Nag paalam na sa akin si Kelley. Ang kagustuhan niyang makilala ang mga boys ay nauwi sa wala. Wrong timing dahil pinag alala ko talaga sila. Ang saya ni Kelley kanina ay nag laho na lang ng makita ang mga boys na seryosong nakatingin sa amin kanina. Nanatili lamang akong nanonood dito sa sala. Mamaya ko na lang siguro kakausapin si Jayden. Gusto sana siyang kausapin kanina pero umiwas lang siya sa akin. Hindi ko siya maintindihan, napaka laki ba ng nagawa kong kasalan? Bahala siya, kung ayaw man niya ako pansinin hindi ko siya pipilitin. Mas mabuti ngang ganito na umiwas siya sa akin para hindi na ako mahirapan pa na ako ang kailangang umiwas sa kanya. Napatingin ako sa labas kung saan nagsasaya ang iba. Inaya nila ako pero tumanggi ako. Wala ako sa mood para makipag tawanan sa kanila.

