Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nanatili parin s'yang tahimik na nakatingin sa akin habang nalilito kung paniniwalaan ba ako o hindi. Alam ko na kung ano ang nasa isipin n'ya ngayon. Ano pa ba, iniisip n'ya lang naman na nanti-trip na naman ako.
"Are you joking? If yes...pffrt nakakatawa talaga. Mag-iisip ka na nga lang ng joke iyan pa ang sasabihin mo, that you are getting married. Nice joking, Fern." natatawa n'yang sabi bago umupo katabi ng sa akin. Napabuntong-hininga ako. Sabi na nga ba eh hindi talaga madaling maniwala ang babaeng ito kung ako ang kausap n'ya. Alam n'ya kasi ang totoo kong pag-uugali pagdating sa ganito na may sasabihin ako sa kanya. Kailangan ko pang ulit-uliting sabihin bago s'ya maniwala.
Tumayo ako at humarap sa kan'ya na walang halong anumang emosyon. "Nasa iyo na ang desisyon kung maniniwala ka o hindi. Wala ako sa mood para magkuwento." Pagkatapos ko iyon sabihin ay naglakad na ako papaalis para narin makapasok na ako sa first subject ko. Sumunod naman agad s'ya sa akin at sumabay sa paglalakad ko.
"I can't believe it. So is it true? Ikakasal ka na talaga? Wow, akalain mo nga naman mauuna ka pang ikakasal kesa sa akin. Wait nakilala mo na ba kung sino ang magiging groom mo? Guwapo ba at mayaman? Nag-aaral pa ba s'ya? Dito rin ba s'ya nag-aaral? Ano na Fern sagutin mo na ako." sunod-sunod n'yang tanong. Hayy, ang daming tanong ng bababeng ito akala mo wala ng bukas para magtanong kailangan talagang sunod-sunod. Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kan'ya habang s'ya nakanginiting naghihintay sa sagot ko.
Mariin akong umiling sa kan'ya. "Ayaw ko nang magkwento, nawalan na ako ng gana." Tumalikod na muli ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Fern, sige na. Ikwento mo na dali para malaman ko kung sino ang malas na lalaking ipapakasal sa iyo." Humarap akong muli sa kan'ya at tumingin sa kan'ya ng may pagkataray.
"Ano?" Nalilito kong sabi.
"Hmmm, naisip ko lang naman na mahihirapan ang lalaking iyon kasama ka. Matitiis n'ya kayang ikaw ang kasama n'ya sa isang bubong?" sambit nya habang may ngiti sa kan'yang labi. Kung sabihin ko kaya sa kan'ya na si Jayden ang papakasalan ko. Nasisiguro kong mas lalo s'yang hindi maniniwala. "Wait a minute, dahil ba sa ayaw mong sabihin sa akin...oh my gash, matanda ba ang magiging grom mo!" sigaw n'ya.
Huh? Anong akala n'ya sa akin, papayag ako na isang matanda ang papakasalan ko? Nasisiraan na ba ito ng isip kaya kung anu-ano na ang pinagsasabi? Hindi ako tulad ng iniisip n'yang naghahabol sa mga matatanda para pakasalan, noh. Mas nanaisin ko pang magpatiwakal nalang kesa sa mangyari ang nasa isip n'ya.
"Ouch" daing n'ya. Binatukan ko kasi s'ya. Nararapat lang sa kan'ya niyan para matauhan s'ya sa mga lumalabas sa bibig n'ya. "Bakit mo ako binatukan?"
"Tanungin mo kaya sa sarili mo kung bakit?" I said to her.
"Hindi ka naman mabiro. Sinusubukan lang naman kita. So, sino nga ba?" pangungulit n'yang sabi. Hindi talaga titigil ang babaeng ito hanggang hindi nasasagot ang mga katanungan sa kan'yang isipan.
"Fine. Bago ang lahat, ipangako mo sa akin na hindi mo ito ipagsasabi sa iba lalong-lalo na kay Andy." pagpapaalala ko. Hindi pa ako handa para ipaalam kay Andy ang pagpapakasal namin ni Jayden at sa tingin ko hindi magandang idea na ako ang magsabi sa kan'ya.
"What do you mean? Paano naman napasok sa usapan si Andy dito?" nalilito n'yang sambit. Kaibigan namin si Andy kaya mahirap para sa akin na ipaalam ito sa iba. Tanging si Helley lang ang naiisip kong maaari kong pagsabihan ng problema ko dahil kung kikimkimin ko ito mag-isa maaaring akong mabaliw sa kakaisip. Itinuturing n'yang kaibigan si Andy ngunit hindi s'ya malapit kay Andy pero ako oo. Paano ba naman mainit ang ulo ni Helley kay Andy mula pagkabata pero hindi ko alam kung paano pa sila naging magkaibigan ngayon. Hindi yata pinapanindigan ni Helley ang salitang kaibigan kay Andy.
