Pagkatapos naming makapagpahinga ng halos dalawang oras which we've spent sight-seeing and taking photos, nakakita kami ng lugar kung saan kami maglalaro. Alam ni Ivan na maglalaro ako bilang miyembro ng team ng pamilya ko kalaban ang mga kaibigan niya na sina Lucas, Arvin, Pauline, at Danica kasama ang pinsan ni Lucas na si Benedict na dumating after ng lunch namin. Ako, si Ate Jessica, si Ate Mikaella, si Cymon, at si Jay-jay naman ang ang magkaka-team. Since kaibigan ni Benedict ang may-ari ng resort, madali lang sa kanya ang humiling na mag-set up sila ng net para sa paglalaro namin. Nag-warm up muna kaming lahat. Ngunit bago magsimula ang laro, nagdala na ng tequila at mga shot glass ang staff ng resort. "Jay-jay! What is this all about?!" umalingawngaw ang boses ni Papa na lumapi

