Chapter 21 Zhiya Sabriya Smith BAHAGYA akong napaatras nang makita kong may inilabas na injection ang lalaking kasama ni Amari. Tila naglaho ang dugo ko sa katawan ko, pakiramdam ko namumutla ako ngayon. "Para saan 'yan?" sambit ko, halos hindi ko na marinig ang sarili ko, dahil sa matinding kalabog ng dibdib ko. Lumipat ang tingin ko kay Amari. "Anong ibig sabihin nito?" Pero hindi siya sumagot. Walang bakas ng emosyon sa mukha niya. Parang bato. "Make it fast," iyon lang ang narinig kong utos mula sa bibig niya. Mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Parang bumagal ang oras at sabay rin itong bumilis. Naramdaman ko na lang ang malakas na hawak ni Amari sa likod ng braso ko, hinigpitan niya iyon. Pilit akong nagpupumiglas, pero parang bakal ang pagkakakapit niya. "Bitawan mo ako!

