Chapter 25

1736 Words

"Ate 'yun po ang bahay namin!" Turo ni Ailani sa isang maliit na bahay ngunit kahit na ganoon ay maayos naman ito. Sinabi ko kasi sa kanila na kailangan na nilang umiwi dahil baka hanapin na sila ng mga magulang nila. Hinawakan ako sa kamay ni Ailani at hinila papalapit sa bahay nila. Ganoon din ginawa ni Kylo at dalawa na silang nanghihila sa akin. "Nay! Nandito na po ako!" sigaw ni Ailani. Bumukas naman ang pinto at gulat na napatingin sa akin ang ale na sa tingin ko ay siyang tinatawag na Nay ni Ailani. "Good morning po," nakangiti kong sabi at bahagyang yumuko. "Nay, siya po pala si ate Fern," pagpapakilala ni Ailani sa akin. "Nako ikaw pala si Fern. Ay siya tumuloy ka, hija." Binigyan niya kami ng daan papasok sa loob. Tatanggi sana ako pero nakakahiya naman kung gagawin ko 'yun.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD