Para akong nakalutang lang sa kama ko, hindi pa rin ako makatulog kahit anong gawin ko.
Ang nangyari ngayong gabi ay parang panaginip ko lang at ano mang oras ay magigising na lang ako at masabing sana hindi na lang ako nagising sa panaginip na 'yun.
Hinaplos ko ang noo kong hinalikan niya kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan niya ako, gulat na gulat ako sa nangyari, hindi ako makaimik at tulala lang ako habang pumasok kanina sa bahay.
Bakit siya ganun? Bakit bigla bigla na lang siya? Tapos kinaumagahan niyan, mag-iiba na naman ang pakikitungo niya sa akin. Lalamig at magsusungit, isipin ko pa lang 'yun ay parang ayaw kong magising kong panaginip man to.
Kinaumagahan ay alas otso na ako nagising dahil napagod ako kagabi sa kakaisip sa nangyari, alas tres na ako nakatulog at pinagsisihan ko ang lahat bakit ang tagal kong natulog.
Alas otso na! Late na ako sa trabaho! Nagmadali akong bumangon at nagkandarapa na papuntang banyo. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng banyo pero bumukas ito at lumabas si Yssa na umiiyak, maging siya ay nagulat ng makita ako, mabilis niyang tinago ang isang kamay niya sa likod niya.
Mabilis niyang pinalis ang mga luha niya at ngumiti ng pilit sa akin. Napagtanto ko ngayon na kahit pilitin mong maging masaya at ngumiti sa harap ng tao makikita at makikita mo sa mga mata ang sakit nito. Kagaya ni Yssa na kahit ngumiti pa siya sa harap ko pero ang mata niya ay iba ang sinasabi.
Sinundan ko siya ng tingin ng nilagpasan niya ako, pinigilan ko ang sarili ko na wag manghimasok sa problema niya kaya imbis na isipin pa siya ay mabilis akong naligo at nagbihis.
Hindi na ako kumain ng umagahan dahil mas inaalala ko pa ang trabaho ko.
Tumakbo kaagad ako sa elevator at mabilis na pinindot ang floor kong saan ang opisina ni Hugo. Ang puso ko ay kumakalabog sa kaba, kinakabahan ako dahil ang ina ni Hugo ang makakatrabaho ko ngayon, ano na lang ang sasabihin niya pagdating ko? Na wala akong kwentang empleyado?
Pagbukas ng elevator ay hindi na mapakali ang puso ko. Hinihingal ako at tagaktak ang pawis ko sa noo.
Humakbang ako papunta sa mesa ko, may babae doon na nakatayo, pakiramdam ko ay matanda lang siya sa akin ng ilang taon.
"Lhorain Mariano?" Seryoso niyang sambit, hindi ako makaimik.
Tumalikod siya sa akin at ibig sabihin lang non ay sumunod ako sa kanya.
Mas lalong umusbong ang kaba sa dibdib ko, naririnig ko na ang sarili kong puso.
Binuksan ng babae ang pintuan, nanginginig naman ang tuhod ko at pumasok sa loob. Nilingon ko ang babae ng bigla niyang sinarado ang pintuan at naiwan ako sa loob kasama ang isang magandang babae at kahit may kaedaran na ay sumisigaw pa rin ang pagiging maganda niya, ang katawan niya ay napuno ng makikinang na alahas.
"Anong nakita ng anak ko sayo bakit kinuha ka niyang secretary niya." Ang boses niya ay nagpapanginig lalo sa kalamnan ko.
" You're a secretary but you act like the CEO of this company." Matatalim na titig ang iginawat niya sa akin.
Napalunok ako, "I-im sorry madame...h-hindi na po mauulit." Nanginig ang boses ko, tumikhim ako at lumunok ulit ako.
"I can't believed it! You're 2 hours late! Sekretarya ka pero late ka na para bang ikaw ang CEO ng kompanya! Naunahan pa kitang dumating sa kompanya!" Sigaw niya.
Napayuko ako at kinagat ang labi ko. "I-i'm sorry, m-madame..."
"I'm so dissapointed! Dapat sisantehen ka na! Ang kagaya mong tao ay hindi dapat nagiging sekretarya, ang ganyang katangian mo hindi nababagay sa isang sekretarya! May pinag-aralan ka ba?!" Sunod sunod niyang sigaw.
Sumikip ang dibdib ko, parang may nakadagan sa dibdib ko. Sa mga salitang binibitawan niya para namang punyal na tumatama sa dibdib ko.
