Tasmine's Pov "Dito ka na lang muna tumuloy sa bahay ko kung ayaw mo pang umuwi sa inyo," Kreissaure blurted out as he open the double door of his own luxurious and fancy house. Hindi 'to kasing laki ng mansyon ng mga Montefiore ngunit mababakas pa rin ang labis na karangyaan na sinisigaw nito mula sa labas ng bahay hanggang sa loob. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa 'kin matapos kong inumin ang isang basong tubig na iniabot n'ya at inilapag 'yon sa lamesa. "Kahit naman gustohin kong umuwi sa bahay, wala na 'kong karapatan doon," I said as a matter of fact. Sa tingin ko nga ay wala rin dapat akong karapatan na makasama s'ya. "Gustong-gusto kong makita si Mommy, Krei. I wanna tell her how sorry I am for saying those things, three years ago. Gusto ko

