CHAPTER 8 DALAWANG araw na 'din ang lumipas simula ng makapag usap sila ng asawa ng kapatid niya. Simula 'non ay hindi na siya kinikinibo nito o mas tamang sabihin na iniiwasan na siya nito. Kaya naman nagulat siya ng tawagin nito ang pangalan ng kapatid niya habang nagluluto siya ng pagkain para sa umagahan ay bigla nalang itong pumasok sa kusina. Nagulat pa si Erania dahil hindi nakapang office attire ang asawa ng kapatid karaniwan kase ay pag ganitong oras aalis na ito. "Bakit?" takang tanong niya at naghugas ng kamay tapos hinarap ito. Nakasandal ito sa may hamba ng pintuan at nakakrus ang mga braso walang emosyon nakatingin sakaniya. "Did you see the black suitcase? the one with leather." tanong nito. Napakunot naman ang kaniyang noo at pilit inaalala kung ano ba yung hinahanap n

