_______________________________
••••MEIZK POV••••
Gabi na pero magkasama pa din kami ngayon. Di muna ako papasok sa trabaho ko dahil na din sa kapatid ko, pumayag at naintindihan din naman ng may-ari.
"I missed late nights walking" biglaang salita ni Nuz.
"Wow! English yun ah!"
Yan na naman silang dalawa.
"Englishero naman talaga yan dati diba si Nuz?" saad ni Glexis.
"Yeah, your right Gle. Kaya lang naman ako nagpra- practice magtagalog kasi para sa inyo"
Kaya pala sumama ang mga ito sa akin dahil gusto lang raw nilang makapunta dun sa place ko. May mga binili pa nga itong pagkain.
Minsan talaga, naiinggit ako sa mga toh. Sana ganyan ang buhay ko kahit anong oras pwede gumala at magsaya.
"Okay lang naman samin yung english ka ng english" ani Jio at dumagdag na ako sa sinabi niya.
"Tama. Ang sa akin lang english ka ng english eh nasa Pilipinas naman tayo! Dapat magtagalog ka!"
Tumawa naman sila sa sinabi ko "Tama, tama Mei"
Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng ilang sandali lang ay biglang nagsalita si Jio.
"Teka-teka, sana nagkotse na lang tayo noh! Pagod na ako! Malayo pa ba ang apartment niyo Mei?" aniya.
"Malapit na, konting tiis na lang"
"Jio sakto lang din yan sayo. Para na din mabawas- bawasan ang mga fats mo noh! Tingnan mo nga yang katawan mo, chubby na" saad ni Gle.
"Hoy hoy hoy! Sadyang gutom na talaga ako!"
"Ano namang connect dun? HAHAHAHA"
"Ul*l! Madali ka lang mapagod basta gutom ka! Palibhasa ikaw palagi kang busog!"
Tumawa na lamang ako sa kanila. Nagtatalo na ang mga ito ng biglang nag-ring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot.
Si Var pala ang tumatawag.
"Hello Var? Napatawag ka?"
Nagulat na lamang ako sa sinagot niya sa kabilang linya [ Kailangan mong umuwi Mei!!! Yung kapatid mo magpapakama–]
Hindi ko na narinig ang sumunod niyang sinabi ng wala pa ni isang segundo ay tumakbo agad ako.
"HOY MEI!"
"TOL!"
"MY FRIEND!"
« FAST FORWARD »
"MEL MAAWA KA HUWAG MONG GAWIN YAN!"
Sinira ko na ang pintuan ng rooftop.
"Mel" tangi ko na lang nasambit at napahinto pa nung makita ko ang kapatid ko.
Nakatayo ito at konting hakbang na lamang ay mahuhulog na siya. Pero ang nakapaghinto sa akin ay may dala itong kutsilyo at nagka- sugat sugat ang mga braso niya.
"MEL!" tawag ko at nilapitan ito. Dahan- dahan naman siyang lumingon sa akin.
'Shocks!' Nagulat na natakot ako nung makita ang mukha niya. Ang kapatid ko pa naman, pero parang hindi na siya yan!
"Huwag kang lalapit sa akin!"
At mas nagulat ako dahil umiba ang boses niya. Boses... Boses..... Multo na sumanib.
"Mel, kapatid ko. Alam kong nandiyan ka pa. At alam kong hindi mo ito gagawin. Halika, lumapit ka kay kuya please" mahinahong sambit ko at dahan na dahan ding lumalapit sa kaniya.
Nakita ko naman ang pagtulo ng luha niya at yumuko. Kaya hindi ko na sinayang ang pagkakataong ito, kinuha ko muna ang kutsilyo sa kamay niya at itinapon yun sa kung saan.
Pagkatapos ay hinila siya at sumusubsob ito sa dibdib ko. Nakahinga naman ako ng maluwag at niyakap siya. Pero ilang segundo lang ay naalarma na lamang ako dahil nawalan ito ng malay.
"Mel!" sinubukan ko itong gisingin "Mel!"
_______________________________
••••GLEXIS POV••••
"Mabuti na lang nadala niyo agad siya dito, kung hindi baka babalik ang sumanib sa kaniya" sambit ng pari, yes pumunta nga kami dito sa simbahan pagkatapos ng nangyari kay Melsy kanina.
"Maraming salamat po father" saad ni Mei at ginagamot na nila ni Var ang sugat ni Mel.
"Walang anuman yun iho. Hindi ba sinabi ng mga magulang niyo na hindi pa siya nabinyagan? Madali lang sa isang tao ang mapasukan ng masamang espirito kapag hindi pa siya binyag"
"Wala po eh. Hindi ko din po alam. Or baka sadya lang pong namana niya kay mama yan. Ganyan na ganyan din si mama noon, may mga sumasanib na espirito sa kaniya"
"Huwag kang mag-alala iho, dahil nabinyagan ko na din kanina ang kapatid mo, hindi na ito mauulit pa. Huwag na huwag mo lang talagang kalimutang magdasal parati sa ating Panginoon"
"Yes po father. Hindi ko yan makakalimutan"
"O siya mga iho, maiiwan ko muna kayo"
"Sige po father, salamat ulit"
Nagngitian lang sila at umalis na nga yung pari tsaka yung assistant niya.
Bigla namang may tumawag sa telepono ko. Si mommy lang pala. Lumabas muna ako para sagutin ito.
[Anak! Finally may oras na ako para kausapin ka. Kamusta na ang nag-iisang anak ko ha?] bungad agad niya pagkasagot ko.
"Ayos lang naman po ako Ma. Kayo po? Wala na po ba kayong pasyente?"
[Wala. Asan ka anak? Uwi ka sa bahay]
"Uuwi ka mommy?" sumaya naman ang kalooban ko.
[Oo. Sige na. Ibababa ko na, nagda-drive kasi ako ngayon]
"Ingat po!" Naputol na nga ang tawagan namin.
Nakangiti ko namang ibinalik ang telepono ko sa bulsa at babalik na sana sa loob ng...
May narinig akong batang tumatawa. Hinanap ko kung nasaan ang boses na yun. Malayo-layo na ako sa kinatatayuan ko kanina. I don't know why din kung bakit ko hinahanap ang boses na yun. Pero imposible namang may bata sa kombentong ito at gabi na din.
"Kuya kuya, laro tayo!" nagsalita naman siya.
'Ako ba yung tinatawag niya?. Creepy'
.
.
.
—Itutuloy.....