Tasmine's Pov Halos takasan na 'ko ng sarili kong bait habang sobrang nag-aalala sa kalagayan ni Mommy. Ilang oras din and byahe mula batanes pabalik ng Manila sakay ng eroplano. Dahil na rin sa nakaupo lang ako buong byahe ay mas lumala ang pagiging paranoid ko sa kung ano na ba talaga ang lagay ni Mommy kahit na ilang beses na 'kong sinubukang pakalmahin ni Krei. "Ano ba kasing nangyari? Bakit isinugod si Mommy sa hospital?" Umiiyak na tanong ko ulit kay Krei kahit na sinabi n'ya na sa 'king wala namang nabanggit si Luthor na dahilan. Ang sabi lang nito ay kailangan na naming maka-uwi ng Manila. "Andoon sina Tito Joaquin, si Mamita at sina Luthor hindi nila papabayaan si Tita Beatrice, kumalma ka lang magiging maayos ang lahat," aniya habang mahigpit na nakahawa

