Chapter 22 Zhiya Sabriya Smith KINABUKASAN pagmulat ng mga mata ko, agad kong naramdaman ang bigat ng katawan ko, maliban sa sakit sa tadyang ko. Ang init ko. Pakiramdam ko, nilalagnat ako.Hindi pakiramdam lang, kundi nilalagnat talaga ako. Pinilit kong bumangon, kahit pa pakiramdam ko ay parang umiikot ang paligid. Kumapit ako sa headboard at napasinghap nang sumabog ang sakit sa ulo ko. Para akong binibiyak sa gitna ng ulo ko. Napasulyap ako sa side table — wala na ang tray ng pagkain. Napahawak ako sa tiyan ko na ngayon ay tila may sariling buhay na. Kumakalam at sumisigaw ng gutom. Pero mas nangingibabaw pa rin ang init na gumagapang sa balat ko. Tila niluluto ako mula sa loob. I tried to steady my breathing. "Seve..." mahina kong bulong. Agad akong napabangon. Hindi ko alintan

