Chapter 5:
"Damn it!" sigaw ni Gabriel habang pasalampak na humiga sa kama. Mariin niyang ipinikit ang mata nang maisip ang kagaguhang ginawa kanikanina lang.
He needs to stay away from that cunning woman. Hindi dapat siya nagpapadala sa mga arte nito at sa mga kasinungalingan na naman nito.
Hindi pa ba siya nagtanda?
Naikuyom niya ang kaniyang kamao, he will never trap again to her lies. Not again! Ilang beses na nito sinira ang tiwala niya at alam na alam na niya ang takbo ng bituka ng asawa.
She's planning something evil again. She was cunning enough to fool him.
Napatitig si Gabriel nang maaalala ang mukha ng asawa kanina. When he said that he doesn't want to eat what she cooked, kitang-kita niya ang sakit na gumuhit sa mata ng kaniyang asawa.
It's the same person but different eyes and emotion. Bakit pakiramdam niya ay nag-iba ang tingin ng asawa niya? Parang kapag tumititig siya eito ay laging makahulugan itong sinasabi gamit ang mata.
Umakyat siya kanina dahil baka lasunin pa siya ng asawa pero bumaba ulit siya para kunin ang ilan papeles na naiwan niya sa kotse niya nang marinig niya ang hikbi ng asawa galing sa kusina.
Ilang beses na niyang nakitang umiiyak si Arania, ilang beses na itong nagdrama sa harap niya. But hell why he felt different when he saw his wife crying while eating? Parang pinipiga ang puso niya dahil nakita niya itong pilit kinakain ang sariling luto habang umiiyak.
Ni hindi nga siya nito napansin na nakalapit na siya.
And she cooked damn good. Kailan pa ito natuto magluto? Posible bang matuto ang isang taong magluto ng masarap sa loob ng dalawang linggo?
Natatawang napailing na lang siya at pinilit alisin ang asawa sa isipan bago matulog, pero bago pa niya ipikit ang mata ay mukha na naman ng babae na `yon ang nakita niya.
Damn!
***
KINABUKASAN deretsyong naglalakad si Erania sa kompaniya ng asawa. Halos hingal pa siya sa kakamadali, mabuti na lang talaga at maaasahan si Paul at naibigay ang eksantong lugar ng kompanyang pinagtatrabahuhan ng lalaki.
"Good morning Ma'am!" bati ng guard na nakayuko, halos hindi man siya tiningnan.
"Good Morning din po, Sir," magalang na bati niya at hindi nakaligtas sa paningin niya ang gulat sa mukha ng guard animong hindi ito makapaniwala sa kaniya.
Nagkibit-balikat si Erania at nagpatuloy sa pagpasok,hindi na siya nagulat kung bakit hindi siya nito hinarang dahil asawa siya ng may-ari.
Asawa? Gusto niyang matawa.
Kaninang umaga ay maagang umalis ang asawa ng kapatid niya. Mas okay 'yon sa kaniya para hindi siya mailang dito pero habang naglilinis siya ng kwarto nito ay nakita niya ang isang folder na sa tingin niya ay kailangan nito ngayon para sa isang presentasyon. Mukhang pinagpuyatan pa iyon ni Gabriel kaya naman pumunta siya rito para dalhin. Hindi naman siya nahirapan dahil hinatid pa siya ni Paul pagkatapos ay hihintayin na lang daw siya nito sa parking lot kung saan ibinaba.
"G-Good morning po, M-Madam," ani ng isang babae pagkadating niya sa may front desk sa palapag kung nasaan ang office ng lalaki.
Ngumiti siya sa babaeng sa tingin niyang mas bata pa sa kanya.
"Good morning din. Nandyan ba ang Boss mo? Si Gabriel?" magalang na tanong niya, palihim niyang inilibot ang paningin.
Nakakaintimida ang mga tingin ng tao.
Napakurap-kurap ang babae animong hindi ito sanay sa inaasta niya, bahagya pang umawang ang mga labi nito.
"U-Uh, na'am nasa conference room po si Sir, may meeting po sila ngayon," kabadong wika ng babae saka yumuko.
Tumango-yango siya at napatingin sa orasan. Late na kaya siya ng dating? Baka kailangan na ito?
"P-Pwede niyo po siyang hintayin sa office niya Ma'am. K-Kung hindi naman po kayo nagmamadali p-pero kung ano, p-pwede po akong pumasok, sabihin ko pong nandito kayo," nakayukong usal nito.
Sasagot na sana si Erania nang may magsalita sa intercom.
"S-Sir?"
"Get the files in my house. Dang it! Nakalimutan ko sa study table, importante 'yon kailangan namin. My wife is there!" narinig niyang utos ni Gabriel bago nawala ang tawag.
Mabilis na tumayo ang babae at natataranta, akmang tatakbo na ito papunta sa elevator ay itaas niya ang dalang folder.
"Charan! Dala ko na," aniya at ngumiti.
Natigilan pa ang babae.
"P-Paano niyo po nalaman Ma'am?" naguguluhan usal nito pero nginitian niya lang ito at nilagpasan na niya. Kailangan na niya itong maibigay sa kunwaring asawa niya.
"Ako na mag bibigay ha!" pasigaw na aniya nang makalayo sa babae papunta sa conference room.
Wala ng nagawa ang sekretarya dahil nagpatuloy na siya sa paglakad.
Napatingin siya sa suot niyang simpleng jeans at pink na sleeveless at pinatungan niya ng gray na cardigan. Hindi na siya nakapag-ayos masiyado dahil nga nagmamadali siya. Nakalugay ang kanyang buhok na hanggang balikat, ginupitan iyon katulad ng gupit ng kapatid.
Kumatok siya sa malaking pinto at dahan-dahan itong itinulak upang bumukas. Pakiramdam niya ay namula siya na parang kamatis dahil lahat ng pares ng mata sa loob ng kwarto na iyon ay nakatingin sa kaniya.
Nang-uusisa.
Hindi niya maiwasan pasadahan ng tingin ang mahabang lamesa na puno ng mga kalalakihan na puro naka-formal attire. Suminghap siya nang magtama ang mata nila ni Gabriel, nasa pinaka dulo ito ng mahabang lamesa at gulat na nakatingin sa kaniya.
Tipid na ngumiti siya sa mga taong nakatingin sa kanya saka tuluyan pumasok. Lahat ay tahimik animong pinapanuod ang pagpasok niya hanggang makalapit siya sa asawa ng kapatid na kunot-noo na.
Tumayo ito at hinawakan siya sa siko pagkatapos ay bumulong. "Why are you here?" madiin ngunit mahinang anito.
Itinaas niya ang folder na dala at bumulong din, baka kasi bawal maingay rito.
"Dinala ko lang ito, mukhang kailangan mo," bulong niya.
Kita niyang natigilan si Gabriel at bumuntonghininga bago lumayo sa kaniya at kinuha ang folder animong napaso ito bago umupo.
"You may go home," malamig na utos nito kaya hindi niya maiwasan magtaas ng kilay kahit pa madaming nakamasid sa kanila.
"Che!" inirapan niya ito at tumalikod na. "Wala man lang utang na loob," bulong niya habang papalabas pero napatigil siya rin kaagad nang may humawak sa pulsuhan niya ng dumaan siya sa mga kausap nito.
Isang lalaking sa tingin niya ay kasing edad ni Gabriel. Nakatayo na ito, ramdam niya ang tingin ng mga tao lalo na si Gabriel.
"Bakit?" takang tanong niya dahil naba-badtrip talaga siya kay Gabriel, hindi man lang nag-thank you.
"Do you remember me? I got your number! I was the one with red sport car, sa Dark club last month," nakangising ani ng lalaki, hinagod pa siya ng tingin.
Sigurado na kakambal niya ang tinutukoy nito. Kailan pa natutong mag-club ang kapatid? Saka last month, eh kasal na ang kapatid noon ha? So ibig sabihin ay kahit kasal na ang kapatid ay nagka-club pa ito?
Inagaw ni Erania ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki saka peke na ngumiti.
"Sorry ho, baka nagkakamali lang kayo," malumanay na usal niya.
"No, I'm sure it was you. Do you want to go out for a dinner? Maybe later?" anito at pilit hinahawakan ang kamay niya ulit.
Nagsalubong na ang kilay niya, hindi ba ito nahihiya at pinagtitinginan na sila!
Mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang tumayo na si Gabriel, siguradong papagalitan na siya nito dahil ang tagal niyang umalis.
"Mr. Who cares who are you. Kung ako man nga iyon e kalimutan mo na 'yon at hindi ako pwedeng makipag-dinner sayo, pasensya na," deretsyong aniya kahit pa madaming nakakarinig.
"Why? I have a lot of money," anito na para bang binabayaran siya kaya nagpantig ang tenga niya at sinalubong ang tingin nito.
"Why? Because I need to prepare my husband's dinner," aniya at tinuro si Gabriel na nakatingin sa kaniya bahagyang gulat ang mukha, umiigting ang panga nito.
Humugot siya ng malalim na buntonghininga at ngitian ang mga nanunuod, mabilis siyang lumapit kay Gabriel at hinalikan ito sa pisngi.
"See you at home, Love." maarteng aniya kay Gabriel at nagmartsya palabas sa kwarto na iyon.
***