"Matagal na naming gustong sabihin ito sayo pero nag-alala kami ng Daddy mo sa kung anong pwedeng magyari sayo?" sabi ni Mommy. Hindi ako kumibo at nanatili lamang akong nakikinig sa kaniyang sasabihin. "Hindi lamang six years ang pinagsamahan niyo ni Jayden. Lumaki kayo na magkasama mula noong mga bata pa lang kayo. Nang isinilang kita, napakasaya niya nang makita ka. He was only a one year old boy that day. Simula noon araw-araw ka na niyang binibisita. Kahit na isang taon pa lamang siya noon ay ikaw talaga ang nais niyang makasama at makita. Halos ayaw na nga niyang umuwi sa Mama niya. Alam mong matagal na kaming magkaibigan ng Mama ni Jayden magmula noong nag-aaral kami. Dahil doon ay ninais ding naming maging malapit kayo sa isa't isa. Hanggang sa lumaki kayo at hindi na nga kayo mah

