bc

True Beauty

book_age12+
86
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
fated
second chance
friends to lovers
sweet
lighthearted
first love
friendship
school
like
intro-logo
Blurb

This story is inspired by True Beauty and My ID Is Gangnam Beauty. The main character is Anastacia Peñalosa and Gio Villanueva. Si girl ay nagtransform mula sa isang nobody hanggang sa isang magandang dilag. Makakatakas ba siya sa pangit na nakaraan? subaybayan.

chap-preview
Free preview
Make-over
Itim na cap. White shirt. Maong pants. Black thick eyeglass. Black hoodie jacket. Black converse shoes. Lumang backpack. Yan ang kadalasang suot ko sa pang-araw araw. Komportable ako sa ganitong pananamit, mga binili ko lang sa ukay shop. Habang nag-aantay ako ng tricycle na masasakyan pauwi, may nakasabay akong isang magandang babae. Maputi, maayos manamit. Maayos? Ang ibig kong sabihin, ibang-iba sa kung paano ako pumorma. Croptop na tinernuhan ng high waist jeans. Branded na sling bag. Magandang rubber shoes. At kapag tiningnan mo ang mukha, maiinggit ka sa ganda. Ako? Di naman kagandahan. Never pa nga ako nakagamit ng make-up. Madalas akong mabully noon dahil sa pananamit ko. Eh anong magagawa ko kung dito ako komportable at ito lang ang kaya kong bilhin? Bumabawi nalang ako sa pag-aaral kaya madalas akong makakuha ng matataas na grades. "Congrats Anastasia! You got the highest grade in entire class!" Tuwang tuwa ako ng unang beses na narinig ko yan sa teacher ko. Hanggang sa sunod-sunod akong nakakuha ng matataas na marka hanggang ngayon. Di man ako kasing ganda ng iba, nabawi ko naman sa grades! And yes, proud ako sa sarili ko. Pero hindi lahat naging proud sa akin, lalo na yung mga taong nakabuo ng inggit sa akin. Naalala ko pa noon, kung paano pinagkalat ng mga kaklase kong babae na nagkakagusto daw ako sa sikat na gangster sa school namin which is hindi naman totoo. Kumalat ito hanggang sa nakarating sa kanya, sa gangster na yun. Si Steve! Pag sinabing Steve, manginig kana dahil bully talaga siya. "Hoy panget!!" Hinarang ako ni Steve, pauwi na sana ako noon galing sa library para magreview. "May gusto ka daw sakin?!" Galit niya akong tinignan animo'y diring-diri sakin. May kasama siyang tatlong lalaki na nagtatawanan. Yumuko lang ako at hindi makapagsalita. Natatakot ako sa kanila! "Pinagkalat mo pa talaga na may gusto ka sakin! Mahiya ka nga sa mukha mo panget! Gusto mong bangasan kita ah?" Galit na galit niyang sinabi. Aakma siyang lapitan ako kaya napaatras ako. Nanginginig ako sa takot that time dahil alam kong nananakit siya lalo na sa mga mahihinang kagaya ko. Akala ko susuntukin niya ako kaya pumikit ako pero kinuha niya ang backpack ko at itinapon ang mga laman nito. Wala akong nagawa kundi umiyak dahil mga libro ko iyon na pinaghirapan kong bilhin. "P-please w-wag ang l-libro ko!" Pagmamakaawa ko. Nagtawanan lang sila ng mga kaibigan niya. "Sa susunod maghanap ka ng panget na tatanggap sayo dahil kahit kailan di kita magugustuhan! Tara na nga!!" Aniya sabay alis nila. Iyak lang ako ng iyak habang dinadampot ang mga libro ko. Sanay na akong mabully, madiscriminate pero yun yung worst na nangyari sakin. "Ate!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Si sabrina pala ang nakababatang kapatid ko. "Titig na titig ka dyan sa babae ah? Ano iniisip mo?" Tanong niya habang may kinakain na chichirya. Napabuntong hininga ako. "Ang ganda niya no?" Sabi ko. "Siya? Mukha kayang s**o kapal ng make-up!" Aniya sabay taray pa. "Sshh! Baka marinig ka!" Saway ko sa kanya kaya hinila ko na siya nung may makita kaming tricycle. "Galing ka na naman sa kaibigan mo?" Tanong ko sa kanya ng makasakay kami. Palagi kasi siyang nandon sa bahay ng kaklase niyang mayaman kuno daw. "Oo ate gusto ko na nga tumira don eh! Busog ako lagi, daming pagkain sa kanila." Natatawang sabi niya. "Nagsharon nga ako ng ulam eh, pang-mayamang dish hwag ka!" Sabi niya sabay pakita sakin ng nakabalot na ulam na nasa bag niya. Napapikit nalang ako, di ba siya nahiya? Kumain na nga don, nagbalot pa! "Siraulo ka talaga sabrina!" Nasabi ko nalang. Pagkauwi namin sa bahay nadatnan namin sina papa at mama na nag-iimpake ng gamit. "Oh ano pa hinihintay niyo dyan? Mag-ayos na kayo ng gamit!" Si mama na nagmamadali na. Talaga palang matutuloy ang paglipat namin sa probinsya. "Ma? Ngayon na tayo aalis?" Tanong ni sabrina na naunahan akong magsalita! "Oo kaya magmadali na kayo!" "M-ma pano yung pag-aaral ko?" Nag-aalalang tanong ko. Nilapitan ako ni mama. Alam niya kung gaano ko kamahal ang pag-aaral. "Aasikasuhin natin ang pagtransfer mo, magsisimula tayo ulit sa ilo-ilo ha anak?" "Bilisan niyo na!" Iritang sabi ni papa. Nagkatinginan nalang kami ni sabrina. "Di man lang ako nakapagpaalam kay Daphne!" Naiiyak na bulong sakin ni sabrina. Ang mayamang kaibigan niya yata. "Tawagan mo nalang!" Sabi ko habang paakyat kami sa kwarto. "Wala ngang load si mama!" Naiiyak na sabi niya. Lumipas ang ilang buwan at nakalipat na kami sa ilo-ilo. Naasikaso ko narin ang pagtransfer ko sa malapit na school dito. Siguro mas okay nato? Malay mo wala ng mangbully sakin dito diba? New environment! Hay makakahinga na ako ng maluwag! Habang sinusukat ko ang uniform sa kwarto na pinatahi namin nila mama eh tumabi sa akin si sabrina. "Yan na yon?" Weird na tanong niya. "Ang alin?" "Yung pinatahi niyo ni mama?" "Ah oo ito yung uniform ko." "Tapos naka-eyeglass ka?" Siningkitan niya ako ng mata. "Siyempre, malabo kaya mata ko!" "Bakit pwede naman maglens nalang?" Naiirita na ako sa kanya, mas maalam pa siya sakin. "Ikaw bata bata mo pa kung ano ano na nalalaman mo!" "Ate natural yan ang in ngayon! Palibhasa nawawala kana sa uso!" Sabi niya. "Tara dali! Magbihis ka!" Aniya. Kunot noo ko siyang tiningnan. "At saan tayo pupunta?" "Make-over!!" Bulong niya sabay kindat sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
122.5K
bc

A Billionaire In Disguise

read
667.8K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.6K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
72.8K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook