Hannah Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng kasalan namin at ang engkwentro na hindi ko makakalimutan. Sa ngayon, pagkatapos nun ay naging tahimik na. Walang gulo siguro dahil ay nasa loob ako ng mansyon. Naging mahigpit din si Max sa security pagdating sa akin, palagi ko na nga ring kasama sina Cus and Craze dahil silang dalawa ang nagbabantay sa akin. Dahil nasa mansyon lang naman ako ay naging ka close rin si Doc Warren, madalas ay siya ang ka kwentuhan ko. Lahat na ata ng baho ni Maxtrico nasabi na niya, pakiramdam ko tuloy sinisiraan niya si Max sa akin. "Doc Warren! Grabe ka naman manira sa akin hindi naman ako ganyan!" Masama lang ang tingin ni Doc sa kanya saka hindi na siya pinansin. "Mabait naman yan at mapagmahal kaso may times talaga na abnormal yang lalaki na yan."

