Chapter 28 Zhiya Sabriya Smith PAGKATAPOS kong magluto, nilabas ko na lahat ng putahe na inihanda ko mula sa kusina. Isa–isa kong inayos ang mga kubyertos sa long table na nasa lawn. Tahimik lang ang paligid maliban sa tunog ng mga ibong malayang lumilipad sa itaas—mga ibong hindi ko maiwasang kainggitan. Mabuti pa sila malaya. Hinagod ko ang batok ko habang pinipigilan ang sarili. Pagod na ang katawan ko, nanginginig pa ang mga kamay ko, pero mas pagod na pagod ang kalooban ko. Ibang klaseng pagod ito. Hindi lang sa trabaho, kundi sa paulit–ulit na sakit na hindi ko mailabas. Nang mailatag ko na lahat, napaupo ako saglit dahil nanakit ang sakong ng mga paa ko. Sandali lang, pahinga lang kahit konti. Tapos bigla akong nakarinig ng isang malakas na tunog ang biglang umalingawngaw mula

