I just followed Jayden until he stopped. Humarap s’ya sa akin. His presence today is very different from Jayden I know. He seemed ready to kill with his expression now. He almost killed the man earlier. Parang gusto n’yang ibuhos lahat ng kanyang galit sa lalake.
“How long have you known this?" he asked.
Tumingin ako sa kan’yang mga mata at itinaas ang isa kong kilay. "Yesterday," maikli kong sambit.
"And you know—" Napahinto s’ya nang magsalita ako.
"Hep. Hindi ko alam na ikaw ang ipapakasal sa akin ng mga magulang ko. Kung alam ko lang, well, itinuloy ko na lang sana ang balak kong umalis sa amin, noh?" I quickly said. " I just want to clarify with you that I didn't want their plan," I continued.
Totoo namang ayaw kong maikasal sa best friend ko. My mom and dad, talagang nababaliw na sila. Anong nakain nila at naisipan nila ang ganitong set up? Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag-sink in sa akin ang nangyayari ngayon.
Nagulat naman ako nang biglang may nanuntok kay Jayden. "OMG, Jayden!"
Lumapit agad ako sa kan’ya at tiningnan ang grupo ng mga lalaki. "What the hell is your problem?!" sigaw ko sa lalaking nanuntok kay Jayden.
Ang lakas naman nang loob niyang suntukin ang kaibigan ko. Sino ba s’ya para gawin ito kay Jayden? Kaysa sa sagutin ako ay tumawa lang ang mga ito. Hah, talagang pinupuno nila ako. Tatayo na sana ako nang biglang hawakan ako ni Jayden sa braso ko.
"Don't. I can handle it by myself," sabi niya habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng kan’yang labi gamit lang ang kamay n’ya.
Tumuyo s’ya mula sa pagkakaupo at hinarap ang group ng mga lalake. "What do you want," he asked by his cold voice.
Napapalunok na lang ako dahil sa tensyon na nararamdaman ko ngayon. Bakit ba ang malas naman namin ngayong araw? Una ‘yung lalaki na nambastos sa akin tapos ngayon itong mga lalaking ito. Idagdag pa ang pinuproblema naming arranged marriage. Hayst, ang saklap nga naman.
"Nandito kami para maghiganti sa ginawa mo sa kasamahan namin! Sugod na!" Napaatras naman ako nang sabay-sabay silang sumugod kay Jayde.
May lakas pa akong sugurin sila kanina pero heto ako napapaatras sa takot. Ang stupid ko nga naman. Nagtago ako sa nakita kong malaking bato na hindi nalalayo sa pwesto nila. Oh my gosh, kinakabahan ako para kay Jayden. Pano ba naman 1 vs 4 but still I'm confidently na matatalo niya ang mga ‘yon. Easy lang kaya sa kanya ang mga lalaking iyon. Oh, see nakahandusay na yung isa at ang iba naman ay namimilipit na sa sakit pero go pa rin sa pagsugod.
Napapasigaw pa nga ako ng "Go Jayden!" pero dahil sa pagsigaw kong ‘yon ay naagaw ko ang pansin ng isang lalaki at handa na sana niya akong sugurin nang suntukin s’ya ni Jayden. Grabe ang kabang naramdaman ko doon, ah. ‘Yung mata ng lalake ay nanlilisik na para bang gusto niya akong patayin.
Nang nakahandusay na sa lupa ang apat na lalake ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at para bang batang nagsisitalon sa tuwa. Ang lalakas ng loob nilang sugurin si Jayden pero heto sila, bagsak. Ang hihina naman pala nila, eh.
"Oh, ano lalaban pa ba kayo ha?!" Sinipa ko sa paa ‘yung lalakeng nanuntok kay Jayden. Kung ikukumpara sa kasama niya ay siya ang may maraming pasa sa mukha. Mabuti nga sa kanya. Magsama sila ng kasama niyang bastos.
"Stop it, Fern. Nagmumukha ka nang stupid sa ginagawa mo." Tiningnan ko naman nang masama si Jayden dahil sa sinabi n’ya.
"What?" Poker face n’yang sabi bago siya tumalikod sa akin at naglakad.
Napa-roll eyes ako at tumakbo na upang sumunod sa kanya. Me, Stupid? Sapakin ko kaya s’ya sa mukha. Tingnan lang natin kung sino ang tinatawag n’yang stupid. Wait a minute. Pansing kong huminahon na s’ya. Hindi na s’ya tulad kanina na galit na galit. Maybe nabuhos na niya lahat ng mga galit niya sa mga lalakeng ‘yon or sadyang itinatago lang n'ya.
Pumasok na kami ni Jayden muli sa loob kung nasaan ang mga magulang namin. Tumayo naman agad si Tita Adeline nang makita si Jayden. Lumapit s’ya at hinawakan nito ang pasa sa gilid ni Jayden. Hinawakan naman ni Jayden ang kamay ni Tita at nilayo ito sa kanyang pasa.
"Jayden, saan mo nakuha ng pasang iyan? What happen?" nag-aalalang tanong ni Tita.
"Nakipag-away ka na naman?!" galit na tanong ni tito.
"Papayag na akong magpakasal kay Fern but this is the last time you can control my life." Binalewala niya ang tanong ni Tito at umalis na s’yang muli.
Napalunok naman ako ng sarili kong laway dahil sa sinabi ni Jayden. Huh? Payag na s’yang magpakasal sa akin? But... how about Andy?
Lumingon ako sa pintuan na pinaglabasan n’ya. Ang lalaking ‘yon bakit siya pumayag? Balak ko pa sanang sabihin sa kanya na gumawa kami nang paraan para hindi matuloy ang arranged marriage pero bakit ang dali n’yang pumayag. Ako nga hindi ko pa tanggap, eh.
"Are you okay? May nangyare ba kanina na hindi namin alam?" Napalingon ako kay mommy.
"Yeah, but I'm already tired to say it to you. Can I go home now?" I asked her.
Tumango naman s’ya. Naglakad na ako papaalis sa pwesto nila. Sumunod naman sa akin ang body guared ko. Pagod na talaga akong intindihin ang lahat. It's hard to accept. Ang gusto ko na munang gawin ngayon ay humiga at matulog para sa ganon ay hindi ko na muna maisip ang problema ko.
Nang makarating na ako sa mansyon ay bumaba na ako ng koste. Tumuloy na ako sa kwarto ko at agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Hindi na nagtagal at dinalaw na ako ng antok.
Kinabukasan ay naghanda na ako para pumasok. Ngayon ang unang araw ng aming pasok. Nasa 4th year college na and I'm taking business management. Siyempre sa pagmamay-ari naming university ako papasok sa Harrison High. Ang pinakatanyag at pinakasikat na unibersidad pagdating sa Fine Arts at Business Management.
Kinuha ko na ang shoulder bag ko bago bumaba ng stair. Naabutan ko naman si Nanny na naghahanda na ng breakfast. Tinigna niya akong nagtataka. Himala kasing nagising ako nang maaga ngayon. Nakasanayan na kasi ni Nanny ang gisingin ako tuwing umaga kaya laking gulat niya ngayon na makita ako sa harapan n’ya. 8:00 am akong ginigising ni Nanny pero 7:00 am pa lang ng umaga. Ang start ng klase namin ay 8:30 am. Pabagsak akong umupo sa upuan at kumuha ng sandwich sa mesa.
"Oh, himala yatang ang aga mong gumising ngayon." Tumingin ako kay Nanny habang kagat-kagat ko ang sandwich na hawak ko.
"Nanny, ang pangit ng panaginip ko,” sambit ko sa kanya habang nakanguso.
"Ano naman n’yang napanigipan mo at nasabi mong hindi maganda?" tanong ni Nanny habang patuloy pa rin siya sa paghahanda ng mga pagkain.
"Ikinasal na daw kami ni Jayden”, naiiyak kong sabi. “Nanny, parang hindi ko kaya... parang babangungutin ako gabi-gabi,” I added. Hindi talaga kinakaya ng isip kong ikakasal na ako.
"Babangungutin ka? Ikaw na bata ka kung ano-ano ang iniisip mo. Maiwan na muna kita," Nanny said bago s’ya pumunta sa kusina.
Kumuha naman ako ng juice at uminom.
"How is my baby girl?" rinig kong sabi ni Daddy mula sa likuran ko.
Pumunta s’ya sa upuan na kaharap ng sa akin. Tumingin lang ako sa kan’ya ng emotionless. Akala ba niya okey na s’ya sa akin. Galit pa rin kaya ako sa kan’ya.
"Hindi na ako bata. I'm already an adult kaya nga binalak n’yong ipakasal ako 'di ba." Tumingin ako nang diretso kay Daddy. Nawala naman agad ang ngiti niya sa labi. Balak pa sana n’yang magsalita ng agad akong tumayo.
"Aalis na ako, Daddy," pagpapaalam ko sa kan’ya. Kinuha ko na muli ang shoulder bag ko. Nagmadali naman akong lumabas ng mansyon. Pumunta ako sa kotse kong naka-park sa labas.
"Ako na ang magmamaneho," salubong kong sambit sa bodyguard ko. Tumanggi pa s’ya noong una pero tiningnan ko s’ya ng may pagbabanta. Yumuko s’ya bago lumayo sa kotse ko. Sumakay na ako at pinaharurot ito.
