_______________________________
••••MEIZK POV••••
'T*ng*n*! Bakit di niya dala cellphone niya? Asan ba kasi yun nagpunta??'
Nag-isip isip ako kung sino ang maaaring tawagan ko sa kaibigan niya ng biglang may kumatok sa pinto ng ganitong oras? Pinuntahan ko na lang ito para tingnan.
"Var?" ka-close na kapitbahay namin, pero nasa third floor ang apartment niya.
.....
"Mabuti na lang talaga Mei umuwi ka na. Kanina pa ako pabalik balik diyang sa inyo para I-check ka. Balak naman sana kitang tawagan pero kakaexpire lang ng load ko. Wala din namang bukas ngayon na tindahan"
"Anong nangyari Var?" Pumasok na kami dito sa loob ng apartment niya.
"Ewan ko! Nagulat nga ako nung bigla siyang pumunta dito kanina, mabuti dahil day off ko ngayon at nandito lang ako. Hingal na hingal si Mel at takot na takot siya! Tinanong ko naman siya kung anong nangyari. Sagot niya, may nagpaparamdam sa inyo!"
Pagbukas niya dito sa kuwarto kung nasaan ang kapatid ko ay nakita ko nga itong mahimbing ng natutulog.
"Anong sabi mo? May nagpaparamdam?"
"Oo. Sinabi ko naman sa kaniya na baka mama at papa niyo lang yun, nagpaparamdam kasi hindi niyo na sila nabibisita diba? Pero ang sagot naman niya, hindi raw. Iba raw. Kaya sabi niyang dito na lang daw muna siya"
"Pasensiya na Var ha kung naabala pa kita" tanging nasambit ko na lang.
"Ayus lang yun. Alam niyo naman kayong dalawang magkapatid parang anak ko na!... Basta ito lang ang bilin ko sayo ha.... Bantayan mo yang kapatid mo, baka kung ano pang mangyayari sa susunod"
"I will Var. Salamat talaga"
........
Wala nang ibang nangyari kagabi. Hinayaan ko muna ang kapatid ko kay Var, may tiwala din naman ako sa kaniya at babalikan ko na siya ngayon.
Binuksan ko na ang pinto sa kuwarto ko at lalabas na sana ng biglang... Nakita ko ang kapatid ko dito sa sala namin at parang nag-iimpake siya.
"Mel, anong ginagawa mo?" nilapitan ko kaagad ito.
"Ayoko na dito kuya. May multo may multo may multo!" nagpalinga- linga pa siya sa gilid niya. Sa kalagayan niyang yan, kung may makakita sa kaniyang iba, tatawaging baliw.
Umupo ako sa gilid niya at niyakap ito. "Walang multo Mel. WALA. Guni- guni mo lang siguro lahat ng yun kagabi"
"Hindi ka ba naniniwala sakin kuya???" nagulat na lamang ako dahil sinigawan niya ako dahilan din ng pagkaalis ng yakap ko sa kaniya. "Nagsisinungaling ako ganun??"
Muli ko siyang niyakap "Ssshhh.. Huwag mo iwan si kuya please?? Kung aalis ka sino ang kasama ko dito?? Sino ang kasama ko this Sunday mag-mall kumain at iba pa?"
Naramdamang ko namang tumahan na ito dahil parang tumahimik na siya.
_______________________________
••••GLEXIS POV••••
Bagong bahay, bagong kapitbahay.
"Diyan ka muna anak, tutulong lang ako sa paglilipat ng gamit natin sa loob" umalis na si mommy.
Agaw pansin naman sa akin ang natatangi at wala nang iba pang bahay sa harap ng bagong bahay namin. Nakakatakot ito at marami pang kahoy sa paligid.
May nakita naman akong babae doon sa may duyan. Nakaputi at mahaba itong damit habang may sinusulat. Ilang segundo ko din siyang pinagmasdan ng sa wakas ay umangat na ang kaniyang ulo at lumingon sa akin. Ningitian ko naman siya at kumaway pa.
Pero ilang segundo lang din, sa tingin ko limang segundo lang ay natakot ang mukha niya na ikinataka ko tapos ay dali- dali siyang umalis at pumasok sa kanila.
Pero nasa pinto pa lamang siya at papasok na sana ng may dalawang matanda na gaya ni mama at papa ata ang edad ang lumabas at parang hinahanap siya. Tumingin naman sa akin yung lalaki.
************
"Wow! Tayo pinakauna!"
"Anong nakain ninyong dalawa at maaga kayong pumasok?"
Dahil sa mga tinig na yung kilalang- kilala ko ay napagising ako. 'Sino nga ulit yung babae? Bakit napanaginipan ko siya? Wala talaga akong matandaan'
"Yow! Nandito ka pala tol! Ang aga mo ding pumasok noh? Ikaw ba una sa amin?" ang ingay talaga ng isang ito, gumaya na kay Arki.
Hindi ko nasagot ang tanong niya dahil pareho kaming lumingon sa pinto at pumasok si Mei na ganun pa din ang mood sa tuwing papasok siya.
"Good morning my friend!" bati ni Arki. Umupo naman si Mei sa upuan na nasa tabi ko.
"So ayun! Tayo lang din namang lima at walang ibang tao dito ngayon, pag-usapan na natin kung saang susunod na destinasyon tayo pupunta!" pangunguna nitong si Nuz.
"Alam niyo, tumigil na tayo sa gawain nating yan. Mapapahamak lang tayo e!" walang emosyong sambit ni Mei.
"May problema ba Mei?" tanong ni Jio.
"Si Mel kasi.."
"Anong nangyari sa kaniya?"
So ayun, kinwento niya sa amin ang buong detalye ng pangyayari. Naging tahimik nga ang lahat at naging seryoso.
"So anong gagawin mo ngayon Mei?" tanong ko muli. "Maniniwala ka ba sa kapatid mo?"
"Oo naman. Kapatid ko yun. Inaamin kong natatakot ako pero kailangan kong tibayin ang loob ko"
"My friend Mei, magpa-blessing ka ulit sa apartment niyo" ani Arki.
"Oo tama. May kakilala akong pari, para madali lang. Gusto ka naming tulungan" sabat ni Jio.
Magsasalita na sana si Mei ng naunahan siya ni Nuz. "Ooppss! Kung ano man yan, wag mo na ituloy. Alam mo namang hindi mo kami mapipigilan"
"Kayo talaga... Pinapaiyak niyo 'ko eh!"
"Wee? Patingin nga!" Kinulit naman nila ito ng kinulit.
"Pero Mei, baka tama yung si Var. Baka mga magulang niyo lang yun" saad ko.
"Pagkatapos nga nitong klase dadalawin ko sila"
"May larawan ka ba diyan sa mga magulang mo?" Hindi ko alam kung bakit natanong ko iyan.
"Bakit?"
"Sa tinatagal tagal nating magkaibigan hindi mo pa sila ipinapakita sa amin kahit larawan lang"
"Teka nandito, lagi ko itong dala eh"
Kinuha naman niya ang pitaka niya sa bag niya at may kinuha roon. Binigay naman agad niya ito sa amin at kukunin na sana ni Nuz ng inunahan ko siya.
Pagtingin ko naman sa picture na hawak ko ay nagulat na lamang ako..
'Teka teka.... Imposible'
'Silang dalawa yung nakita ko sa panaginip ko kanina!'
—Itutuloy....