Chapter 1
"Hello, everyone. My name is Emanuele Celestine A. Razon-"
Naputol ang pagmememorize ko ng introduction ko para sa unang araw ko sa eskwela nang marinig kong tinatawag ako ni Manang Fe mula sa baba.
"Ma'am Tine, kain na po kayo!"
Napabuntong-hininga ako bago bumaba. Hays, bakit ba kasi kailangan ko pang lumipat ng school? Ang hassle!
Pagdating ko sa dining area, agad akong naupo at sinimulang kainin ang inihanda ni Manang Fe.
"Grabe, sobrang sarap niyo po talaga magluto, Manang! Feeling ko tumataba na ako dito," natatawa kong sabi habang inaabot ang isang slice ng bacon.
Si Manang Fe ang cook dito sa bahay ng mga Razon. O dapat ko bang sabihin... bahay ni Kiondrie Razon?
My husband.
Ugh! Husband? Ano bang pinagsasasabi ko?!
Matapos kong kumain, dumiretso ako sa garahe para kunin ang sasakyan ko. Ayoko kasing hinahatid ng mga driver dito. Pakiramdam ko kasi, parang akong PDL (persons deprived of liberty) na may bantay saan man ako pumunta.
Pero syempre, kahit ayoko, wala rin akong magagawa.
Pagkabukas ko ng gate, agad kong napansin sa side mirror ang dalawang sasakyang sumusunod sa akin. Hindi ako nagkakamali-mga bodyguard na naman ni Kio 'yon.
"Hays... trabaho lang talaga nila 'to," bulong ko sa sarili ko.
Sampung minuto lang ang biyahe at agad akong nakarating sa eskwelahan.
"University of Manila."
Yan ang unang bumungad sa akin.
Naghanap ako ng maayos na parking spot at inayos ang sarili sa rearview mirror. Maayos pa rin ang uniform ko, pero hindi ko mapigilang kabahan.
Hindi ko pa rin matanggap na kailangan kong lumipat.
Mas komportable ako sa dati kong school-kung saan kilala ko ang lahat, at hindi ko kailangang makisama sa mga bagong tao.
Pagbaba ko ng sasakyan, hindi ko na pinansin ang dalawang bodyguard na halatang nakasunod sa akin. Pasimple pa silang nagtatago sa gilid, pero halata pa rin.
Pagpasok ko sa gate, bumati ang guard.
"Good morning, Miss."
"Good morning po," mahinahon kong sagot bago tuluyang pumasok.
At doon ko naramdaman ang mga tingin ng mga estudyante.
May bulungan. May nagtuturo.
"Pre, kilala mo ba siya?"
"Grabe, ang ganda, bro! Sino siya?"
Napailing na lang ako. Alam ko nang hindi ko matatakasan ang mga ganyang reaksyon. Lahi pa lang ng parents ko, panalo na sa ganda. Pero sana naman, bigyan nila ako ng pagkakataong maging normal kahit papaano.
Natawa ako sa sarili kong kahanginan. Normal? Eh asawa mo nga yung Razon!
Pagdating ko sa classroom, may ilang estudyante nang nakaupo sa kani-kanilang upuan. Sinikap kong humanap ng puwesto kung saan hindi ako mapapansin, pero bago pa ako makaupo, may lumapit sa akin na isang babae.
"Hi! Bagong transfer ka? Ako si Maui," masiglang bati niya.
Ngumiti ako nang bahagya. "Oo, transferee ako. Emanuele Celestine, pero pwede mo akong tawagin sa kahit alin diyan."
Nanlaki ang mata niya. "Wow, ang haba ng name mo! Pero ang ganda!" natatawang sabi niya. "Dito ka na umupo sa tabi ko, para may kakilala ka agad."
Ngumiti ako at umupo sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko.
Siguro hindi naman magiging ganoon kasama ang panibagong simula ko dito.
Hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na boses...
"Hello, class! My name is Kiondrie L. Razon, and I am your Ethics teacher for this semester."
Napatulala ako.
O baka naman... nagkakamali ako.
-
"Hi. if you liked this chpater, please, do vote and leave a comment. Thank you!"