Nang maka-park na ako ay lumabas na ako ng kotse. Naagaw ko naman ang pansin ng mga student. Lahat sila ay napatingin sa akin. Hindi ko na sila pinagtuunan pa ng pansin. Patuloy lang ako sa paglalakad. Lumilihis naman ang iba sa daanan ko. Nilagay ko ang headset sa tenga ko at nakinig ng music. Sa tulong nito ay nare-relax ang isip ko. I really love music.
I checked my watch and its now 8:09 am so I have some more time to relax my body and of course my mind. Pagpasok ko sa building, umakyat kaagad ako sa stairs papuntang rooftop. Wala naman sa’kin kung ma-late ako dahil sanay na ang mga teacher namin sa gawain kong ganito. Hindi na nila nagagawang magreklamo dahil sa matataas rin naman ang grado ko sa kanila even though I’m a b***h in the eyes of all the people here. Biniyayaan kaya ako nang angking talino.
Naupo agad ako nang makarating sa rooftop. Tumingala ako sa langit habang nakapikit ang aking mga mata at dinadamdam ang sarap ng hangin.
"Ahhhhh… Drake! Babe...."
Huh? Ano 'yon?
Napamulat agad ako ng mga mata at tumingin sa paligid. Wala naman akong nakitang tao pero kahit na nakasuot ako ng headset, alam kong may narinig akong ungol ng babae. Tinanggal ko ang headset ko para marinig nang mabuti ang paligid ko.
"Babe. Spread your legs." Napatayo na ako nang makarinig naman ako ng boses ng lalake.
What the hell. What was that?
"Ohh... yes, babe." Sinundan ko ang ingay. Habang papalapit ako sa pinanggagalingan ng boses ay mas lalong lumalakas ang boses.
Binuksan ko ang pintuan ng stock room at halos lumawa ang mata ko sa nakita. Tumingin naman sa akin ‘yung lalake. Kaagad ko namang isinarado ang pintuan. Talaga nga naman, oh, dito pa nila ginawa… Aist.
Sinipa ko ang pintuan nang malakas. "Labas! Kung ayaw n’yong iparating ko sa guidance office ito,” Bad trip kong sabi. Sirain ba naman ang mood ko.
" I said—" Napahinto ako nang bumukas ang pinto at niluwa nito si... Helley?
"Oh, Fern you're here!" nakangiti n’yang sabi.
"Ikaw pala ‘yan. Fern." Napatingin naman ako sa lalake at ngayon ko lang naalala kung sino s’ya. Ang kinalolokohang boyfriend ni Helley. By the way, Helley is one of my best friends.
"Talagang dito pa talaga n’yo naisipang gawin ‘yan," I said the both of them.
Napatawa naman si Helley sa sinabi ko. "You're funny, Fern," Walang tigil pa rin niyang tawa. May gana pa talaga siyang tumawa ha? Tingnan lang natin kung makakatawa ka pa sa gagawin ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko.
"Hello, Tita... Yes... I just want to inform you that Helley is—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang inagaw ni Helley ang cellphone ko.
"Are you crazy?!" nanlalaking matang sambit niya sa’kin. Tinaasan ko naman s’ya ng kilay. Hanggang ngayon kasi hindi alam ng mama niya na may boyfriend siya at ang malala pa ay nagpagalaw na s’ya. Hinihintay ko na lang talaga na mabuntis ang babaeng ito sa pinaggagawa nila.
"Pwede bang iwan mo muna kami ni Helley? I just want to talk to her," sabi ko kay Drake habang nakaakbay siya kay Helley. Sinenyasan naman s’ya ni Helley na mauna na s’ya pero bago 'yun ay nagawa pa nilang maghalikan sa harapan ko.
"Can you stop that!" sigaw ko sa kanila. Helley laughed.
"Sige na babe tawagan na lang kita ulit. Love you,” Helley said.
"I love you, too," Drake replied. Napa-roll eyes naman ako. Nang makaalis na si Drake ay tumingin na ulit sa ‘kin si Helley.
"So... anong problema mo at bakit ang init ng ulo mo, huh?" Tiningnan ko s’ya sa mata. Talagang itinanong pa n’ya. Nang dahil sa kanila ng boyfriend niya, nasira ang mood ko.
"Ano pa bang dahilan? Sinira n’yo lang naman ang tahimik kong pagpunta dito sa rooftop!" sigaw ko sa kan’ya. Tumalik na ako sa kan’ya at umupo muli sa pinag-upuan ko kanina.
Humalakhak siya. "Nakararamdam ako ng ibang dahilan kung bakit ka gan’yan. I know you more so spill it out. What's your problem?" tanong niya sa akin. Naghihintay naman s’ya ng sagot ko.
Napabuntonghininga ako. "Ikakasal na ako,” sambit ko. Hindi naman s’ya makapaniwala sa sinabi ko.