Chapter 4

2007 Words
Tasmine's Pov   Mabilis na dumapo ang mga kamay ko sa 'king tenga matapos ang pagsalubong sa 'min ng nakakabinging saliw ng musika pagkapasok sa loob ng club.   Mabilis akong lumingon sa aking likuran ng mapagtantong night club nga pala 'to pero paanong nakapasok kami ni Krei?   Hindi maipaliwanag ang dahilan pero  pakiramdam ko magkakaroon ako ng mini heart attack ng makita ko kung gaano na kalapit ang mukha namin sa isa't-isa.     "Bakit, ano na namang problema?" Hindi ko man makita ng maayos ang ekspresyon sa kaniyang mukha, sa palagay ko ay naiinis na naman 'to.   Magsasalita na sana ako para magtanong sa kaniyaa ng may dumaang grupo ng mga kababaihan sa aking likuran at hindi sinasadyang natabig ako dahilan para muntikan na akong matumba.   Konting-konti na lang malapit ko ng maisip na nasa loob ako ng isang romance book dahil sa imbes na matumba at sumalampak sa sahig at mapahiya ay maagap at mahigpit na nahawakan ni Krei ang aking kamay.   Hindi ko alam, kung ako lang ba o sadyang saglit na nawala ang musika at parang wala na akong naging pakialam sa mga nangyayari sa paligid habang nakatingin ako sa asul niyang mata.     "Tasmine, are you alright?" Kalmado tanong nito.     Parang nakaramdam ulit ako ng bwisit ng makita ang kawalan ng ekspresyon sa kaniyang mga mata.   "Okay lang ako, puntahan na natin sina Maver gusto ko nang umuwi, Kuya," mabilis ko siyang tinalikuran mula sa kinatatayuan namin ay nakita ko ang pagkaway ni Maver habang si Luthor naman ay abala sa mga babaeng kausap n'ya.   Mga babaero!   Magsisimula na sana akong humakbang ng parang bigla na lang napako ang mga paa ko sa sahig pagkatapos akong lampasan ni Krei.     Damang-dama ko ang galit sa kaniyang aura.   Malinaw kong nakita ang pag-aapir nilang tatlo kasabay ng pag-abot ni Maver ng isang boteng alak kay Krei na  ngayon ay seryosong nakatingin sa sa kung saan.     Ang lalaking 'yon parang may problema s'ya sa lahat ng bagay o tao na nandito sa mundong ibabaw.   Napasinghap ako sa gulat ng naramdaman kong may sumasayaw sa aking likuran.     Mabilis akong lumingon at humakbang palayo para mabigyan kami ng sapat na distansya pero pilit siyang lumalapit.     Amoy na amoy ko sa kaniyang hininga ang alak na kaniyang ininom.   "Miss, sayaw tayo," may manyak na ngiting sambit n'ya na talaga namang nakapagpakabog sa aking dibdib.     Isang hakbang pa at tatakbo na sana ako papunta sa mesa nila Krei ng mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at pilit akong hinila palapit sa kaniya.   "Bitawan mo 'ko!" May diin sa bawat salitang sinabi kahit na ang totoo ay mamatay na 'ko sa takot.   "H'wag kang matakot hindi naman kita sasaktan kung gusto mo pwede pa kitang dalhin sa langit—"     Sabay-sabay na napalingon ang mga taong kani-kanina lang ay abala sa pag-sayaw sa lalaking kanina lang din ay mahigpit na nakahawak sa 'kin ngunit ngayon ay nakahandusay na sa sahig at may dugo sa gilid ng kaniyang labi dahil sa pagsapak ni Krei.   Maging ako ay nakaramdam ng takot dahil sa talim ng mga titig ni Krei sa lalaki na para bang may plano siyang patayin ito.     "Maver, ilabas mo na rito si Tasmine!"   Motoridad na utos n'ya sa isa pa naming pinsan. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at pakiramdam ko lutang ako ng mangyari ang mga bagay na 'yon.   "Maverick, bumalik tayo sa loob b-baka kung mapaano si Krei," nag-aalalang saad ko habang ang mata ko ay nakapako sa entrance ng club na aming nilabasan.     Marahan siyaang umiling at pasimple akong sinipat.   Nang masigurado niyang wala naman akong galos o kung ano pa man dahil sa nangyari ay saka s'ya tumingin sa aking mata.   "He's furious, but definitely he'll be fine that moron need to learn his lesson that he should not messed with the Montefiore Boys...and their girls" for the nth time this day I was left  hanging and confused.   Mabilis akong lumingon sa gawi nang paparating na ambulansya kasabay no'n ay ang paglabas ni Krei na wala man lang kagalos-galos ngunit nanatili ang galit sa kaniyang mga mata.   "W-what happened?  B-bakit may ambulansya?" Nag-aalala at nagtatakang tanong ko.     Ilang saglit pa ay inilabas na ang lalaking kanina lang ay nangharass sa 'kin.     Duguan ito at walang malay.   Without any inhibition I took a stepback. Bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na takot dahil sa nakita.   Gawa ni Krei 'yon, sigurado ako na s'ya ang may gawa no'n.   "You're scared?" He ask in a dangerous manner without a trace of any emotion in his eyes.     "Sinong hindi matatakot? Nakita mo ba 'yong lalaki? Iyong ginawa mo, halos mapatay mo na s'ya!" Mula sa mata n'ya ay nakita ko ang pagsilip ng isang nakalilitong emosyon, hindi ko malaman kung galit ba 'yon, pagkalungkot o baka parehas.   "Ihahatid na kita," kalmadong sambit n'ya at akmang hahawakan ako sa kamay kaya lang ay mabilis akong humawak sa braso ni Maver na halatang gulat sa inasta ko. "H-hindi ako sasama s-sayo," binalingan ko ng tingin si Maver.     "Ang sabi ko ako ang maghahatid sa'yo!" Malakas na sigaw nito.     Trumiple ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa ginawa nitong pagsigaw.   "Krei, ako na, wag mo na siyang pilitin," Maverick uttered using a serious tone, a sign that this time what he says need to be folloed.     Krei hopelessly raise his hand as he uttered cuss words.     "Okay, fine!" Nababaliw na ba ako kapag sinabi kong nakaramdam ako ng pagka-guilty ng makita siyang sumakay ng kotse na para bang pinagsakluban s'ya ng langit at lupa?   "You've got a long day Tas, ihahatid na kita," ilang saglit ko pang tiningnan ang kalsada kung saan parang bulang naglaho ang sasakyan ni Krei dahil sa bilis ng kaniyang pagpapatakbo bago ako pumasok sa loob ng kotse ni Maver.   Habang nasa byahe pauwi pakiramdam ko ang bigat-bigat ng dibdib ko dahil alam ko na nasaktan ko si Krei sa ginawa ko.   Weird it may sound and all but it feels like I am hurting too.     Ipinilig ko ang aking ulo saka mariing ipinikit ang aking mata para iwaksi ang lahat ng naiisip ko at nararamdaman, baka naman nakokonsensya lang talaga ako.   Tama nakokonsensya lang ako.   "S-salamat," may matipid na ngiting sambit ko ng maialis ko ang seatbelt at nasa akto na nang pagbaba ng sasakyan ng pakawalan n'ya ang isang malalim na buntong hininga.       Marahan ko siyang nilingon at saglit na pinagmasdan ang kaniyang kalmado ngunit seryosong ekspresyon.   Achievement unlocked, parang baliw na natatawa ako sa isip ko dahil sa kauna-unahang pagkakataon nakita kong magseryoso si Maver.   "May problema ka?" Mababakas ang labis na frustration sa kaniyang mukha nang humarap s'ya sa 'kin, para bang napaka-laki ng problemang kinakaharap n'ya.   "Na kay Luthor 'yong susi ng condo namin sa BGC baka maghotel na lang ako, bwisit!" May buong pagtataka ko siyang tinitigan.     Hinihintay na mas bigyan niyang liwanag ang kaniyang mga sinabi.     "Masyado kong mahal ang mukha ko, hindi ako papayag na bangasan lang to ni Kre," makahulugang saad nito nang mabuksan ko na ang pinto ng kotse.   "Bakit babangasan ni Krei? Alam mo wala akong maintindihan."   "You just choose someone over him, sigurado ako na nagngingit sa galit ang gagong 'yon," napaawang ang labi ko, para bang may gusto akong sabihin pero hindi ko mahanap sa utak ko kung ano ba 'yon.     "I didn't choose someone over him,  paranoid ka lang," kalmadong sinabi ko sa kaniya at tuluyan nang lumabas ng sasakyan.   "You did Tasmine. Nang pinili mong magpahatid sa 'kin" he muttered.     Hindi n'ya na ako hinintay na makasagot pa at pinaharurot n'ya na kaagad ang kotse palayo sa kinatatayuan ko.     Saktong pagharap ko sa gate ay ang pagbukas no'n at ang pagsalubong ni Manong na magiliw akong binati at gano'n din naman ang aking ginawa.   "My, ba't gising ka pa?" Nagtatakang tanong ko ng maabutan kong umiinom ng tsaa si mommy sa kusina nang pumunta ako roon para sana kumuha ng tubig sa ref.     "Hinihintay kita, nag-aalala ako, kung hindi ko alam na si Krei ang kasama mo at maghahatid sa'yo dito sa bahay baka kanina pa ako aligaga." Mahigpit kong hinawakan ang baso ng bangitin ni Mommy ang pangalan ni Krei, hindi ko alam, ba't ba 'ko kinakabahan.   "Si Maver ang naghatid sa 'kin My, nagkaroon kasi ng problema sa Dark Woods, nagkasagutan kami,"  nanatili ang mapanuring mata ni Mommy sa 'kin hanggang sa maubos ko ang laman na tubig ng basong hawak ko at mailagay 'yon sa lababo.     "Matutulog na po ako, goodnight," may pekeng ngiting sambit ko at hinalikan ito sa pisnge.   Malalaking hakbang na lumabas na 'ko sa kusina.   Masyadong marami ang tumatakbo sa isip ko ngunit hindi 'yon naging dahilan para hindi ako makatulog ng mabilis.   Masyado akong pagod kaya mabilis akong tinangay ng antok papunta sa lugar ng mga panaginip.   ---------- "Hala, ba't di pumasok si Krei ngayon?" May panghihinayang na tanong ni Sasha kay Luthor na abala sa kung ano mang tinitipa n'ya sa kaharap na laptap.   Malamang sa malamang ay nagkocompose na naman ng kanta yon.   Malapad ang ngisi at kitang-kita na ang dimple sa mukha ni Maver ng walang sabi-sabi niyang inakbayan si Sasha, at ang gaga nagblush pa.     Nakakapangigil talaga ng dugo at laman ang kaharutan n'ya!   "Pumasok si Krei actually, nasa music room s'ya puntahan mo... kung gusto mong masapak," sambit nito at inalis ang braso n'ya sa balikat ni Sasha na  taimtim nang bumalik sa kaniyang upuan.   "Psst oy!" Ang buong atensyon ko ay nalipat kay Mckenzie matapos niyang tusukin ang tagiliran ko gamit ang ballpen na nagdulot ng konting kirot sa parteng 'yon ng aking katawan.     "Masakit kaya, gusto mo, mata mo tusukin ko ng ballpen?" Inis na tanong ko at kinuha ang ballpen na hawak n'ya.   Isang matamis ngiti habang  naka-peace sign lang ang natanggap ko bago n'ya ako muling niyugyog.   "Ano ba kasi?"   "Baka mapatawag sa Principal's office si Krei kasi nagkacutting s'ya, tara sunduin mo," for a moment I was left dumbfounded by her statement.     "Tara, tapos ako lang pala ang susundo? Ayoko nga choice n'ya namang magcutting hindi naman ako ang maapektuhan no'n," I pause for a moment just so that I could roll my eyes.     "Hindi naman natatakot mapatawag sa principal's office ang isang 'yon, baka 'yong principal pa ang matakot na ipatawag s'ya,"   Nagpatuloy ang mga sumunod na klase at miski anino ni Krei ay hindi ko nakita.     Wala naman na talaga dapat akong pakialam.   Bukod sa gawain n'ya na talaga ang pagkacutting class noon pa man e, hindi na rin pumasok sa utak ko na baka kaya s'ya hindi pumasok dahil sa nangyari kagabi, hindi naman ako gano'n ka-advance mag-isip.   Ilang minuto na lang at mag-uuwian na, mapapanindigan ko na sana ang sinabi kong hindi ko susunduin si Krei sa music room kung saan n'ya sinayang ang mahigit walong oras na dapat sana ay kasama namin siyang nag-aaral. Hanggang sa ipaalala sa 'kin ni Ms. Valdez ang tungkol sa practice na naman para sa pageant.   Another strike of kamalasan, nakadalawang puntos na s'ya sa 'kin para sa linggong ito.     "Akala ko ba hindi mo susunduin si Kuya Krei?" May pang-eechos na tanong ni Mckenzie habang binabagtas namin ang hallway papunta sa music room.     "I was left with no choice but to do so."   I swear, I wanna step on her face as she mimic me, can someone please tell me why is she my bestfriend and how the heck did I manage to keep her by my side without ripping her throat for more than ten years?   "Sumama ka na sa loob, bilis," halos lumuwa na ang mata ko sa pandidilat ko sa kaniya para lang samahan n'ya ko pero walang effect at ayaw n'ya pa rin.     I  heave a sigh as I hold the door's handle  and slowly open it.     Sa Maliit na siwang ay kaagad kong nakita ang abala sa pagpapatugtog ng drum habang nakapikit pa ang tarantado at maligalig na si Krei.   "K-krei," may kalakasang tawag ko sa pangalan n'ya.   Mabilis siyang nagmulat ng mata at tumigil sa ginagawa niyang paghampas sa drum para lang titigan ako ng masama.   "Anong ginagawa mo rito?" Galit na untag nito.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD