"Fern." Napalingon ako sa pintuan at doon ay nakita ko si Nanny. Tumayo naman ako mula sa sahig at hinarap siya. "Bakit po, Nanny?" tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa box at ngumiti sa akin. "Nasa baba si Jayden at gusto ka niyang makausap," sabi niya na ikinahinto ko. Si Jayden? Anong ginagawa niya dito? Nais niya akong makausap? Pero parang hindi ko siya kayang harapin sa ngayon. "Kung ayaw mo siyang makausap sasabihin ko sa kaniya. Nasa ibaba rin ang Mommy mo at kausap siya." Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang harapin. Baka kasi kung nasa harapan ko na siya ay bumigay ako at umiyak sa harapan niya. Ayaw kong makita niya akong umiyak at masaktan ng dahil sa kanila ni Andy. Hanggat makakaya ko ay pipilitin ko ang sarili kong huwag siyang makita. Kahit na masakit ay kakayanin ko

