Chapter 3

2037 Words
  Chapter 3 Tasmine's Pov   Alas-singko pa lang ng hapon at hindi pa oras ng hapunan  sa pamilyang katulad ng sa Montefiore at Villarama bibihira lang na magsasama-sama kami sa iisang lugar maliban na lang kung may importante talagang okasyon.   Kaya naman gano'n na lang ang naging pagtataka ko nang makita sina Mommy at Daddy kasama ang mga magulang ni Krei pati na rin si Mamita na abalang nag-uusap sa hapagkainan.   May iilan ding tao na nando'n na hindi ko kilala sa pangalan pero aking namumukhaan.   They are the group of well-knowned designers and organizer in the country and international as well.   "Hi?" Nag-aalangang bati ko sa kanila at isa-isang hinalikan sa pisnge ang mga magulang ko pati na rin si Mamita si Krei naman ay nakaupo lang sa tabi ni Tita Athena at muling isinalampak ang headphone sa kaniyang tenga gaya ng lagi niyang ginagawa kapag hindi s'ya interesado sa mga bagay na nangyayari sa paligid nito.   "Tasmine hija, come sit here," nakangiting sambit ni Mamita at imiwinestra ang bakanteng upuan sa tabi n'ya.     Masuyo lamang akong ngumiti sa kaniyaa saka kaagad na sinunod ang bagay na gusto niyang mangyari.   "Kanina pa kita hinihintay. Excited na 'kong ipakita ang mga 'to sa'yo," sabay lahad n'ya ng tatlong sketch pad sa aking harapan.   Isang ngiti ang isinukli ko sa kanilang lahat. Pakiramdam ko sobra-sobra silang nakasubaybay sa bawat kilos ko at sa totoo lang nagsisimula na akong makaramdam ng pagkailing.     Mas sanay ako na hindi nila masyadong napapansin  kaysa naman ngayon na ang buong atensyon nila ay nasa akin.   Marahan kong binuklat ang bawat pahina ng sketch pad kung saan naka-drawing ang iba't ibang designs ng mga engrandeng gown.     I can't help but to be amused at that sight, it's beautifully-breath-taking at parang magiging napaka-ganda ng kung sino mang magsusuot ng mga gown na 'to.   "Don't you like it? P'wede naman akong gumawa ng bagong design na nakabase sa gusto mo," singit ng magandang babaeng ombre ang buhok.   Tumingin ako sa gawi n'ya at mabilis na umiling. "N-no, I m-mean I like the designs," I paused for a moment and turn to look at everyone. "But isn't this too much? I mean all of this para lang sa debut ko? Parang sobra-sobra naman po ata," nakangiwi at hindi siguradong sinabi ko sa kanila.   Mamita then burst out of laughing but in a more classy way than the usual.   "You are a Montefiore," sinulyapan n'ya si mommy na ngayon ay nakangiting nakatingin sa amin.   "At kapag Montefiore ka dapat lang na, na sa'yo ang pinakamagagandang bagay. Montefiore meant to have extravagant things in life," may proud na ngisi sa labing sinabi n'ya.   Looks like I've got no choice but to just say yes to their biddings.     Isa pa debut ko lang naman ang panghihimasukan nila hindi naman siguro masama 'yon.   "Sige po mamita, kayo na lang po ni Mommy ang bahala sa lahat may pageant po kasing kaming dapat na paghandaan ni Krei," I could almost see all of their mouth form into 'o' because of  my statement.   Sabi ko na nga ba ang weird pakinggan.   Nang makabawi sila sa gulat ay mabilis na ngumiti sa akin si Mamita habang ang iba naman ay tahimik  lang.   "Is that so? Then I'll guess dapat lagi na kayong magkasama ni Krei?" Mamita ask.   Gusto mang mangunot ng noo ko at tumaas ng kilay ko ay pilit kong pinanatili ang ngiting nakapaskil sa aking labi.     "Hindi naman po siguro lagi, siguro sa mga practice lang tapos p'wede na rin kamibg bumalik sa dati kapag natapos 'yong intramurals," I muttered and smile at them.   ----------- "Mommy magtetext na lang ako kay Manong kapag pauwi na 'ko mamaya  simula na po kasi ng practice namin para sa Mr and Ms. Intramurals baka gabihin na rin ako pero itetext din kita," nakangiting paalam ko kay Mommy na ngayon ay abala sa pagpili ng magiging motif ng debut ko.   "Okay, Keep safe baby," sambit nito  habang ang buong atensyon n'ya ay nasa laptap pa rin.   "Pwede bang manuod sa practice n'yo mamaya?" May kalakasang sambit ni Mckenzie halatang sinadya niyang iparinig 'yon kay Sasha para inisin ito.   I shrug my shoulder as I began scrolling in my phone to check my social media accounts. "Ewan ko, pwede bang manuod?" Balik tanong ko.   "Feel na feel mo rin naman noh? Sorry to break it up to you Tas, pero may mahalagang performance ang The Kings sa Dark Woods mamaya at sa tingin ko mas gugustuhin nila Krei na pumunta ro'n kaysa makasama ka sa boring na practice na 'yon."     Music and performing is their passion at ang ideyang mas pipiliin 'yon ni Krei kaysa  siputin 'yong practice kasama ako para ay bang may kung anong nagbara sa 'king lalamunan.   "Are you sure?" Matigas ang wikang ingles na tanong nang kakapasok lang na si Krei.   Walang emosyong nakatingin ito kay Sasha. Ang parang manlalapang leon na ekspresyon sa mukha ni Sasha kanina ay mabilis na napalitan ng maamong ekspresyon, nakakairita!     "O-oo, you've been ignoring her for God knows since when, kaya alam ko na hindi mo s'ya pag-aaksayahan ng panahon," may determinasyong sinabi ni Sasha. Siguradong-sigurado s'ya sa mga salitang binitiwan.   "Iyong representative raw ng section n'yo para sa Mr and Ms. Intramurals pumunta na sa auditorium," pag-iimporma sa amin ng campus president. Sandali kaming nagkatitigan ni Krei.   Pagkalabas nito ay s'ya ring pagtunog ng school bell hudyat na tapos na ang klase. Early dismissal nga lang ngayon at malamang ay ganoon din sa mga susunod na araw.   Nakataas ang kilay ni Sasha at may panunuyang nakatingin s'ya sa akin. "Go, Tasmine, hinahanap kana ro'n," may mapang-asar na ngising sinabi nito.   Bumaling ako ng tingin kay Krei.     "Pumunta ka na," ani nito gamit ang malamig na tono na talagang nakapagpalapad ng ngiti sa labi ni Sasha.   Parang martilyong binasag nito ang katiting na pag-asang mayroon ako.     "Pumunta kana, may ibibilin lang ako kina Luthor tapos susunod din ako sa'yo sa auditorium," he uttered that make the smile on Sasha's lips go vanish.   Pamartsang lumabas ng classroom si Sasha at hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha n'ya nang humagalpak ng tawa si Mckenzie miski ako ay maiinis at mapipikon sa paraan ng pagtawa nito. Napanguso na lamang ako.   "Hala, totoo nga? Akala ko chismis lang na si Villarama at Montefiore ang representative ng section nila," pabulong pero rinig na rinig ko pa rin namang sinabi ng isang babaeng kandidata nang lumapit sa akin si Krei at naupo ito sa bakanteng upuan na katabi ng kinauupuan ko.   "Hindi naman impossible. Magpinsan sila di 'ba? Hala s**t! Ang swerte-swerte naman ni Tasmine sana Montefiore rin ako," sambit pa ng isa.     Hindi ko alam kung nag-eeavesdrop ba ako sa usapan nila o sadyang malakas lang talaga ang mga boses nila.   "Hindi rin, maswerte tayo kahit naman lagi silang nagkikita malas pa rin si Tasmine," hindi ko na napigilan ang pagtaas ng sulok ng kilay ko dahil sa sinabi ng isang babae. "Bakit?"   "They are cousins, hindi sila pwede para sa isa't-isa," hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o mainis dahil sa narinig, 'yong totoo naisip ba talaga na posibleng magkaroon ng romantic na koneksyon sa pagitan namin?     Jusko ha!   "What do you think?" Krei suddenly spoke.   Mabilis ko siyang nilingon at nagtataka siyang tiningnan.     "You and I.... Romantic relationship?" Napaawang ang labi ko sa labis na gulat.   Hindi lang pala ako ang nakakarinig sa usapan ng mga babae s'ya rin pala!   I smiled sarcastically at him.   How I want to whack his head using my handphone right now. "Tigilan mo nga 'ko, ni hindi mo nga ako magawang mahalin bilang pinsan mo 'yong romantic pa kaya na bukod sa imposibleng mangyari ay alam naman nating bawal,"   "Everyone dito na kayo, magsisimula na tayo!" Sigaw ng isang teacher na in charge sa practice.   Nagkibit balikat lang si Krei saka s'ya tumayo. "Who knows, baka kaya hindi kita kayang magustuhan bilang kamag-anak ko ay dahil sa gusto kita bilang isang babae," pabulong na sinabi nito ngunit malinaw ko iyong  narinig.   "Ms. Villarama, Mr. Montefiore kayo  na," seryosong sinabi ng instructor, senyales na kailangan na naming rumampa mula sa kinatatayuan namin  papunta sa harapan kung saan kami saglit na titigil para magpakilala.   Sumisikip ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Gusto kong magback-out leche na yan!   "Inhale, exhale, you can do it," Krei whispered as the music starts to play.     Hindi ko naman palaging sinusunod ang sinasabi n'ya dahil una sa lahat wala naman siyang sinasabi sa 'kin kasi nga di n'ya ako kinakausap, but what he says help me a lot. Imade me calm somehow.   Sabay kaming rumampa papunta sa unahan at naghiwalay lang ng lumakad na s'ya pakaliwa at ako naman pakanan.   I heard round of applause as I slowly turn around and find  my way in the middle where the microphone was place.   Sandali akong nabingi dahil sa sigawan at pagsinghap ng walang kung anong pasabi na ipinilupot ni Krei ang kaniyang kamay sa aking bewang.     Maliban sa pagkagulat ay nakaramdam din ako ng pagkailang kaya hirap na hirap ako ngumiti.     "Tamine Yllone Villarama, from Grade 12 Amethyst!" buong ngiting anas ko habang direktang nakatingin sa mga organizer at mga P.E teacher na nagsilbing instructor namin.   Wala pa mang ginagawa si Krei, tanging ang malalim na paghinga at ang pagpikit pa lang nito  matapos kunin  ang mikropono ay nabalot na ng nakakabinging sigawan ang buong paligid.   "Kreissaure Montefiore, 12-Amethyst," maiksing sinabi nito at  malanding kumindat siyang nagpabaliw nang sobra-sobra sa mga iilang nanunuod at maging sa mga babaeng kandidata.   Nang tumalikod kami at sabay ulit na naglakad  pabalik sa hanay ng iba pang mga kandidata at kandidato ay hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi matawa.     His brow arched as he stare confusedly at me. "Rumampa ka lang nabaliw ka na?" Kalmadong tanong n'ya.   Marahan akong umiling saka s'ya nilingon ng nakakagat sa labi, pakiramdam ko kasi mamatay ako sa kakatawa kung hindi ko pa gawin 'yon.     "Nasanay ako na Krei ang tawag sa'yo ng halos lahat kaya nakalimutan ko ng tunog dinosaur pala ang pangalan mo," I whispered.   Imagine a cliche situation wherein you'll see someone's face turning as red as a ripe tomato.     Ganoong-ganoon  ang itsura ni Krei ngayon, para bang hinagisan s'ya ng bomba sa labis na pagkagulat.   "What did you just say, Tasmine Yllone?" He ask in a dangerous manner. His jaw were clenched.   Uh-oh did I just pissed this sexy beast? Nakakatuwa naman palang bwisitin ang isang "to.   "Anong sabi mo?" Kalamado ngunit bakas ang pagkakagigil sa kaniyang mga mata.   "Wala. Sabi ko ang gwapo mo," may malapad na ngising saad ko, and as if on cue the music stops.   Kasabay no'n ay ang pag-anunsyo ni Ms. Lepiten na tapos na ang practice para sa araw na 'to.   "Anong ginagawa mo?" May buong kyuryosidad na tanong ni Krei.     Awtomatik na tumaas ang sulok ng kilay ko dahil sa tanong nito sa 'kin. .   "Uhm nagsecellphone? Hindi ba halata?" I answered sarcastically trying to knock some senses in his mind.   "Ako na ang maghahatid sa'yo, daanan muna natin sila Maver sa Dark Woods baka makaabot pa ako sa performance namin," seryosng sambit n'ya at walang sabi-sabing hinila ako papunta sa kaniyang BMW.     Ang gwapo ng kotse parang 'yong may-ari lang!   "Sandali, ihatid mo na lang muna ako sa bahay baka hanapin ako ni Mommy saka ka na pumunta ng Dark Woods," I muttered.     Inis na binitawan n'ya ang kamay ko at kinuha ang cellphone ko para tumipa. Ilang saglit pa ay itinapat n'ya na 'yon sa kaniyang tenga.   "Ano bang ginagawa mo?!" Singhal ko rito ngunit bago ko pa man maagaw ang telepono ay nakapagsalita na s'liyang nakapag-patigil sa 'kin.   "Tita Beatrice, kasama ko po si Tas ngayon, ako na lang ang maghahatid sa kaniya sa bahay n'yo pero dadaanan muna namin sina Maver at Luthor," kaswal na sambit n'ya habang pinapanalangin ko na sana ay h'wag pumayag si Mommy.   "I'll keep her safe, Tita, don't worry," seryosong sambit nito  saka tinapos ang tawag at muling ibinigay sa'kin ang cellphone.   "Let's go," he uttered as he went inside his car.     Letecheng to! Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto ng kotse.   Well self, wag tanga si Krei yan wala sa vocabulary n'ya ang salitang magpaka-gentleman.                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD