Chapter 29 Zhiya Sabriya Smith BUONG akala ko tapos na si Margus sa pang–iinsulto sa akin dahil sa mga pagtatangol ni Dos. But I was wrong. "Designer wedding dress or not," ani Margus habang paikot na minamasdan ang suot ko, "you’re still a criminal, Sab." Napangisi siya habang sinasadyang lakasan ang bawat salita. "You're still the same reckless doctor who let a patient die under your care. Kaya ka tinanggalan ng lisensiya, diba? You shouldn't even be serving water here. You should be in jail. At hindi ko talaga alam, kung bakit ka nakalabas?" parang may laman ang salita nito, parang naroon ang hindi pagtanggap na nakalaya ako. Hindi ako sumagot lalong hindi na rin ako nagbigay ng reaksyon. Dahil sapat na ang sinabi ng korte na abswelto ako sa kaso. Pero sumingit si Dos, para salung

