FIFTEEN

2226 Words
"Babalik din kaagad ako sa Thailand mamayang madaling araw." Aniya at pinaharorot ang kotse niya. "Bakit ka umuwi kong marami ka palang gagawin doon." Lumingon siya sa akin at nginitian lang ako. What's wrong with this man? Simula noong nakaraang araw ngumingiti na siya sa akin. "I-I just wan't to see you." Tumibok ang puso ko ng subrang bilis. Natulala ako sa kanya. Tumikhim siya, "uh...gusto ko lang makita kong ayus ka lang ba sa unang araw mo sa pag-aaral mo." Dagdag niya. Baliw na ang puso ko. Baliw na baliw. Sa simple niyang sinabi hindi na magkamayaw ang puso ko. "Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Malapit lang," 'yun lang ang sagot niya sa akin. Tumango lang ako at hindi na nagtanong. Ilang sandali pa ay sumulyap siya sa akin at nagtanong. "By the way, kumusta ang pakikitungo ni mama sayo?" Dahil sa tanong niya, napayuko ako. Naalala ko ang mga masasakit na salitang binibitawan niya. "May ginawa ba siya sayo?" Nag-alalang tanong niya. I smiled. Hindi ko gustong sisiraan ang ina ni Hugo sa kanya mismo. "Wala, sa totoo lang mabait ang ina mo sa akin. Ang galing niya ring mag handle ng kompanya talagang may pinagmanahan ka." Tumawa ako para ipakita sa kanya na ayus lang ang lahat. "My mom is strict when it comes to our company. Gusto niya perpekto ang lahat, may kunting mali lang na nagawa ang empleyado ay senesesante na niya." Nakahinga ako ng maluwag at nagpasalamat na hindi niya ako senesante dahil late ako noong biyernes. "At alam ni mama na nag-aaral ka." Dagdag niya. Niliko niya ang kotse niya sa isang malubak na daan. Tumingin ako sa labas, napapalibutan kami ng mga iba't ibang puno. Hindi rin maayos ang daan halos lubak kaya napapatalon kami sa upuan namin. "Nasaan tayo?" Nilingon ko siya. "Nasa El Salvador tayo." Sagot niya na ikinagulat ko. "H-ha?! Anong ginagawa natin dito? Mag gagabi na at madami pa akong trabahong taposin tapos ikaw ay dapat matulog ka pa ng maaga dahil maaga din ang alis mo." Mahaba kong sambit na ikinatawa lang niya. "Don't worry hindi naman tayo magtatagal dito." Nakangiti niyang sabi. Suminghap na lang ako at tumingin ulit sa labas, pagliko niya sa isang masikip na daan ay nakita ko ang malaking sign sa taas. "Welcome to El Salvador!" Basa ko sa nakasulat. "Ito ang lupain ng lolo ko, binigay niya sa akin to noong namatay siya." Lumingon ulit ako sa kanya. "Sayo ang lupain na to? May nakatira ba dito?" Gulat kong tanong sa kanya at tumingin ulit sa labas. Isang bahay ang nakita ko at puno ito ng dayami at may mga baka doon at iba't ibang alagang hayop. "Meron namang nakatira dito pero hindi subrang dami dahil hindi eklusibo ang lugar na to." Pagliko ulit namin sa isang maliit na daan ay magandang lugar ang bumungad sa akin. Semento na ang daan at may mga bahay na akong nakita. May mga batang naglalaro sa daan at naghahabulan. May malaking court din at may mga lalaki doong naglalaro. Napangiti ako habang pinagmasdan sila, may mga tindahan naman dito at may maliit ring paaralan. Pagkatapos ng mahabang daanan na 'yun ay lumiko ulit si Hugo, wala nang mga bahay dito mga puno na lang. Nag-angat ako ng tingin ng makita ko ang malaking bahay sa burol. Ang bahay na 'yun ay gawa sa kahoy at kahit gaya sa kahoy ay maganda ang pagkagawa non. Huminto ang sasakyan sa harap ng gate, bumaba si Hugo para buksan ito at bumalik ulit siya sa loob para ipasok ang sasakyan sa loob ng gate. "Kaninong bahay to?" Tanong ko sa kanya pagkalabas ko sa kotse. "Sa akin ang bahay na to," hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda ng paligid. "Hugo, hijo!" Napalingon kami sa matandang babae na lumabas sa bahay at sinalubong si Hugo ng yakap. "Mabuti at nakadalaw ka! Matagal na mula noong huling dalaw mo dito." Ngumiti si Hugo at niyakap pabalik ang matandang babae. "Napaka saya ko dahil dumalaw ka sa wakas hijo at..." Lumingon siya sa akin at lumapit na may ngiti sa labi. