang nawala sa harapan ko iyong namimilit sa aking sumayaw kasama siya. Hinahabol lang ako tapos biglang mawawala? Parang imposible na bigla na lang niyang makakalimutan na hinahabol niya ako, di ba? Kung nahilo naman sa kalasingan iyon, eh di sana may pinagkaguluhan na sa dance floor kanina. Pero possible rin naman na nahila siya ng ibang gustong makipagsayaw sa kanya o ng mga kaibigan niya. I don't know. Nakakapagtaka lang talaga na bigla siyang tumigil sa paghahabol sa akin at nawala. Hindi kaya...? Muli kong sinalinan ng beer ang baso ko. And this time, hindi na masyadong maraming ice. Habang sumisimsim ng beer, pagala-gala ang paningin ko. I was looking for someone who's dressed differently than us. Iyong mga naka-formal or coat and tie which is the usual dress of bodyguards. Pero wala, wala akong makita dahil na rin sa mahina lang ang liwanag ng bar at manaka-nakang namamatay-matay pa ito sa may bandang dance floor. I know that I'm starting to become paranoid pero may kakaiba talagang nagpaparamdam sa instinct ko. Nang makabalik na ang apat, pagod na pagod sila. Sinabi rin ni Cymon sa kanila ang hiling ko at pumayag ailang umuwi na kami kahit wala pa kaming tatlong oras sa bar. Uubusin lang daw nila yung mga na-order na beer habang magpapahinga sila. Nagyaya ako kay Cymon na pumunta kami sa restroom. Pumayag naman siya. Habang naglalakad papunta roon at palingon-lingon pa rin ako. But there were too many faces. I cannot distinguish who among them look like bodyguards. Pareho kaming pumasok ni Cymon sa loob ng restroom. Thank goodness, Wala namang nanggulo sa akin doon maybe because Hindi nila makita kahit ang mga mata ko dahil suot ko ang baseball cap ko at mask. Nang makabalik na kami sa table namin, nagulat kami dahil may mga kasama na sina Lucas. "Sir Tim!" bati ni Cymon sa lalaki. "Hey, Cymon! Julian!" Nag-bow ako sa teacher nila. Isa ito sa mga mababait na professor ni Cymon. Ngunit mas friendly ito ngayon dahil nakainom na. "Sabi nila, uuwi na raw kayo?" "Ah, opo sana, Sir." "Ang aga-aga pa. Wala pang 5am Dito na muna kayo. Sagot ko na ang isang bote ng brandy." "Pero, Sir..." "Sige na, Cymon. Ngayon na nga lang tayo magkikita-kita, tatanggihan mo pa Ako," nagtatampo nitong sabi. Nagpapasaklolo tuloy na tumingin sa akin si Cymon. "Let's stay for a while," sagot ko sa tahimik na tanong niya. Nang bumalik kami sa pagkakaupo, sumaya ang professor. Hindi ito nagpaawat na umorder ng malaking bote ng... Emperor? No, wait. It's Emperador. "Walang uuwi hanggang hindi natin nauubos ito!" sabi niya habang nagsasalin sa pitong bagong baso. "Sir, magda-drive pa po ako pauwi," pag-angal ni Cymon. "Cymon, hindi mo ba alam na may share ako sa hotel na ito? Kapag Hjindi mo na kayang mag-drive, pwede naman kayong matulog dito. Sagot ko na." "Whoa! Talaga, sir?" masayang tanong ni Pauline.. "Of course. Libre. Kahit mag-two days and two nights pa kayo!" may halong pagyayabang niyang sabi. Masayang naghiyawan ang lahat maliban sa amin ni Cymon na nagkatingan nang may takot sa aming mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD