CHAPTER 4

1695 Words
Chapter 4: NAGLILINIS si Erania ng sala nang makarinig siya ng nag-doorbell. Napatingin siya sa wall clock at mag-aalasingko na ng gabi. Nakaalis na ang kanyang asawa kanina pang umaga, hindi naman ito nagtagal kanina, nang makababa ang lalaki ay nakasuot na ng pang-office nito. Ni hindi man nga lang ito nagpaalam na aalis na, ni hindi siya tinapunan ng tingin. Ni 'hoy, babae aalis na ako' ay wala man lang. Kaagad siyang naglakad papunta sa pintuan upang tingnan ang dumating, paniguradong hindi iyon ang asawa ng kapatid niya dahil siguradong hindi magdo-doorbell ang lalaki. "Hey. Good Afternoon!" nakangiting bati sa kaniya ng lalaki sa pintuan, kaagad umaliwalas ang kanyang mukha at niluwagan ang pagkakabukas nito. "Hi! Ano ng balita? Uh, pasok ka," pormal na sabi niya, iginaya niya ang lalaki papaupo sa malapad na sofa. Gustong palakpakan ni Erania ang sarili. Talagan feel na feel niya ang bahay ah? Umupo naman ito sa isang sofa, bahagyang inilibot ang paningin sa bahay. "Gano'n pa rin ang lagay ng kapatid mo, wala pa naman bilin ang mag-asawang Corpuz sa ngayon ay iyon munang unang plano. Just stay here inside the house and be a good wife to Mr. Glaive, habang wala pang recovery ang kapatid mo," ani Paul sa seryosong boses. Napabuntonghininga na lang siya, paano ba maging mabuting asawa? Ni wala siyang kasanayan sa pakikipagrelasyon, tanging alam lang niya sa bagay na ito ay mga napapanuod niya sa tv at limitado lang iyon. "Okay, mukhang gano'n na nga lang talaga, ang maghintay ay gawin ang trabaho ko ang tangi kong magagawa ngayon," malungkot na sabi niya. Napailing siya ng isipin hindi dapat siya nag da-drama sa pagkakataon na ito. Tanging siya lang ang sandigan ng kapatid niya, habang wala pa itong malay ay dapat gawin niya lahat upang tulungan ito. Pinilit niyang ngumiti kay Paul at ibahin ang usapan. "Uh, kumain ka na ba?" tanong niya. "Hindi pa nga." Napangiti siya dahil parang hindi na nahihiya ang binata sa kaniya, hindi na ito kasing galang noong una silang magkita, mas gusto niya iyon dahil mas ramdam niya ang sinseridad doon. "Let's go to the kitchen, I'll cook. Pangbayad ko man lang sa kabutihan mo, Paul. Kaso limitado lang ang alam kong luto," aniya habang naglalakad sila palapit sa kusina. Ang plano kasi niya ay magluto na rin ng dinner. Buong araw lang siya naglinis ng bahay kahit hindi naman madumi, sadyang wala lang siyang magawa at wala rin naman siyang pupuntahan. Pagdating nila sa kusina ay nagulat siya nang maghubad si Paul ng black suit nito at tanging white longsleeve lang suot ang itinira, tinupi iyon ng binata hanggang siko. Parang walang maniniwala na body guard niya ito, hindi niya tuloy maiwasan mapangisi. Maswerte ang babaeng mamahalin ni Paul, mukhang mabait naman ito at maalaga pa. "Let me help you," presinta nito, natatawang inabot niya ang sandok. *** GABRIEL forehead creased when he saw a black car infront of his house. Sigurado naman siyang hindi iyon sa magaling niyang asawa. He disposed all her car, mayroon itong kotseng kulay puti na gamit nito bago umalis, ngayon niya lang napansin na hindi nito ito dala pag-uwi. Why is that? Did she gave it to her man? Nagtangis ang bagang niya nang maisip iyon. What a good scene huh? Kaagad siyang bumaba mula sa sinasakyan niya at malalaking hakbang na pumasok sa bahay upang komprontahin ang babae tungkol sa kotse nito. His hand was shaking when he opened the door. Narinig niya kaagad ang ingay galing sa kusina. He can feel the anger inside his body when she heard his wife and a voice of a guy in his f*****g house. "Dahan-dahan lang," boses iyon ng isang lalaki. Naningkit ang kanyang mata ay hindi niya namalayan na nakakuyom na pala ang mga iyon. Kung may haharang sa kanya ngayon ay siguradong masusuntok niya. "Aray! Talaga bang ganito ito? Bakit naman kasi ang laki! Ah!" That's his wife's voice! He didn't say a word. Umawang ang kanyang bibig, matagal na niyang natanggap na niloloko siya ng asawa, na may iba itong lalaki ngunit ngayon na naririnig niya mismo sa tainga niya, pakiramdam ni Gabriel ay makakapatay siya. Naiisip niya kung anong kababuyan ang ginagawa ng dalawa sa loob ng kusina sa sarili niyang pamamahay. Mas nagngitngit ang galit sa dibdib niya nang marinig ang pangalan niya. "Bilisan mo! Bilisan mo! Baka dumating na ang asawa ko, nandyan na si Gab!" "Huwag ka mag-alala baka mamaya pa iyon," sagot ng lalaki. He can see a red blood now, mga hudas! Gabriel can't take it anymore alam niyang nanlalake ang asawa niya that's why he hate her. Pero hindi niya lubos akalain na dadalhin pa talaga nito ito sa sarili niyang bahay. Ilan beses na kaya nitong dinala dito ang lalake niya? That makes him more angry, he's boiling with rage now. "What the f**k are you doing in my house?!" he growled, slamming the door. He stormed to the middle of the room, fists clenched, then kicked the chair beside the table. Gulat naman na napatingin sa kaniya si Erania at isang lalaki, ang gulat sa mukha ng lalaki ay napalitan ng ngiwi. Malalim pa rin ang kanyang paghinga, he's ready to attack the guy and kill him alive. Handa na siyang basagin ang mukha nito nang mabilis na lumapit sa kaniya si Erania, hinawakan nito ang kanyang braso. Kinilabutan siya roon. "Hey! Calm down. Body guard ko siya, wala kaming ginagawang masama, tinutulungan niya lang ako," malumanay na sabi ng babae at kunot-nuong nagpalit tingin siya sa asawa at sa lalaking body guard daw nito. "You two f**k here?! In my kitchen?!" pagaakusa niya dahilan para umawang ang bibig ni Erania at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "Mali kayo ng iniisip Mr. Glaive." Sabat ni Paul na ngayon ay tinanggal na ang suot na apron. Gabriel blinked because of that, they are not naked. What the f**k? "Shut the f**k up!" inis na sabi niya rito at binalingan ng matalim na tingin ang asawa. Iiling-iling na umalis na lang si Paul, sinenyasan niya si Erania naaalis muna, bahagyang yumukod si Paul bago siya lagpasan. Gusto niyang hilain ang leeg nito at sakalin pero nanatili ang titig niya sa asawa. "Ano bang pinagsasabi mo? Nagluluto lang kami!" paliwanag ni Erania na ikinagulat ni Gabriel, sandali lang iyon at napalitan kaagad ng pagkadisgusto. His wife never this calm, when he's mad she's mad too! Pero ang babae sa harap niya ngayon ay malumay ang salita at handang magpaliwanag, lumalaban ng sagutan. "At paano mo ipapaliwanag ang mga narinig ko kanina?!" He asked suspiciously. Kunot-nuong tumingin sa kaniya si Erania na parang inaalala ang mga usapan nila ng lalaking kasama nito kanina pagkuwan ay napailing ito at bahagyang natawa kaya mas lalo siyang nairita. This is serious woman! "We are just talking about the fish we cooked. Sobrang laki kasi at naghihirapan akong baliktarin. Look!" She pointed the big fish in the table. His favorite food. He emotionless looked at his wife. "Paano `yong narinig kong pinapabilisan mo siya? And who the f**k he is?" nagtangis ang bagang niya. "We preparing our dinner. Pinapabilis ko siya baka dumating kana eh. And don't curse, he's my bodyguard bigay nila Mommy." Gustong palakpakan ni Erania ang sarili. Wow, I learned a lot from movie huh? ERANIA was so shocked and nervous, bigla kasing dumating ang asawa ng kapatid niya at mukhang nagalit pa ito nang makita si Paul. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili habang nagpapaliwanag dito kahit para na siyang matutumba sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. The way he asked her is like interrogating her. Para siyang may malaking kasalanan na kahit anong oras ay ikukulong siya nito. She just want to prepare some dinner, Gusto naman niyang maging maayos ang pakikitungo nito sa kaniya kaya kahit papaano ay nag-e-effort siya rito. Lalo na't bilin ng mag-asawang Corpuz ay magpakabait siya rito para sa kanyang kapatid. Ayaw naman niyang magising ang kapatid na divorce na ito sa asawa. She can't let that happened. "Who told you to cooked for me? Parte na naman ba ito ng plano mo? Eat that. I don't eat that rubbish!" gagad ni Gabriel at mamalaki ang hakbang na umalis ng kwarto nito. Napakurap-kurap si Erania habang naiwan mag-isa sa kusina. She put efforts for this dinner. Inalam pa nila ni Paul kung anong paboritong pagkain ng asawa ng kapatid niya tapos tatawagin lang nitong basura ang pinaghirapan niya. Nakakasama na talaga ng loob! Ang panget ng lalaking `yon! "Ang sama mo!" malakas na sigaw niya. Nanghihinang napaupo siya at tinitigan ang kanyang niluto. Kagat-labing kumain si Erania, hindi niya kayang itapon lang ito. Sayang naman, kung ayaw ng lalake na iyon, edi wag bahala siyang nagutom. Sunod-sunod ang pagsubo niya habang inuubos ang niluto niya, She's hurt. Kahit naman alam niyang hindi para sa kaniya ang galit nito. Alam niyang ang galit nito ay para sa kapatid niya pero masakit pa rin. Masakit masigawan at hindi pahalagahan ang mga ginagawa. Mabuti pa sa loob ng bahay ampunan ay mahal siya ng mga nandoon. Siguro nga napagod na lang ang kapatid niya sa asawa nito sa lalaki. Gwapo nga pero ang sama naman ng ugali lagi pang nakasigaw at kunot noo bawas points 'yon sa lalake. Hindi talaga siya nagtataka kung gano'n din ang iniisip ng kanyang kapatid. Kung alam lang niyang hindi ito kakain ay hindi na sana siya nagluto, edi sana wala siyang mga paso at tilansik ng mantika ngayon sa braso at kamay. Napahikbi siya at pilit lumunok. "Stop crying while you are eating." Napakurap-kurap siya nang makita si Gabriel na umupo sa katabi niyang upuan, padabog nitong inilapit ang isang pinggan. Pagkuwan ay sumandok ito ng kanin at ulam, walang imik-imik na kumain kaya halos malaglag ang kanyang panga sa gulat. Doon niya lang napansin na umiiyak pala siya, kaagad niyang pinunasan ang luha niya at masayang ngumiti kay Gabriel kahit hindi ito nakatingin sa kaniya. Kakain din pala nag-iinarte pa! "Kain ka pa!" aniya at sinalinan ng tubig ang baso nito pagkatapos ay maganang kumain na rin siya, hindi niya maiwasan mangiti nang makitang nagustuhan ng lalaki ang niluto niya. Success! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD