"What's happening here?" Napatingin ako kay Ivan na kakalapit lang sa amin. Nakita ko ring nasa likuran niya ang mga kapatid ko, si Jay-jay, si Cymon, at ang mga kaibigan niya. Curious silang lahat na nakatingin sa mga babae. Nanginginig ang mga kamay na humigpit ang pagkakahawak ko sa phone. Kapag nabasa ni Ivan ang post, tiyak na may mangyayari na hindi maganda sa babae. Kaya naman kahit nanlalabo na ang mga mata ko sa namumuong luha sa mga iyon at nanginginig ang mga kamay ko sa pinaghalong galit at pagkapahiya, dinelete ko ang post. "That lady posted your picture kissing my son. And she called him a hooker." Napanganga ang lahat maliban kay Ivan na biglang tila nagbuga ng apoy ang mga mata at tumitig nang masama sa babae. "It's deleted," nanghihina kong sabi sa lahat. "Don't b

