Chapter 6:
"Nakakairita talaga biruin mo, ni hindi man lang marunong magsabi ng thank you!" inis na kwento Erania kay Paul habang nasa Mall sila, kasalukuyan namimili ng stocks para sa bahay.
Ito ang nagtutulak ng cart habang nakasunod lang sa kaniya. Tahimik lang na nakikinig ang binata sa kanyang mga litanya patungkol sa asawa ng kapatid.
"Nako! Pasalamat lang talaga siya hindi ko siya pwedeng pektusan doon," gigil na wika niya.
Inabot ni Erania ang isang balot ng pasta at inilagay sa cart, nakita niyang pagsunod ng tingin doon ni Paul.
"Hindi mo iyon pwedeng gawin, hindi naman nangpe-pektus ang kapatid mo," ani Paul na sa wakas ay nagsalita na rin dahil kanina pa ito walang imik.
Akala niya mapapanis na ang laway nito.
"Hay! Kahit na, naiinis ako roon sa lalaking 'yon, akala mo kung sino." Bumuntonghininga siya at pilit inaalis sa isip ang asawa ng kapatid, baka lalo lang siyang ma-badtrip.
Ilan oras pa ay nagpaalam na 'din sakaniya ang binata na aalis na ito at babalik nalang ulet bukas pag kailangan niya na, pinauna na lang 'din niya ang mga pinamili nilang groceries sa bahay ni Gabriel dahil maglilibot libot pa siya.
Hindi naman talaga siya mahilig mamili kung magkataon ay ito ang unang beses na mamimili siya ng walang kasama. Sa probinsya kase ay kung makakalabas siya at isasama ng madre sa bayan ay sa palengke lamang sila mamimili.
Meron naman siyang pera dahil sa bahay ampunan ay may mga proyekto sila para kumita ang mga bata, kung minsan ay gumagawa sila ng basket o kaya naman basahan doon siya nakaipon. Binigyan din siya ng mag asawang Corpuz ayaw man niyang tanggapin pero kailangan kesa naman sa asawa ng kapatid niya siya manghingi.
Hindi iyon pwede, nakakahiya!
Masayang pumasok siya sa isang boutique at nagtingin tingin ng mga damit, pero agad niyang nabitawan ang isang baby blue na blouse ng makita ang price nito. Napalunok pa siya dahil doon. Ilang libo ang halaga nito.
"Hay, kailangan ko sigurong magtrabaho. Mas mahal ang bilihin dito sa siyudad." bulong niya bago lumabas sa shop na iyon.
--
"WHAT'S about my wife?" tanong ni Gabriel sa private investigator niya sa kabilang linya. Yes, pinapasundan niya ang asawa dahil naninibago siya sa mga galaw nito. Maybe she's planning for an evil plan.
Nakaupo siya sa swivel chair sa opisina niya habang nakaharap sa laptop dapat ay nagtatrabaho siya hindi nakikichismis sa imbestigador niya at inaalam ang lagay ng asawa.
"Wala naman po Mr. Glaive nasa mall siya ngayon." anito. Ofcourse what's new? Lagi naman nag ma'mall ang asawa.
"Any man?" kunot nouong tanong niya.
"Kanina po ay kasama niya iyong driver niya pero pinauna na niya ito umuwe." that's make his eyebrows creased.
"Wala siyang katagpo?" aniya. He want to punch himself bakit ba tanong siya ng tanong.
"Wala po, kanina ay pumasok siya sa isang shop pero umalis din siya ng walang binili. Ilan botique shop ang ganon ang ginawa niya parang wala po siyang balak bumili."
Pinatay na niya ang tawag at napahilot sa sariling noo. Wala bang pera ang asawa? Maybe that's why she came home to get money again to him pero hindi na siya papaloko dito.
Napatingin siya sa kaniyang cellphone ng tumunog ulit ito at ang kaniyang tauhan nanaman ang tumawag.
"Why?" he asked.
"May kasama na po siyang lalaki." deklara nito dahilan para mapaayos siya ng upo. That woman! Wala talaga itong pagbabago.
"Do you know the asshole?" aniya at mabilis dinampot ang susi ng kotse at lumabas sa opisina, sinenyasan din niya ang sekretarya na aalis na siya tumango naman ito.
"It's Reigor Allejo." he clenched his fist.
Pinatay niya ang tawag at mabilis pinaharurot ang kaniyang kotse. He need to see his wife and her man. Kailangan maaktuhan niya ang mga ito sapat iyon na dahilan para makipaghiwalay dito.
He need to get out of this marriage wala naman kasing nangyayare. Pagod na siyang mahalin ito at protektahan. She's the one who choose this life kung minahal siya nito pabalik ay sana ayos sila pero hindi. Ever since na ikasal sila ay ganito na ang asawa.
He thought that she will change for him but No, walang nagbago.
They are married for eight months at sa buwan na iyon ay walang pinatunguhan. He should know that Arania married him for money. Iyon lang ang gusto nito at kahit alam niya iyon ay hindi siya naniwala dahil akala niya ay magbabago ito.
Pero habang tumatagal ang pagsasama ay lalong lumalala, ninakawan siya nito ng malaking halaga ng pera. Hindi nga niya alam kung saan nito dinala ang pera. Pinatawad niya ito dahil asawa niya ito. Akala niya ay hindi mauulet pero naulet ulit hanggang hindi na pag nanakaw ang ginagawa nito kundi pati pakikipagtalik sa ibang lalaki.
That's Reigor Allejo his wife's other man.
Ni hindi sila nagkasiping ng asawa sa walong buwan na pagsasama dahil sa mga kasalanan nito. Noong una ay sinubukan niya ayain ito dahil asawa naman niya ito pero tumanggi si Arania at sinabeng hindi pa handa but then after three months of marriage he found out that his wife had an affair.
Iyon na ang simula ng hindi nila pagtatabi mag asawa. He can't touched that woman. Nandidiri siya sa iisiping ibinigay nito ang sarili sa iba samantalang siyang asawa ay hindi man lang magawang mahalikan.
That's why he decided to cut this marriage kung gusto ng asawa sa iba. Palalayain niya ito tutal nawalan na 'din siya ng ganang mahalin ito. Nawala na yung babaeng minahal niya noon.
He just need the proofs at makakalaya na siya.
--
NATANAW si Erania sa harap ng isang boutique shop ng biglang may yumakap sakaniya mula sa likod dahilan para mapaigtad siya.
"I missed you, Sweetheart." Malambing na bulong nito at akamang hahalikan siya sa pisngi ng agad siyang lumayo dito.
Kunot nuong tumingin siya sa lalake, matangkad ito at may kulay brown na mata. Nakaformal attire ito pero hindi niya ito kilala.
"Bakit ba bigla bigla kang nangyayakap?!" Inis na aniya sa lalake.
Masuyong lalapitan siya ng lalake at hahawakan ang kamay niya ng umatras ulet siya palayo dito. Dahilan para kumunot nuo ang lalake.
"What? Dahil na naman ba ito sa pinag awayan natin two weeks ago? Ang tagal na 'non. Sweetheart naman!" anito.
Two weeks ago? Iyon ang araw na naaksidente ang kapatid. Tsaka bakit siya tinatawag na Sweetheart nitong lalake na ito.
"B-Bakit mo ako tinatawag na Sweetheart? Sino ka ba?!" aniya.
Pumalatak ang lalaki at mahinang tumawa. "What's play is this Sweetheart? Ofcourse I'm your boyfriend." anito na ikinagimbal niya.
Ang kapatid niya may kabit? Napakurap kurap siya bago magsalita.
"Baka nagkakamali ka, may asawa na ako!" aniya.
"Yeah, I know. Sabe mo hihiwalayan mo naman na ang asawa mo pag nakuha mo na ang pera niya right? C'mon sweetheart I missed you. I missed us making love." Halos kilabutan siya sa mga pinagsasabi ng lalake.
Akmang hahawakan ulet siya nito ng umatras siya.
"Don't touch me, Mr? Ewan ko. May asawa ako kaya pwede tigilan mo ako sa kalandian mo! Hindi ko iiwan ang asawa ko kaya tsupi!" aniya. Hindi talaga niya maiwasan lumabas ang malditang ugali niya lalo na't pag kailangan.
"What?! Ano bang sinasabe mo Arania?" Hindi makapaniwalang usal ng lalaki at tuluyan siyang hinawakan sa balikat para yakapin siya.
Pinipilit niyang kumawala ulet dito ng biglang may nagsalita.
"Get your filthy hands off to my wife!"
**