Chapter 1

2205 Words
Tasmine's Pov "Hoy! Hindi n'yo ba alam na nababanga n'yo na kami?!" Sigaw ni Mckenzie sa mga estudyanteng nagsisitakbuhan at hindi na magkandaugaga marating lamang ang quadrangle ng school kung saan kasalukuyang nagpapractice ang The Kings. "Let them be, para namang hindi ka pa nasanay sa mga yan," her brows arched as she stare confusedly at me. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang umirap na lang sa kawalan at ipaalala ulit sa kaniya ang dahilan kung bakit wagas makatakbo ang mga babaeng estudyante ng East Empire University na para bang hinahabol sila ng kometang magiging sanhi nang pagkawasak ng planeta. "Friday ngayon—," hindi ko pa man natatapos ang dapat na sasabihin ko ay nahila n'ya na rin ako sa direksyon papunta ng quadrangle para makigulo pa lalo sa mga babaeng halos mamatay na sa kilig, pwe! Oh well, sino nga ba naman kasing matinong babae ang hindi tatakasan ng panty nila kapag nakita ang magpipinsang Montefiore na akala mo'y fresh from Mt. Olympus na pinadala ni Zeus para baliwin at paglawayin ang lahat ng kababaihan sa Earth. Almost everyone, yup, almost. Dahil hindi ako kasali sa bilang ng mga tagahanga nila kahit na ika nga nila ay perfect package na ang mga lalaking 'yon dahil sa tatlong rason; They are my cousins, I get to see them  and hear their so called angelic voice more often, pangalawa magagandang lalaki man ay hindi naman ganoon kaganda ang ugali ng tatlong gungong na yan. They are nothing but a bunch of jaw-dropping young man but that doesn't hide the fact that they are also a bunch of hopeless jerk, at ang pangatlo, that man who's singing right now as if he's serenading every girl in this field never consider me as his cousin at wala siyang ibang ginawa kung 'di ang maliitin ako. I knew I love you then  But you'd never know  'Cause I play it cool when I was scared of letting go, I know I needed you But I never showed But I wanna stay with you until we're grey and old Just say you won't let go Just say you won't let go For a moment I was swoon by how damn beautiful his voice is, by the way he sing it with so much emotion as if he really dedicate this song for someone special, someone he love but he can never tell about. Pakiramdam ko mula sa rurok ng pagpafangirl ay muli akong hinila ng kung anong pwersa para maging hater nilang muli nang makita ko ang pagkindat at mapaglarong ngiti sa labi nila. Someone he love but he can never tell about? Seriously self, naisip mo 'yon? Mga Montefiore Boys 'yan.  They'll say the right words, to the right thing, and girls will drop their panties and doomed they'll leave you hanging.  Kaya bakit ko ba naisip na may someone si Krei na hindi n'ya masabi-sabi ang nararamdaman n'ya e napaka-kapal ng mukha ng lalaking yan. Masyadong nagsink-in sa mga utak nila na lahat ng babae ay magkakandarapa mapansin lang nila, and of course they'll use that to their advantages "Mckenzie, halika na," pabulong na sambit ko sa kaibigan ko na kanina pa naghahyperventilate.  She glared at me as if I have said something against the moral law.  "Kj ka, mauna kana kaya? Palibhasa lagi mong nakakasalamuha sila Krei, paano naman ako?" She dramatically ask that made me heaved a sigh. Oh God, for the sake  of human kind! "Walang espesyal sa kanila, ni hindi na rin ako interesado na makasalamuha ang mga yan. Those  three, especially that Krei is nothing but an annoying jerk!" I scoffed and started  to find my way on our classroom. Gaya nga ng inaasahan halos abandonado ang building nakalaan para sa mga Grade 12 na katulad ko dahil lahat sila maliban sa akin at sa iilang school staff ay nasa quadrangle na animo'y nagsilbing concert ground ng The Kings. Imbes na isipin ko lang ang pagkainis gawa ng katotohanang mas pinili ng childhood bestfriend ko ang punyetang The Kings kesa sa 'kin ay inabala ko na lang ang aking sarili sa panonood ng iba't ibang music videos. Ramdam ko man ang pagbukas at pagtabi ng isang tao sa 'kin ay hindi na ako nag-abala pang alamin kung sino 'yon, mas mahalaga ang pinapanuod ko kesa sa existence n'ya. Ilang minuto pa'y sunod-sunod na ring nagsidatingan ang mga kaklase ko maging si Mckenzie na para bang gulat na gulat sa kanilang nadatnan. Mckenzie sat right beside me and whisper something. "Ba't katabi mo s'ya?" Mababakas ang labis na pagkakilig sa boses n'ya na s'ya namang ipinagtaka ko. "Sino ba—f**k!" Mabilis akong napatakip ng bibig ng makita ko nang malapitan ang mukha nang nakapikit na si Krei habang nakasukbit sa kanuyang tenga ang itim na headphone. "Anong ginagawa n'ya rito?" Mckenzie ask once more, sana lang alam ko talaga ang sagot sa tanong n'ya. Ilang saglit pa ay dumating na rin sina Luthor at Maver na sa likuran nang kinauupuan namin naupo. Seriously, what the heck? Mabilis akong tumayo at kinuha ang bag ko,). "Saan ka naman pupunta?" Mckenzie ask immediately as I was about to take my steps.  Pakiramdam ko may mini drama skit na nagaganap at hindi ako natutuwa sa atensyon na nakukuha ko mula sa madla. "Why don't you just sit the f**k down and stop acting like a brat?"  Krei uttered using his winter like voice as he remove his headphone and stare intently at me. Napaawang na lang ang labi ko dahil sa labis na gulat sa kaniyang sinabi, unbelievable, ako pa talaga? "Ako pa talaga, kanina noong tumabi ka sa 'kin marami pa namang mga bakanteng upuan ah, kahit ngayon kaya bakit hindi ka roon umupo?" I ask irritably. Hindi lingid sa kaalaman ng mga kaklase namin ang malamig na pakikitungo sa 'kin nina Krei na para bang hindi nila ako kakilala pero ito ang unang beses na nagkasagutan kami at unang beses na nag-usap kami matapos ang pitong taon. "What the f**k is wrong, if I sit here or I sit there, is there any difference?" Mariin akong napapikit. Punyeta talaga s'ya napaka n'ya! "Oo may pinagkaiba kapag dito ka naupo at kung doon ka mauupo kasi kapag malayo ka sa 'kin magiging payapa ang buhay ko," inis na sigaw ko. Parang biglang dumaan ang anghel at natigilan kaming lahat ng pumasok sa classroom ang terror naming Professor. My mouth automatically shut as our professor's brow arched and stare at me intently.  "Ms. Villarama first day of class and yet you're causing a scene in my class," he paused for a moment as he took a glimpse of Krei who is now looking at him without a trace of any emotion in his eyes. "Dahil gumawa ka ng eksesana parang gusto ko rin ng eksena," at pakiramdam ko ay saglit na tumigil ang mundo ng marinig ko ang mga katagang.  "Pumunta ka sa detention, ngayon na," gusto ko pa mang tumutol at gawin lahat ng makakaya ko para ipagtanggol ang aking sarili ay minarapat ko na lang na sundin s'ya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, nagsimula na ang malas sa buhay ko. "Ms. Villarama, may kailangan ka?" nakangiting tanong ng babaeng nagbabantay sa detention. Mabilis akong umiling at napakamot ng bahagya za 'king kilay.  "Pinapunta ako dito ni Prof. Orienne," may bahid man ng pagtataka sa mukha n'ya ay hindi na s'ya nagtanong pa at pinapasok na lang ako sa loob. Kasalanan talaga 'to ni Krei, simula grade 7 hanggang grade 11 malinis ang record ng pangalan ko tapos... tapos, argh! I groan as I can't help but to be frustrated. "She have lost her sanity," a familiar baritone voice commented, I immediately open my eyes. Hutapit, sinundan ako ng malas! "Damn you! Krei, this all your fault," I muttered as I keep on throwing death glares at him and of course he don't give a f**k about it. "Is it? Kung hindi ka lang nagpaka-oa edi sana wala ka dito diba?" He commented as the corner of his lips lift in a teasing manner.  Bahagya akong natigilan at napaisip dahil sa sinabi n'ya, masyado ba talagang oa ang naging reaksyon ko? "Whatever, at bakit nga pala nandito ka rin?" I ask irritably. He was busy tapping his finger onto the arm of the chair. "Let's just say mabait akong pinsan kaya sinamahan kita rito," atomatikong umikot ang mga mata ko nang 350 degrees dahil sa naging sagot n'ya. Asa pa. Bakit ba hindi pa tumatatak sa utak ko na wala akong matatanggap na matinong sagot mula sa nilalang na'to? Mahigit sa kalahating oras na rin akong payapa at kalmado sa aking kinauupuan hanggang sa muli siyang magsalita pero ngayon hindi inis at pagkairita ang naramdaman ko kung 'di gulat dahil sa naging tanong n'ya. "Exactly two months from now it'll be your 18th birthday," nangunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya ngunit hindi ako nag-abalang sagutin s'ya kaya muli siyang nagpatuloy sa pagsasalita nang mapagtantong wala siyang makukuhang kahit na anong sagot sa akin. "Can I be your last dance?" He ask. Imagine a cliche scenario wherein a boy suddenly ask a unexpected question that made the girl's eyes almost pop out on its socket. Iyan lang naman ang nangyari sa akin dahil sa naging tanong n'ya. "I don't want too, besides I should share my last dance with someone special at obviously hindi ikaw 'yon," muling nanumbalik sa mga mata n'ya ang kawalan ng kahit na anong ekspresyon dahil sa aking sinabi.  