"I check your resume, hindi ako makapaniwala na hindi ka nakapagtapos ng college! Wala kang pinag-aralan!! Paano ka naging sekretarya?! Walang pinag-aralan, hindi ginagampanan ang pagiging sekretarya mo! Mas nauna pa ang may-ari ng kompanya sayo!"
Nangingilid na ang luha ko at hindi ko na mapigilang masaktan sa mga sinasabi niya. Oo, alam kong hindi ako nakapagtapos sa pag-aaral pero wala siyang karapatan na pagsabihan akong walang pinag-aralan dahil kahit hindi ako nakatapos sinikap kong matutunan lahat ng leksyon.
"Nababagay ka lang sa mga janitress, hindi ka nababagay sa opisina. Hindi nababagay ang ganyang ugali sa kompanya ko. Bumalik ka sa pinanggalingan mo, nababagay ka doon at hindi sa opisina ko. I really can't believed it! Naging sekretarya ka kahit wala ka namang pinag-aralan."
Tumulo na ang luha ko, bumibigat ang paghinga ko. Hindi ko na rin nakikita ng maayos ang paligid ko dahil sa mga luhang bumabara sa mata ko.
Alam ko, alam kong hindi ako nababagay sa lugar na to, pero kailangan bang may pinag-aralan ka para makibagay sa mga tulad nilang mata pobre?
Nag-angat ako ng tingin kahit tumutulo na ang luha ko. Hindi na mapigil, wala akong paki alam kahit nakikita niyang lumuluha ako.
"I-I'm so s-sorry m-madame...h-hindi na po mauulit, m-magtatrabaho ako ng maayos...p-patawad..." Nababasag ang boses ko sa tuwing nagsasalita ako.
"H-hindi na p-po m-mauulit...g-gagawin ko ang lahat madame...w-wag niyo lang akong itanggal sa t-trabaho, k-kailangan ko ng p-pera para makatulong sa pamilya ko..."
Nanginig ang labi ko, naisip ko ang magulang ko na nagtatrabaho doon at naghihintay sa akin. Mga magulang ko na umaasa sa akin, paano na lang kong matanggal ako sa trabaho? Ano na lang ang mangyayari sa amin? Sa pamilya ko?
"Get out, gawin mo ng maayos ang trabaho mo, ayusin mo ang trabaho mo kung ayaw mong masesante." Masungit niyang sambit.
Yumuko ako at dahan dahang humakbang palabas doon at pinalis ang mga luha sa mata ko.
Ang bigat ng dibdib ko pagkalabas ko sa dibdib at hindi pa rin nawawala ng sakit sa dibdib ko.
"Pasensya na ha...ganyan talaga si madame gusto niya perfect eh..." Tinapik ng babae kanina ang balikat ko.
Pagod ko siyang nginitian at umupo sa mesa ko.
"A-ayus lang 'yun...k-kasalanan ko naman eh..."
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Kahit anong gawin kong pagkakalma ay hindi ko magawa, pabalik balik lang ang sakit sa puso ko. Bumibigat na para bang dinaganan ang puso ko.
Tinapos ko ang lahat ng trabaho na kailangan kong tapusin, halos hindi na ako makapaghinga dahil maraming binibigay na trabaho ang ina ni Hugo.
Lahat ng 'yun kinaya ko, hindi ako nakakain ng tanghalian dahil inuna ko ang trabaho ko.
Natapos ang araw ko dumaan ang linggo, pero kahit linggo ay hindi pa rin ako makapaghinga dahil kahit nasa bahay ako madaming binibigay na trabaho si Madame sa akin. Lahat 'yun tinanggap ko.
Pagkalunes ay nagbihis ako sa para sa pagpasok ko sa eskwela. Ginawa ko na lahat ng trabaho ko kahapon, kaya ang saya ko na wala akong trabaho ngayong lunes.
Pumasok ako sa unibersidad na pinapasokan ko. Ang unibersidad na to ay para sa mga mayayaman, halos nakikita ko sa kanila ay may magagarang sasakyan at ang gaganda ng mga uniporme nila dito.
Pinuntahan ko ang dean at sinabi niyang sa susunod na lunes na ako magsisimula sa pagsuot ng uniform. Mabuti na lang daw ay nakahabol ako sa enrollment.
Kinuha ko ang schedule ko at pumasok sa una kong klase.
Lumingon sila sa akin ng pumasok ako sa loob ng room.
Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa. Para bang iniisip nila kung bakit nandito ang isang taong walang masasabi sa yaman nila.
Nakayuko akong pumasok at umupo sa isang bakanteng upuan.