"Hindi ko ginusto ang arranged marriage na pagpaplano ng mga magulang namin ni Jayden—" Naputol ang gusto kong sabihin ng bigla s'yang magsalita.
"Si Jayden ang papakasalan mo or...no, ibang Jayden ba ang tinutukoy mo? Pero nabanggit mo si Andy..."
"Yes, Jayden Chavez ang tinutukoy ko, my best friend." I stated. Napahawak naman s'ya sa kan'yang noo at hinilot ito. Yeah, I know na mahirap paniwalaan at complicated ng situation namin ngunit ano pa ba ang magagawa ko. "Alam na rin n'ya ang tungkol dito at pumayag na nga s'yang magpakasal sa akin." pagpapatuloy ko sa sinasabi ko.
"Mababaliw na yata ako sa nalaman ko. Ano na ang plano mo ngayon? Itatago mo ba ito ng matagal kay Andy?" she asked.
"Hindi, alam ko na malalaman n'ya rin ang tungkol sa amin. Hindi magtatagal kakamuhian na n'ya ako bilang kaibigan n'ya." Mapait akong ngumiti bago tumalikod sa kan'ya. "Halika ka na nga bago pa may makarinig sa atin dito." Ipinagpatuloy na namin ang paglalakad.
Naging tahimik ang paglalakad namin. Naguguluhan parin siguro s'ya sa ibinalita ko sa kan'ya. Araw-araw hinihiling ko na isang panagip lamang ang lahat ng ito ngunit hanggang sa panaginip lang talaga ang gusto kong mangyari. Nasa totoo akong buhay ngayon at gising na gising ang aking diwa. Hayy, kailangan ko munang ipagsawalang bahala ang iniisip ko. Kahit ngayon lang, pipilitin kong ilibang ang sarili para hindi ako malunod at mabaliw ng tuluyan sa walang k'wentang bagay na ito.
Napatingin naman ako sa katabi ko na hanggang ngayon ay nakahawak parin s'ya sa kan'yang chin habang nag-iisip. Hindi ko na s'ya inistorbo pa at hinayaan na lang. Napalibot naman ako ng tingin sa paligid. Marami paring estudiyante ang nasa labas kabilang narin kami ni Helley. Ano na bang oras? It's alrealy 9:20 am, so late na kami para sa first subject namin, pero bakit marami parin ang mga estudiyanteng nasa labas.
"Vacant natin ang first and second subject natin." Huh? Mind reader na ba itong babaeng ito. "Oh" iniharap n'ya sa akin ang cellphone n'ya at binasa ko ang nakalagay doon. Isa itong announcement na nagsasabing magkakaroon ng pagpupulong ang bawat guro kaya wala kaming klase sa first and second subject. "Okay na ba?"
"Oo na, ilayo mo na nga sa akin 'yan. Naduduling lang ako." Inilayo naman n'ya sa akin ang cellphone. So marami pa kaming oras para maglibang para na rin maiwasan kong makita sila.
"You're stupid nerd! Kailangan ko bang ulit ulitin sa iyo na huwag na huwag kang gagawa ng pagkakamali!"
Agad naman akong napalingon sa direksyon ng estudiyanteng sumisigaw. Anong meron? May mga nagkukumpulang mga estudiyante at parang may pinapanood.
"Hmm, mukhang may kawawa na namang student na binu-bully," sambit ni Helley. Mukha nga, hindi ba sila nagsasawang gawin ang gan'yang eksena. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yung may nakikitang estudiyanteng umiiyak at nagmamakaawa. Aish, hindi ba nila maipagtanggol ang sarili nila at hinahayaan na lang silang apiapihin. Gustong gusto lang talaga nilang ipakita na mahina sila kaya sila na pagdidiskitahan, eh. Kung walang mahina walang mabu-bully pero kung wala ring bully walang magiging kawawa.
"Oh, Fern where are you going?" tanong ni Helley. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa direksyon ng mga estudiyante. May hawak pang mga cellphone ang iba para kunan ng video ang pagpapahirap sa student at ang iba naman ay sayang saya sa nakikita. Wow, ang saya-saya para sa kanila ang may makitang nahihirapan, noh. Ni isa sa kanila wala man lang nakaisip na tumulong.
"Tabi" wika ko sa mga estudyanteng nakukumpulan. Tumabi naman agad sila ng makita ako at itinago agad ang mga gadget nila. Tsk, takot much. Naging tahimik ang lahat maliban sa babaeng patuloy parin sa pagsasabi ng mga masasakit na salita sa babaeng ngayon ay nakaluhod na. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad na lumapit sa babae na handa na sanang hampasin ng hawak n'yang bag ang babaeng nakaluhod. Mabilis kong hinawakan ang kamay ng bully para pigilan s'ya sa balak n'ya.
Mapang-uyam ko s'yang nginitian. "Hindi mo ba alam na bawal ang ginagawa mo," cold kong sambit. Nangunot ang noo nito at takhang tinignan ako.