May mali ba? Parang wala naman. Nagsasabi lang naman kasi ako ng totoo. "I'll be special too, one day," he uttered almost a whisper but that didn't stop me from hearing those I was about to ask him to clarify it more when the staff barge in, "p'wede na kayong bumalik sa klase n'yo," and said those seven words that sounds so magical in my ear. Sa mga nakalipas na taon nasanay na akong si Mckenzie lang ang kasa-kasama ko EEU. Hindi ko na rin pinangarap na jumoin sa circle of friends nila Krei at kung kinakausap n'ya man ako, kung pag-uusap nga 'tong matatawag at hindi pang-iinis hindi na ako mag-aassume na simula na 'to ng maganda naming samahan dahil sigurado naman ako na mas possible pang mai-announce na may natira pa sa lahi ng mga dinasaur at hindi pa sila tuluyang na-extinct kesa ang magkaayos kami ni Krei kahit na wala naman talaga kaming pormal na pinag-aawayan, sadyang abnormal lang s'ya. Nang makabalik sa classroom ay nanahimik na lang ako at hindi na nagbigay ng kahit na anong komento kahit na sa totoo lang ay gusto ko ulit bulyawan si Krei dahil sa muli niyang pagtabi sa 'kin. Okay lang yan self, may seating arrangement naman, Villarama ka at Montefiore s'ya magkakalayo rin kayo niyan tiis-tiis at tiwala lang. Ang pagtunog ng bell na rinig sa apat na sulok ng aming classroom ang animo'y nagsilbing magic spell para muling maibalik ang kaluluwa ng mga kaklase kong kanina lang ay parang mamatay na. Like the usual. Luthor, Maver and Krei went out together with some of their friends from the basketball team and also with their bitches, that made me roll my eyes.  Hindi naman lingid sa kaalaman ko or kaalaman ng lahat ng estudyante rito ang kakatihan ng mga binatang 'yon, baka iba na naman ang kakainin nila. Mabilis akong napapikit dahil sa ideyang pumasok sa aking isipan. "Kailan ka pa naging mahalay, self?" I whisper.  Natauhan lang ako nang padabog na nilapag ni Mckenzie ang kubyertos sa kaniyang plato atsaka ako pinakatitigan na para bang may dapat akong aminin sa kaniyaa. "Ano?" Iritableng tanong ko. She smiled sheepisly at me as she lean closer. "Nang pinalabas ka ng baklang professor natin ang magaling mong pinsan, Tasmine Ylonne Montefiore-Villarama ay nagwalk-out din para lang sundan ka sa detention, so anong nangyari don?" She asked curiously. "Tigilan mo 'ko sa pang-iintriga mo, walang ibang nangyari kung 'di bwinisit n'ya lang rin ako," I paused for a moment as the memory of Krei asking me if he could be my last dance on my debut came flashing back.  "At tinanong n'ya kung pwede ko ba raw siyang maging last dance," dagdag ko pa. Mas lumapad ang malapad niyang ngiti na para bang kinikilig 'to. "Don't look at me like that," mabilis kong sabi sa kaniya at nagkibit balikat lamang ito.  "Anong sinabi mo?" "I told him I don't want too," I murmured and start sipping on my lemon juice.  "Naiisip mo na naman na dapat mala-Prince charming ang kasayaw mo?" Nakangiwing tanong n'ya sa 'kin na mabilis ko ring tinanguan. "Tigilan mo yan, let's just say prince charming only lives on every girl's imagination, then welcome to the 21st century, were doomed kasi hindi sila nag-eexist," pambabara n'ya sa 'kin.  Kaagad ko siyang sinimangutan, I begged to disagree. "Bakit ikaw, hindi ba mga prince charming ang tingin mo kila Krei?" Taas kilay na tanong ko sa kaniya she smile sweetly at me before rolling her eyes and the sweet smile is now gone, long gone.  "Hindi, para sa 'kin naglalakad na tukso at hormone booster ang mga pinsan mo at hindi mga taong maikukumpara sa mga  imaginary-non-existent prince charming."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD