MALAKAS na sinarado ni Gavin ang pinto ng kwarto niya. Malalalim na paghinga ang kanyang pinapakawalan dahil sa galit. He closed his eyes while massaging his forehead. Palakad-lakad siya sa loob ng kanyang kwarto. Gusto niyang manakit. Gusto niyang may pagtuunan ng kanyang galit. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang katindi ang galit niya. He doesn’t know why he’s acting like that.
“Kailan pa siya natutong umuwi ng madaling araw? Kailan pa siya natutong magsuot ng ganoong klase ng damit?” He’s clenching his jaw while his fist was close. “Kailan pa siya natutong lumandi?”
Paniguradong kasama nito ang panget na Evan na `yon. Wala na siya sa katinuan. Pinangunahan na ng galit ang isip niya. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganoon. Basta ang alam niya lang ay galit siya sa asawa niya. Wala itong karapatang sampalin siya. Sunod-sunod siyang bumuntong hininga at nagmamadaling pumunta sa kwarto ni Ayana. Malalakas na pagkatok ang ginawa niya pero hindi siya nito pinagbuksan.
“Open this f*****g door, Ayana!” He furiously shouted.
He doesn’t get any answer from his wife. Patuloy lang siya sa pagdadabog sa harap ng pintuan nito. She still didn’t open the door for him that’s why he went downstairs to get the key from Manang. Masyado siya nitong ginagalit. Ngayon, ibibigay niya kung anong nararapat sa malandi niyang asawa.
Sunod-sunod na katok rin ang ginawa niya sa pintuan ng kwarto ni Manang. Pinagbuksan naman siya nito na may pagtataka sa mukha.
“Give me the key of her room.” Malamig niyang aniya at walang emosyong mababakas sa kanyang mga mata. Nag-aalinlangan itong tumingin sa kanya.
“Jusko! Ano na naman bang problema niyong dalawa? Madaling araw na, ah?” Nag-aalala nitong sabi.
He looked at her fiercely. “I said, give me the key.” He said madly while glaring at her. Nag-aalinlangan itong iabot sa kanya kaya agad niyang hinanggit dito ang susi tyaka tinalikuran.
“Don’t involve yourself, Manang. It is about between us.” He coldly said.
Mabilis siyang nakarating sa harap ng kwarto ni Ayana. When he opened the door, he staved off. Mabilis nag-init ang magkabila niyang pisngi. Nakatalikod sa kanya si Ayana that’s why he can see her wearing her undies while drying her hair by the towel. Humigpit ang pagkakahawak niya sa doorknob at walang salitang lumabas sa kanyang labi. Hindi niya alam kung bakit siya natigilan. Marami na siyang babaeng nakitang nakaganoon pero hindi niya alam kung bakit iba ang naging epekto ni Ayana sa kanya.
Nanlaki ang mata ni Ayana nang mapagtanto nitong naroon siya sa loob ng kwarto nito at malayang tinititigan ang halos hubad nitong katawan. Napasigaw ito at agad humagip ng maaring tumakip sa katawan nito.
“What the f**k are you doing?” Galit na sigaw ni Ayana. “What are you doing here?”
Hindi agad siya nakasagot dito. Ano nga bang ginagawa niya doon? Nakalimutan niya na agad ang dahilan.
He swallowed before he smirked. “Stop shouting. Pader lang naman ang nakita ko.” Hindi niya na hinintay na sumagot ito at malakas niyang sinara ang pinto nito. He immediately walked inside his room and throwed himself to his bed.
“You supposed to be hurt her, Gavin. You supposed to be make her cry again but what happen to you?” Kausap niya sa sarili.
He can’t deny the fact that his wife has a curvy and sexy body. Sinabi niya lang iyon dahil ayaw niyang isipin nito na humahanga siya dito na malabong mangyari.
‘Pero nangyari na, Gavin! You’ve almost drool to her body.!’ Saad ng isip niya.
“f**k! I’m not.” Inis niyang sigaw.
Kasalanan ng asawa niya kung bakit siya natali rito. Kasalanan nitong lahat kung bakit hindi niya makasama ang taong mahal niya. Because of her selfishness, his life became miserable. Kaya dapat lang niyang kamuhian ito dahil wala itong maidudulot na maganda sa kanya. He closed his eyes and forgot what he saw and what happened earlier.
*****