"What did you say?" tanong n'ya. Bingi ba 'to? Ang lapit-lapit ko na sa kan'ya gusto n'ya pang ulitin ko ang sinabi ko.
"Repeating was never on my vocabulary at hindi ko kasalang bingi ka o sadyang tanga ka lang talaga," sarkastiko kong sabi. Nakita ko naman kung paano s'ya mainis sa akin.
"How dare you! Sino ka ba para makialam sa amin dito?!" sigaw n'ya.
"Claire, obvious namang gusto n'yang samahan si miss nerd," singit na sabi ng kasamahan nya. Bale tatlo sila. Tinignan ko naman ang isa pa nilang kasama at pansin kong humakbang ito paatras. Kilala ko s'ya, isa s'ya sa bully na na-encountered ko noong nakaraang linggo. Ngayon iba na naman ang kasama n'ya. Hindi pa ba ito natauhan sa sigawa ko sa kan'ya?
"Yeah, gusto ko ngang s'yang samahan. May problema ba?" sumbat ko sa kanila na may ngiti sa aking labi.
"You pay for this na kinalaban mo kami."
"Huwag kang magsalita ng tapos. Baka bawiin mo rin ang sinabi mo."
"You b***h! You are really getting on my nerves." Balak na sana ny'a akong sampalin ng unahan ko s'ya. Napaupo naman s'ya nang sampalin ko s'ya sa pisngi. Halos mangiyak-ngiyak pa s'yang tumingin sa akin.
"Opss, nalakasan ko yata. Masakit ba?" Nakangisi kong sabi. Matalim lang n'ya akong tinignan. Nararapat lamang sa kan'ya 'yan tsaka hindi ko naman hahayaan na dumapo sa pisngi ko ang palad n'ya, noh.
"You b***h!" Tukoy sa akin ng isa n'yang kasamahan. Yeah I know I'm really a b***h. Hindi na kailangang ulit-ulitin pa. Lumapit s'ya sa akin pero hindi na natuloy ng biglang may tumama sa kan'yang balikat na isang libro. Tumingin ako sa pinanggalingan ng libro.
"Pwedeng sumali. Bored na kasi ako eh," sambit ni Helley. Lumapit s'ya sa akin at masamang tinignan ang babaeng nasa harapan namin. Hindi naman nakagalaw ang babae dahil alam n'yang nag-iisa na s'ya. 'Yung nagngangalang Claire ay nanatili parin nakaupo sa damuhan habang hawak ang pisngi nya. Talagang napalakas ang pagakakasampal ko sa kan'ya. Ang isa pa nilang kasamahan ay bigla nalang nawala, natakot na siguro.
"Ano na, magtitigan lang ba tayo?," bored na sabi ni Helley. Napaatras naman agad 'yung babae at agad na tumakbo.
"s**t, huwag mo akong iwan!" Sigaw naman nung Claire bago sumunod sa kasama n'ya.
"Mga takot naman pala ang mga iyon eh. Akala mo kung sinong matatapang tatakbo din naman pala," sambit ni Helley.
"Sinabi mo pa, tara na nga nagugutom na ako." Dumiretso na kami ni Helley sa canteen para kumain dahil nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom. Ipinagsawalang bahala na lang din namin ang mga estudiyante kanina at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Nang makarating kami sa canteen ay agad akong umupo at si Helley na ang pumunta sa counterpart para bumili ng makakain namin. Ramdam ko namang may nakatingin sa akin kaya tumingin rin ako sa kanila. Nginitian ko lang sila pero agad silang napaiwas ng tingin. Sobra talaga ang takot nila sa akin, eh. Tsk, ano ako nangangagat ng tao? Mabait naman ako ah pero sa mababait nga lang. Kung sa mga may sungay tulad ng mga nakasalamuha namin kanina ibang usapan na 'yun.
Napasalumbaba ako at tumingin sa pintuan ng canteen nang biglang magsitilian ang mga estudiyante. Natanaw kong pumasok ang mga kaibigan ni Jayden na s'yang dahilan kung bakit nagmumukhang tanga ang bawat estudiyante sa kakatili nila. Sunod namang pumasok sina Jayden at Andy na magka-holding hands sa isa't isa. Napa-face palm naman ako. Hayst, bakit hindi ko naisip na dito rin sila kakain? Eh 'di sana wala kami rito. Ayaw ko pa naman muna sana silang makita kahit ngayong araw lang pero hindi man lang ako pinagbigyan. Ok fine, ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay umakto na parang normal lang ang lahat na parang dati na wala akong dalang-dalang probrema sa kalooban ko. Ayaw ko rin masira ang meron sa amin bilang magkakaibigan kaya hanggat makakaya ko ipapakita ko sa kanila na okey ako para na rin sa gan'on ay hindi sila manibago sa akin lalong lalo na si Andy. Ipapakita ko sa kan'ya na tapat parin ako sa pagkakaibigan namin kahit na sinasabi sa kalooban ko na tinatraydor ko s'ya.