Chapter 96 Zhiya Sabriya Smith "SHOULDN'T be asking you that?" sagot niya, sabay lakad palapit. "You just got engaged, Sab. Dapat masaya ka, 'di ba?" Napakagat ako sa labi. I wanted to look away, pero hindi ko magawa. Parang may magneto sa mga mata niya na kahit ilang beses ko nang pinilit umiwas—hindi talaga kaya. "I just needed air," walang ganang sagot ko. "Air, huh," sambit niya, at huminto ilang hakbang lang ang layo sa akin. "Air...or escape?" Naiinip akong napabuntong–hininga ako. "Wala akong kailangan ipaliwanag sa'yo." "You're right," he said softly. "You don't. Pero 'wag mong sabihing wala kang nararamdaman. I saw you watching." Napapikit ako sa inis. "So what, Amari? Natural may mga mata ako. Gusto mong aminin kong nagselos ako? Fine. Yes. I hated watching you with her.

