"Kaloka, hindi ko naman akalain na may kasama na palang magandang babae itong kapatid ko. Charing mas maganda pa kaya ako," natatawa niyang sabi. Pati ako ay natawa na lang dahil sa sinabi niya. So its confirmed na gay pala siya at hindi guy. Sa unang tingin ay hindi ko talaga aakalain na mas malambot pa itong si Kevin ay este Kelley pala. Sa totoo niyan napagkamalan ko pa siyang isang artista ng makita ko siya. "Kuya naman mas maganda pa rin si ate. Siya totoong babae pero ikaw lalake!" sabi ni Ailani sa kuya niya or should I say ate. Tumaas naman ang isang kilay ni Kelley na tumingin sa kanyang kapatid. "Ang guwapo mo kaya kuya!" patuloy na pang aasar niya sa kanyang kuya. Maarte namang napahawak si Kelley sa sentido niya. Puro na lamang kaming tawanan. Ayaw kasing mag patalo ni Ailan