Ang mga mata nila ay nakatingin sa akin, para bang ngayon lang sila nakakakita ng taong gagapang na lang dahil sa kahirapan.
Nagsimula ang klase at tahimik lang ako sa tabi, hindi ko na pinansin ang mga titig nila sa akin, mas tinutukan ko ang sinasabi ng professor sa harapan.
Pagkatapos ng unang klase ay pumasok kaagad ako sa sunod kong klase, sa susunod kong klase ganun pa rin ang tingin nila, pakiramdam ko ay ako ang sentro ng pag-uusapan nila.
"Gosh, anong ginagawa ng isang pobreng babae dito sa university natin?" Narinig kong bulungan nila, hindi ko 'yun pinansin, huminga lang ako ng malalim at pinagsawalang bahala ko na lang 'yun.
"Baka may sugar daddy kaya nakapasok?" Nagtawanan ang mga kababaihan sa likod ko.
Bigla kong naalala si Hugo. May parte sa puso ko na gusto ko na siyang makita at yakapin kapag nagkita ulit kami, pakiramdam ko kasi na kahit sinusungitan niya ako siya pa rin naman ang hinahanap ko.
"Baka, hindi naman 'yan makakabayad sa laki ng tuition fee sa university eh. May sugar daddy talaga 'yan." Nagtawanan sila ulit.
Hindi ko sila pinansin, nakinig lang ako sa leksyon ng professor pero si Hugo ay palaging sumasagi sa isip ko. Bigla ko siyang na miss.
"Gosh, hindi bagay ang isang 'yan dito. Napaka cheap ng suot! Hindi ata binilhan ng magagarang damit ng sugar daddy niya!"
Natapos ang araw ko, puro masasamang salitang sinasabi nila sa akin.
Puro panlalait.
"Cheap!"
"Hindi mayaman!"
"Kumakapit lang sa pera!"
At kahit ano pa! Kahit ano pa ang sinasabi nila at lahat 'yun ay kinimkim ko. Hindi ko inakalang aabot ako sa ganito. Hindi ko inakalang ganito pala ang dadanasin ko.
Hindi ko sila pinansin kahit pa ang sakit na sa puso ko ang sinasabi nila tungkol sa akin.
Kahit sumisikip ang puso ko at para akong sinasaksak sa mga salitang binibitawan nila tungkol sa akin, pinapalabas ko lang sa kabilang tenga ko.
Pagkahapon ay natapos na rin ang araw ko, pagod akong lumabas sa gate ng university. Pagod ako sa araw na ito, pero hindi ako susuko, dito pa lang nagsisimula ang paglalakbay ko.
"How's your first day?" Natigilan ako ng marinig ko ang boses niya.
Dahan dahan akong lumingon sa pinggalingan sa tunog.
Nakita ko si Hugo na nakasandal sa sasakyan niya, hinubad niya ang rayban niya at tinaasan ako ng kilay. Para naman akong nabuhayan at nangilid ang luha ko.
Gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit.
Sa pagod kong araw ay bigla na lang nawala ng makita ko siya, ang sakit ng naramdaman ko dahil sa mga salitang panlalait na natatanggap ko noong nakaraan pa ay biglang nawala ng makita ko siya.
Umiwas ako ng tingin at pinalis ang luha ko na tumulo na. Hinarap ko siya ulit at ngumiti ako.
"U-Umuwi ka..." Tumikhim ako dahil nanginig ang boses ko.
"Kumusta ang unang araw mo sa eskwela?" Lumapit siya sa akin at hinila ako papunta sa kotse niya at pinapasok sa sasakyan niya.
"Umuwi ka...akala ko magtatagal ka doon." Hindi ko makapaniwalang sabi at titig na titig sa kanya baka kasi mawala siya at panaginip lang to.
"S-si Lucia? N-nagsama kayong u-umuwi?" Sunod kong tanong ng hindi siya sumagot sa sinabi ko.
Lumingon siya sa akin at humilig palapit sa akin at matamis na ngumiti.
"Na miss mo ko?" Nakataas kilay niyang sabi.
Hindi ako umimik, tinitigan ko lang siya. Sa subrang lapit niya at sa hindi ko inaasahang kilos niya ay kumalabog ang puso ko, tumitibok ng malakas at subrang bilis.
Mas hinilig pa niya ang sarili niya sa akin at biglang namungay ang mga mata niya, kinagat niya ang labi niya pagkatapos ay binasa niya ang kanyang labi.
"Kasi ako na miss kita..."