Hannah "Leave, why are you here anyway? Kailangan ba siya rito, Atty. Galvez? Kailangan ba ng signature niya rito? At bakit magkausap kayong dalawa?" Tumawa ang babae at saka tumingin ulit sa gawi ni Max. "Atty. Galvez is our family's attorney, Maxtrico. Huwag kang mag alala wala kaming pinag usapan na ikakawala ng mga kayamanan mo. I'll go ahead." Bago pa man siyang tuluyang maka alis ay huminto muna siya sa akin at tinignan ako habang nakangisi. Tinignan ko ng mariin ang babae at tumawa. "Good choice, Max." At tuluyan na nga siyang maka alis sa kwarto. "Sir Maxtrico Beaumont, here are the papers na pipirmahan mo. Alam mo na dapat sa loob ng tatlong buwan ay dapat magkasama pa rin kayo, hindi ba? Congratulations for receiving the money." Nakita kong kumunot ang noo ni Max. "Mone

