Halos hindi ko na napapansin ang medical staff ng resort na naglalagay ng benda sa paa ko. Nakatutok kasi ang atensiyon ko sa nagaganap na laro. Hindi ko inakala na marunong pala talagang maglaro ng volleyball ni Ivan. Napakalayo niyon sa pagkatao niya hindi lang bilang big boss ng isang organisasyon kundi bilang isang napakayaman na businessman. At hindi lang siya basta marunong. Magaling din siya sa mga set ups dahilan para lumamang na ang score ng team namin laban sa kabila. At yung mga spike niya sa bola? Halos ma-flat na nga ito sa lakas ng pagtama ng kamay niya rito. Bukod pa doon, nakakasakit din yung tama ng bola kapag siya ang tumira. Buti na lang at sa binti niya natamaan si Lucas. Kung sa gitna lang ng mga hita niya tumama yung spike ni Ivan, baka hindi na siya magkaroon ng ju