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "May kasama kang babae! Girlfriend mo ba to hijo?!" Uminit ang pisnge ko dahil sa sinabi ni lola, lumingon ako kay Hugo na pinanood pala kami na may ngiti sa labi, napailing na lang siya at inakbayan ang matanda. "Hindi po lola..." Sumimangot ang mukha ng matanda saka pinulupot ang braso sa braso ko. "Naku! Nakakadismaya ka naman hijo! Ang gandang babaeng bakit hindi mo niligawan?" Ako na 'yung nahiya sa mga pinagsasabi ni lola, pareho lang sila ni lola mercidita pero magkaiba silang dalawa dahil si lola medcidita ay makalimutin saka itong si lola na isa ay masiyahin. "Naalala ko pa noon nong sinabi mong babalik ka dito kasama ang babaeng papakasalan mo." Nawala ang ngiti ko, tumingin ako kay lola na masayang masaya na giniya kami sa sala ng bahay. Sigurado ako na hindi ako ang babaeng 'yun, dahil ang girlfriend ni Hugo ay si Lucia at hindi na ako magtataka kong ipapakasal silang dalawa. "Maupo na muna kayo dito magluluto na muna ako para sa hapunan natin." Tumingin ako sa labas, hindi pa naman nagdidilim, tumayo ako at pinigilan si lola. "Ako na po ang magluluto lola..." Tumingin siya sa akin na may pilyong ngiti sa labi. "Hala siya, o sige hija hahayaan na kita sa kusina para sa paghahanda kapag ikasal ka na sa alaga ko." Tumawa siya at tinulak ako sa kusina. Nag-init ang mukha ko at hindi ko kayang makita ako ni lola na namumula dahil baka lalo lang niya akong hindi tantanan. "Hay...ang swerte mo Hugo, hijo nakahanap ka ng masipag at mabait na mapapangasawa!" Narinig ko pa ang tawa ni lola sa sala, umiling na lang ako at kinagat ang labi ko. Hanggang dito sa kusina ay dinig na dinig ko ang mga sinasabi ni lola tungkol sa amin ni Hugo, may binibigay pa siyang payo sa amin. "Kapag ikakasal na kayo wag na kayong pumunta sa venue hijo, dumiretso kayo sa kwarto at doon kayo magpakarami!" Ang lakas ng tawa ni lola, namumula ako kahit si Hugo naman ang kinakausap niya. Baka parang kamatis na ang kulay ko ngayon dahil sa hiya at may kunting kilig na naramdaman. Dahil agrikultura ang hanap buhay dito ay gulay ang niluto ko, parang bagong pitas pa nga to mula sa garden nila dito. Nilibut ko ang mata ko sa buong kusina, malaki ito at marami ring gamit pang luto, sa katunayan nga ay komplete lahat ang gami dito. Namangha ako sa desinyo ng bahay na to, kahoy lang pero subrang ganda, malaki at maraming mga antigong gamit. "Gumagamit ba kayo ng proteksyon hijo?! Para sa mahihina lang ang mga condom hijo HAHA kami nga ng asawa ko walang proteksyon sa kapanahonan ko edi agad kaming nakabuo ng sampo!" Sinakop na ng tawa ni lola ang buong kabahayan, malaki ang bahay pero ang tawa ni lola sinakop na ito. Mas lalo pang uminit ang pisnge ko, gusto ko tuloy na makita ang mukha ko sa salamin kung pulang pula na ba talaga ako. Habang naghihiwa ako ng mga gulay ay biglang may sumandal sa mesa, nilingon ko ito at nakita kong si Hugo ang nakasandal naka harap sa akin. "Ang pula ng mukha mo..." Nakangisi niyang sambit. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko. "A-anong ginagawa mo dito? S-si lola? Iniwan mo?" Tanong ko na hindi siya tinitignan. "Nagbanyo," nanigas ata ako sa kinatatayuan ko ng tumayo siya at lumapit sa akin at pumwesto sa likod ko. Ang puso ko! Hindi na magkamayaw! Ang lakas ng t***k at subrang bilis pa nito. Dinig na dinig ko ang puso kong si Hugo ang sinasambit! Bakit ang lapit niya sa akin?! Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa buhok ko, doon ako nanigas ng tuluyan lalo na ng nasagi niya ang batok ko. Tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan, tumigil ako sa paghiwa at lumunok, hindi na ako makahiwa ng maayos dahil sa presensya niya sa likod ko. Gamit ang dalawang kamay ay hinawakan niya ang buhok ko at tinali niya ito na pabun. Hindi ko alam kong saan siya kumuha ng pangtali sa buhok. "Kailangan mong itali ang buhok mo dahil sagabal 'yan sa pagluluto mo." Lumunok ako at parang robot ko siyang nilingon. "S-salamat..." Nauutal kong sabi, ngumiti siya sa akin at punwesto na naman sa tabi ko. "I wan't to help," tinignan ko siya mula sa gilid ng mata ko. Nakatingin pala siya sa akin, suminghap ako at muling napalunok. "I-isalang mo n-na ang kaldero..." Sabay turo ko sa kaldero. Tumango siya at mabilis na sinunod ang sinabi ko. "Tutulong na ako sa paghahanda ng mga sangkap." Lumapit ulit siya sa akin. "H-hindi na p-patapos naman ako eh." Minumura ko na ang sarili ko sa aking isipan. Kanina pa ako nauutal at nakakahiya na baka ano ano na ang iniisip niya. "Ayayay! Napaka gandang pagmasdan ang mag-asawang to!" Sigaw ni lola ang umalingaw ngaw sa kabahayan. Kung kanina ikakasal pa lang ngayon mag-asawa na. "Ganyan nga dapat magtulungan kayo sa mga bagay bagay! Naku! Naku! Bagay talaga kayong dalawa!" Lumapit si lola sa amin at malaki ang ngising pinakita niya sa amin. "Nakikita ko sa ika anim kong mata na kayo'y tutulad sa akin na magkakasampu ring anak." Tumawa na naman si lola. Nag-init ang mukha ko at bumaling kay Hugo na nakatingin pala sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay, nagulat ako ng bigla niyang pinadausdos ang kamay niya ss bewang ko. Suminghap ako at nanigas. "Lola, lagpas pa sa sampu ang magiging anak namin ni Lhorain." Hindi ko na kinaya, lahat ata ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa mukha ko. Sinabayan pa talaga ni Hugo ang kapilyuhan ni lola, pareho lang silang masakit sa ulo! "Mabuti 'yan hijo at may plano ka na para sa inyong dalawa, punuin niyo ang bayan ng El Salvador ng mga supling niyo." Jusko, muntik na akong mahimatay sa sinabi ni Lola, mabuti na lang ay nakahawak si Hugo sa bewang ko kundi baka kanina pa ako natumba. Subrang dami naman siguro ang iluluwa ko sa mundong to kung pupunuin namin ang buong bayan. Ano ako anay?! "Hala siya, tapusin niyo na ang niluto niyo at ihanda ko na ang hapag." Nakahinga ako ng maluwag ng tumalikod na si Lola. "Lola, pwede po bang doon tayo sa ilalim ng puno kakain? Gusto ko pong ipakita kay Lhorain mula dito sa burol ang buong bayan habang papalubog ang araw." Sa sinabi ni Hugo, sumilay na naman ang napaka pilyong ngiting nakita ko sa tanang buhay ko. "Jusko! 'Yun lang?! Naku! No probs!" Tumawa si lola at lumabas na ng kusina. Nasapo ko naman ang noo ko at bumuntong hininga. "Ipagpatulog mo na ang pagluluto, tutulungan na kita..." Bulong niya sa tenga ko. Mahihimatay na talaga ako, ang namamaos niyang boses ang sumakop sa tenga ko. Dios ko tulungan mo ko. Tinapos namin ni Hugo ang pagluluto, gaya ng sinabi niya ay tumulong siya sa akin sa pagluluto. Siya ang pinapatikim ko sa gulay na niluto namin, habang tinitimplahan ko ang ulam nasa likod ko siya kinukulong ako sa dalawa niyang maskuladong braso. Laking pasalamat ko na naka survive pa ako doon sa kusina. Subrang lapit namin sa isa't isa at nagkakalapit ang mga balat namin at tuwing maglalapat ang mga balat namin para naman akong kinuryente ng bulta bultaheng kuryente. Pagkatapos naming magluto, gaya ng sinabi ni Hugo kanina doon kami kumain sa ilalim ng puno, may lampara doon na nakasabit na sinindihan ni Lola kanina. May mesa sa ilalim ng puno at tama si Hugo mula nga rito sa burol ay nataw namin ang buong bayan ng El Salvador. Kung iisipin ko na tumira dito si Hugo tapos umagang umaga ay nandito siya sa burol nakatayo habang nakamasid sa bayan sa baba para siyang hari na tinitignan ang sinasakupan niya. Pagkatapos naming kumain ay tinanaw ko ang buong bayan, mukhang ang burol na to kung saan nakatayo ang bahay ni Hugo ay ang pinaka mataas na burol dito dahil tanaw mo ang lawak ng lupain nila dito. Naramdaman ko ang presensya ni Hugo sa likod ko. "Sayo ang malawak na lupaing to?" Tanong ko sa kanya. Naramdaman ko siya sa likod ko. "Oo, ang natatanaw mo ngayon ay ang lupain na pagmamay-ari ko." Bulong niya na sapat na para marinig ko. Lumingon ako sa kanya. "Sinabi ni lola kanina na dadalhin mo ang taong pakakasalan mo dito, so, dadalhin mo si Lucia dito?" Tanong ko sa kanya kahit kumirot ang puso ko. Pinakatitig niya ako ng matagal, nilabanan ko ang titig niya. "Papalubog na ang araw tignan mo, ang ganda." Sabi niya saka tumingin sa araw na lumubog. Bumuntong hininga ako at humarap ulit sa bayan, ang haring araw ay papalubog na at ang sinag niya ay ang nagpapailaw sa buong bayan. Kay gandang pagmasdan ng araw na lumubog mula sa mga kabahayan at dumilim ang kapaligiran. "Babalik ulit tayo dito sa oras na masagot ko na ang lahat ng tanong ko sa aking isipan." Nagsalita siya kaya nilingon ko siya. "Ha? Anong ibig mong sabihin sa mga tanong?" Taka kong tanong sa kanya. Ngumiti siya sa akin, "kung bakit bumibilis ang t***k ng puso ko sa tuwing kasama kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD