CHAPTER 7: Gulat na napatingin si Erania sa may ari ng boses na iyon. Nanlalaking mata niya habang nakatingin kay Gabriel na blanko ang mukha ngunit gumagalaw ang mg a panga nito habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng pantalon. Agad siyang napalayo sa lalaking kasintahan daw kuno ng kaniyang kapatid. "G-Gabriel." kusa iyong lumabas sa kaniyang bibig. Tiningnan siya ng asawa ng sandali pagkatapos ay humakbang ito papalapit sakanila at walang atubiling hinawakan siya nito sa pulsuhan at itinago sa malaking likod nito animong itinatago siya mula sa lalaki. "Don't touch my wife again!" walang emosyon ang mukha ni Gabriel pero may diin ang bawat binibitawan nitong salita. Ang lalake naman sa harap nila ay nakipaglaban ng tingin kay Gabriel animong wala itong balak na mapagpatalo sa asawa n

