Chapter 2

2032 Words
Chapter 2 Tasmine's Pov   "Mommy, anong ginawa n'yo sa mansyon kanina ni Daddy, bakit di n'yo ko sinama?" I ask curiously. Oo, curious lang mas'yado kasi silang abala sa business namin at wala rin namang espesyal na okasyon para dumalaw sila ro'n.   Muli akong sumubo ng pagkain habang nakatingin sa kanilang dalawa na ngayon ay nagkakatitigan din. O-okay that's kind of weird.   Tumikhim si daddy na para bang bumubwelo s'ya dahil may kung anong importanteng bagay siyang sasabihin. He was about to say something when mom tapped his shoulder.   Senyales na dapat niyang itigil kung ano man ang dapat niyang sasabihin.   "H'wag mo munang sabihin sa kaniya. Let's just wait for the right moment," Mom uttered and smile at me.   Naguguluhan man ay wala na akong ibang nagawa kung 'di ang ngitian na lang din s'ya.   Malakas ang pakiramdam ko na talagang importante ang sasabihin ni daddy sa'kin kanina, at natatakot na 'ko.   I heaved a heavy sigh as I tuck myself into bed.   "Kung ano man ang dapat na sasabihin nila Dad, sigurado naman ako na hindi ko ikakapahamak 'yon," I whisper to myself as I try my very best to leave this reality and find my way to the dreamland.       "Good morning Mommy, Daddy," nakangiting bati ko sa kanila kinabukasan ng maabutan ko silang nag-aagahan sa hapag kainan, gaya nang nakasanayan ay hinalikan ko sila sa pisnge bago ako naupo sa tabi ni Mommy at nag-umpisang kumain.   "My, may problema ba tayo, may problema po ba sa business na 'tin?" I ask worriedly.   Ramdam ko kasi na may mali na para bang may problema talaga na kinakaharap ang pamilya namin na hindi nila masabi sa 'kin.     Mabilis siyang umiling saka ngumiti sa 'kin. "Nothing, iniisip lang namin ng daddy mo ang paparating na debut mo sinabi rin pala ng mamita mo na sa mansyon na lang daw ganapin ang debut," mabilis na nangunot ang noo ko.   Hindi naman sa ayoko ng ideya na sa mansyon ng mga Montefiore idaraos ang debut ko.   It's just that my birthday will be extravagant and I don't want things like that, I prefer having simple party rather than having a party and balls like the royals have or the Montefiore has rather.   "Mommy," I paused for a moment and shyly look at them, ayoko namang maging bastos para idecline ang offer ni mamita pero kasi..."Ayoko na sa mansyon ganapin 'yong party ko," I whisper and look down immeadiately.   Napanguso na lang ako nang marinig ang pagkawala ng malalim na buntong hininga mula sa kanilang dalawa.   "Pumayag kana, pagbigyan mo na ang Mamita," she blurted out and slightly squeeze my hand.   "I'll think about it Mom," mabilis akong tumayo at isinukbit na sa aking likuran ang backpack tsaka lumabas ng bahay kung saan naghihintay na ang driver at ang kotse na maghahatid sa aking papunta sa school.     Buong byahe ay nasa isip ko kung dapat ba na pumayag ako o panindigan ko ang gusto ko kahit na possibleng magtampo sa 'kin si mamita at maging si mommy.   I know that they only want the best for that special day of mine, pero kasi....   "Tas, may problema ka?" I snap back into reality upon hearing Mckenzie's worried voice.   Jusko parang ang oa ng reaksyon ko at maging s'ya ay nag-alala na sa inaasal ko.     "Seriously, akala ko naman bumagsak na lahat ng business ng magulang mo dahil mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa 'yon pala sinabihan ka lang na sa Montefiore Mansion ganapin ang birthday mo, sarap mo sapakin," napanguso ako at bahagyang kinagat ang dulo ng ballpen na hawak ko. Ewan ko ba pero manarism ko na 'yon.   "Kasi naman feeling ko hindi ko deserve 'yon" I muttered.     Sa pagkakataon na 'to ang mga mata ni Mckenzie ang umikot ng 350 degrees.     "Gaga ka, Villarama nga ang surname mo pero ipapaalala ko sa 'yo na may dugong Montefiore nanalaytay sa bawat ugat ng katawan mo and being Montefiore means having all the fancy things life can offer kaya naman igora mo na yan, isa pa gusto ko ring marating 'yong mansyon na 'yon."   Funny isn't? Proud na proud ang iba na may kakilala silang Montefiore habang ako na Montefiore mismo e hindi pinangangalandakan 'yon at halos isikreto ko pa. It feels like having that surname is a big burden on someone's existence.   Pakiramdam ko kasi kapag Montefiore ka ay perpekto ka dapat, flawless at hindi ako 'yon ganoong tipo.   -------------- "Si Krei at si Tasmine na lang po Ms. Valdez," mabilis akong umiling with matching hand gestures pa dahil sa narinig.   Jusko napagtitripan na naman ata ako ng mga kaklase ko.   "Ayoko po," maagap kong turan habang sinisipat ng tingin si Krei. Sinesenyasan na tumutol din s'ya sa mga kaganapan.   He just shrug his shoulder as he close his eyes. Hutapit!   "Mukhang payag naman si Krei, kaya pumayag kana rin Tasmine," pagpupumilit ni Ms. Valdez pero mas'yado akong determinado na hindi pumayag sa gusto niyang mangyari.     Hindi pa ako tinatakasan ng bait para sumali sa Ms. Intramurals at pumayag na maipartner kay Krei its a no.no.no   "Si Sasha na lang po Ma'am, mas bagay siyang representative ng section natin para sa intramurals," naka-puppy eyes na sinabi ko.   Nagbabaka sakaling baka mapapayag ko s'ya.   Ang rumampa at kung ano-ano pa ang isa mga maraming bagay na maaring maging sanhi ng aking kamatayan at gusto ko pang mabuhay kaya naman hindi talaga ako papayag.   "Ms. Valdez mas willing pa ako sa salitang willing, wag n'yo na lang pong pilitin si Tasmine," may plastik na ngiting tiningnan n'ya ko. Walang nagawa si Ma'am kung 'di ang pumayag na lang at ng akalang maayos na ang lahat biglang tumayo si Krei atsaka ako inakbayan na kinagulat ko ng sobra-sobra.   "Kung si Sasha ang magiging partner ko ayoko na lang rin maging representative para sa intramurals," Krei commented bluntly.       "Mas gusto kong kapartner si Tasmine, para walang ilangan," he then smile sweetly at me. Mabilis kong inalis ang kamay niyang naka-akbay sa akin.   Para bang may ideya na s'ya sa susunod na mangyayari at 'yon ay ang bungangaan s'ya ng sobra kaya naman tinalikuran n'ya na ako at naglakad palabas ng classroom dahil mag-uuwian na rin.   Iniripan ako ni Sasha at sadyang ibinangga ang sarili n'ya sa 'kin, problema n'ya?     Nagmartsa na rin ito palabas ng classroom. Hindi rin ako pabor sa mga nangyayari!   "Ma'am," I hopelessy called her but she  just gave me her sheepish smile. Wala na talaga.     "Ngayon pa lang ulit ako naexcite ng sobra para sa intramurals," may malapad na ngiting sinabi ni Mckenzie habang naglalakad na kami papunta sa gate.     "Hindi ako naeexcite, bukod sa maraming tao ro'n at rarampa ako si Krei pa ang partner ko" I groaned out of frustration.   Pakiramdam ko ang swerte-swerte ng high school life ko noong mga nakaraang taon and all of this starts to happen, hinahabol na ako ng kamalasan.   "Hindi ba ang weird lang na kapartner ko 'yong pinsan ko sa isang pageant?" Seryosong tanong ko kay Mckenzie na ngayon ay abalang nilalantakan ang maliit na cup ng yogurt.   Mas lalong tumaas ang sulok ng kilay ko ng masamid s'ya sa naging tanong ko na para bang hindi n'ya talaga inexpect 'yon.   "Gaga, bakit magiging weird?" Tanong nito pabalik at ako naman ang nagkibit balikat, ewan ko ba feeling ko talaga ang weird no'n.       Mabilis akong nag-angat ng tingin ng mapansin ang pagtigil ng itim at pamilyar na kotse sa aming harap.   Kreissaure.   Bago pa man maibaba ni Krei ang binta ng kotse ay mabilis na akong umiwas ng tingin, alam ko naman kasi na hindi ako ang dahilan ng pagtigil n'ya na 'yon.   Baka may babae siyang nasa likod namin na sasakay sa kotse n'ya.   Dahil sa kaisipan na 'yon, wala sa sariling nilingon ko ang aking likuran at walang nakitang kahit na sino roon.   Tanging ako at si Mckenzie lang.   I almost had a mini heart attack as I heard the loud beep coming from his car.      "Ano ba?!" inis na singhal ko sa kaniya.     His million dollar smirk is now on. "Get in," maikling utos n'ya na talaga namang ikinataas ng kilay ko.     "May sundo ako, Kre," isang plastic na ngiti ang pinakawalan ko at akmang aalis na ng muli siyang magsalita.     "Hindi darating ang sundo mo, tumawag sa'kin si Tita at didiretso tayo sa mansyon," nagtatakang tinitigan ko lang s'ya.   Naguguluhan pa rin sa mga nangyayari kahit na malinaw ko namang narinig ang sinabi n'ya.   Hays self, natatanga kana.   "Nasaan sila Luthor at Maver?" nagtatakang tanong ko madalas kasing sabay na pumapasok at umuuwi ang tatlong 'to.     Nag-igting ang kaniyang mukha na para bang hindi s'ya natutuwa sa tanong ko.   "Nandito ako diba, h'wag ka nang maghanap ng iba kapag ako ang kasama mo, naiinis ako," kaswal na sambit n'ya na para bang normal lang ang lahat kahit na kadulo-duluhan ng pag-iisip ko ay nagsisimula ng mabuo ang ideyang baka hindi si Krei ang taong kaharap ko o baka nasapian s'ya.   Ilang saglit pa ay parehas na kaming natahimik, normally nababother ako kapag may kasama ako at wala kaming imikan pakiramdam ko kasi may mali pero kung si Krei ang usapan kabaliktaran ang nangyayari ang normal na pakikitungo n'ya para sa akin ay ang hindi ako kausapin at pansinin kaya naninibago ako sa inaasal n'ya.   "Hindi kana ba galit sa'kin?" I curiously ask out of the blue.   Hindi nakatakas sa paningin ko ang saglit na paglingon n'ya sa 'kin bago n'ya muling itinuon ang buong atensyon n'ya sa kalsada.     "Kahit kailan, wala naman akong matandaang sinabi ko na galit ako sa'yo," sambit n'ya at iminaniobra ang kotse paliko.   "Pero sabi mo hindi mo ako gusto—,"   "— that, I told you that but you should know the difference, hindi kita gusto pero hindi ibig sabihin nin ay galit na ako sa 'yo," pagputol n'ya sa dapat na sasabihin ko.   If he don't like me, then why the hell he's acting like this now?     "I'm just being civil, hindi na kasi tayo mga bata," wika n'ya na para bang nabasa n'ya ang tanong sa utak ko. Ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ng saya     Hindi ko kasi naisip na kahit papaano ay may igaganda naman pala ang pakikitungo n'ya sa 'kin.   Nagmatured na nga talaga ang mokong na 'to, I thought to myself.   "Thank you," may tipid na ngiting sambit ko ng parehas na kaming nakababa sa kotse n'ya at papasok na ng mansyon.     Kumunot ang noo n'ya at kaagad na iniabot ang backpack na suot n'ya sa tagapagsilbing may ngiti sa labing sumalubong sa amin. "Hindi mo kailangan magpasalamat, hindi ko namang kusang ginawa 'yon, sumunod lang ako sa utos," sabi n'ya at nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin.   Siguro ganyan talaga ang ugali nya.   Hindi ko mapigilang hindi ma-amaze ng makita sina Luthor at Maverick na nagpifencing sa isang bahagi ng mansyon.     Aware naman ako na parehas nilang hilig ang fencing at sa katunayan nga ay mga champion pa sila sa iba't ibang kumpetisyon na may kinalaman sa fencing pero kasi ito ang unang beses na nakita ko silang nagpifencing nang harapan.   "Hi, Tas," nakangiting bati sa 'kin ni Maver nang alisin n'ya ang parang puting mask na nagsisilbing proteksyon sa kaniyang mukha.     "Ako?" gulat at nakaturo sa sariling sabi ko na sabay naman nilang ikinatawa. "Uh-huh, wala namang ibang Tasmine dito, ikaw lang," Luthor blurted out as he starts removing his suite.   "Hinahanap ka na ni Mamita," mariin akong napapikit habang sapo-sapo ang aking dibdib dahil sa labis na pagkagukat na naramdaman nang bigla na lang sumulpot sa harap ko ang ngayon ay nakabihis na ng mas kaswal na damit na si Krei.   "H'wag ka namang manggulat," singhal ko sa kaniya at ang paghila n'ya sa 'kin sa direksyon papunta sa engrandeng hapag kainan ng mansyon ang isa mga bagay na hindi ko inexpect na gagawin n'ya.       Ilang hakbang na ang layo namin kina Luthor at Maverick ay rinig pa rin namin ang tawa nila at ang pagsigaw ni Luthor ng, "threatened ka ba? Don't worry pinsan lang talaga ang tingin ko sa kaniya," bahagya akong napatigil sa paglalakad at nangungunot ang noong tinitigan sila.   "Don't mind them," maotoridad na utos n'ya na wala sa sariling sinunod ko.                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD