Kabanata 7

1042 Words
Hannah Nagising ako sa ingay na nasa labas ng aking kwarto. Napabangon agad ako at hindi ako mapakali dahil sobrang ingay talaga. Agad akong tumungo sa pinto at binuksan ito, tumambad sa akin ang tatlong kalalakihan. Si Max, Craze, and Cus. Ano ang ginagawa nila rito? "Tignan mo! Dahil sa inyo nagising tuloy siya! Gusto ko lang naman siyang i check, para kayong mga s*ra e!" galit na sabi ni Max saka isa-isa na pinag kaltukan ang dalawang lalaki kaya parehas silang napadaing sa sakit habang hawak-hawak ang kanilang mga ulo. "Boss naman! Kasi magpahinga ka, nakakainis ka!" Galit na busawsaw din ni Craze. Ako naman ay litong lito sa tatlong lalaki na nasa harapan ko hanggang sa bigla ko nalang naalala yung nangyari kahapon kaya agad kong hinila palapit sa akin si Max na siya namang kinagulat niya. "Huy, ayos ka lang? Hindi ba't may bakbakan kahapon? Kauuwi mo lang ba?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya habang kinakapa ang kanyang katawan hanggang sa makapa ko ang kanyang tiyan at napadaing siya sa sakit. "Wait, huwag mo muna akong hawakan. Katatapos lang natin ikasal, nang h-har*ss ka na." Agad ko siyang kinaltukan sa ulo dahik sa sinabi niya. "At ngayon nang kaltok ka pa talaga?" Agad akong napatakip ng aking bibig saka nahihiyang tumawa dahil sa ginawa ko. "Ikaw kasi, ano bang nangyari sayo? Bakit may ganyan ka sa tiyan mo?" Agad niya namang tinaas ang tshirt niya kaya tumambad sa akin ang eight pack abs niya. Kasabay ko pang nasilayan ang maugat niyang mga kamay at malalaki niyang nga muscles. Ano ba to! "Natamaan ng bala, prinotektahan ko lang ang tauhan ko kaya ako ang natamaan. How about you? Ayos ka lang? Wala ka bang tama or kung ano?" balik tanong niya sa akin habang nakatingin sa kanya. "No, ayos lang ako. Na protektahan naman ako ni Cus kaya ayos lang." Ngumiti ako kanya at ganoon din siya sa akin. "Maam Hannah, baka naman pwedeng pagsabihan mo itong boss namin na magpahinga? Halos maubusan yan ng dugo kagabi! Ayaw pa magpapunta sa malapit na Hospital, maswerte lang talaga siya lagi kasi lagi siyang binubuhay ng Diyos!" Agad akong napatingin kay Max na walang imik at agad lang akong hinila palapit sa kanya habang ang kanyang kamay ay nakapulupot sa aking bewang na siyang dahilan ng pamumula ko. "Pahinga? Kailan ba nagpapahinga boss niyo?" Dahil sa sagot niya ay hinila ko ang tenga niya at nagsalita. "Huwag mong hayaang mag alala mga tauhan mo sayo. Napaka pasaway mo naman, magpahinga ka na." Si Craze naman ay napahagikgik sa tawa habang nakatingin sa kanyang Boss. "Ah, porket naandito ang asawa ko ay ganyan ka?" Lumihis ng tingin si Craze habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Asawa? Talagang kina career niya ang pagiging mag-asawa naming dalawa? Base rin sa tono ng boses niya ay komportable siyang sabihin ang salitang iyon habang ako ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong itawag sa kanya. "Fine, magpapahinga ako after natin kumain ng breakfast." Dahan-dahan kong inalis ang aking kamay sa kanyang tenga. "Alright, mabuti naman." Nag thumbs up sa akin si Craze. "Aalis na muna kami, ikaw na bahala sa kanya Madam ha?" At tuluyan na nga silang dalawang umalis sa harapan namin. "Kwento mo sa akin lahat ng nangyari ha? Paano ka nagkaroon ng sugat na ganyan, ligo muna ako bago ako pumunta ng dining room." Pero bago pa man ako maka punta sa bathroom ay kinuha na naman niya ang bewang ko saka hinila na naman palapit sa kanya. "Anong maliligo? Kakain ka na nga lang maliligo ka pa. Huwag kang mag aalala, may ligo ka man o wala mabango ka pa rin." Namula ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpaawat. "Gusto kong maligo!" "Hindi, tara na. Nag aantay na sila doon sa atin, sayang ang pagkain." "Maliligo nga ako!— Ah! Ano ba! Bitawan mo nga ako, ibaba mo ako!" Dahil nagpupumilit siya ay agad nalang niya akong binuhat gamit ang kanyang isang kamay. Ang aking katawan ay nasa kanang balikat niya habang hawak hawak din ako ng kanang balikat niya. "Hindi nga, kain muna tayo." Dahil sa inis ay hinila ko ulit ang kanyang tenga. "Hoy, para sabihin sayo naka kontrata lang tong kasalan natin. Huwag ka ngang feeling asawa diyan!" "Paki alam ko, masusunod pa rin ako kasi pagmamay-ari kita. Baka nakakalimutan mo ring binili kita?" Napatikom nalang ako dahil sa sinabi niya. Wala akong masabi dahil totoo naman na siya pa rin ang amo ko. Wala rin akong magawa kundi ang hayaan siyang buhatin ako. Kung sabihin ko naman na ibaba niya ako para hindi siya mahirapan ay hindi rin siya susunod. Napakatigas ng ulo. Nang makarating na kami sa dining area ay nagsimula na kaming kumain. Tinignan ko siya habang kumakain at kung titignan mo ay parang walang sakit ang lalaking to. Nalaman ko lang din kasi na inoperahan pala siya rito sa loob ng mansyon. Gaano ba kayaman ang lalaking ito para magkaroon siya ng sarili niyang doctor? At isa pa sa hindi ko maintindihan ay bakit kailangan niya pang kuhanin ang kayamanan ng ama niya kung ganito na siya kayaman? "Kanina ka pa nakatitig baka matunaw ako ha?" Napabalik ako aa realidad at lumihis nalang ng tingin at nag focus sa pagkain. "Nakakagulat lang na nagagawa mong gumalaw ng ganyan kahit kaka opera lang sayo." "Ah, eto ba? Mahapdi naman pero syempre hindi naman pwedeng i baby mo yung sakit. Pero kung ako ang i baby mo, payag ako." Napataas ang kilay ko doon sa sinabi niya. "Kapal mo naman mag demand?" Itinaas niya ang kanyang hawak na tinidor at tinuro ito sa akin. "Well, for your information Hannah Beaumont, I am your husband and you are my wife. I have the rights to demand dahil mag-asawa tayo. Contract marriage man o hindi." Binaba ko ang aking kutsara't tinidor saka mariin na tumingin sa kanya. "Then I have the rights to say no din. Well, human rights." Tumawa si Maxtrico dahil sa sinabi ko. "Silly, ikaw lang ata ang nakilala ko na may ugaling ganito. No wonder you pique my interest, darling." Napa irap nalang ako sa sinabi niya pero hindi pa rin maitago ang pamumula ng pisnge ko. Bakit ba namumula ako!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD