KANINA pang tulala at wala sa sarili si Ayana. Hindi mawala sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Lalo na noong pinasok siya ni Gavin sa kwarto at nakita lang naman nito ang kabuuan niya. Hindi niya lang matanggap na tinawag siya nitong pader. Is he blind? She has a good size of breast then he called it a wall? Napapikit siya sa inis dahil sa naalala.
“Hoy, Babae! Bakit nawala ka kagabi, ha?” Stacey asked. Malapit lang naman ang cubicle nito sa kanya kaya rinig niya ito. “We’re just went to the dance floor then you’re already gone? May kinatagpo ka kagabi `no? Nagkita kayo ni Evan?” Pang-uusisa nito.
“Umuwi na `ko. Ang tagal-tagal niyo kasi.” She lied.
Hindi niya pwedeng sabihin na tumulog siya kasama ang lalaking kakakilala niya lang kahit na wala itong ginawa sa kanya. Paniguradong hindi siya tatantanan ng mga ito sa kakatanong.
“Wow! Paano kung napahamak kami d`on? Hindi mo man lang ba naisip `yon?”
She heaved a deep sigh. “Ginusto niyong magpakalasing. Then, face your consequences.” Stacey was about to speak but Mike suddenly spoke.
“Guys, go to the event area. Mr. de la Vega has an announcement. Faster.” Palihim siyang napairap. Ayaw niyang makita ito. Kung pwede nga lang na hindi siya pumunta.
Sabay-sabay silang pumunta roon. Few minutes after, Gavin was now walking towards the stage. As usual, he’s emotionless and you can feel his coldness. He cleared his throat before he speaks.
“Mr. Suarez is now letting go his position as a COO of de la Vega Company.” Mahihinang bulungan ang maririnig dahil sa sinabing `yon ni Gavin. May katandaan na rin naman kasi ito kaya siguro nag-retired na. “And now, I’ll announce the new Chief Operating Officer. He’s one of my cousins.” Napa-isip siya sa sinabi nito.
Sino naman kaya sa pinsan nito ang tatayong COO ng kompanya? Paano ang relasyon nila ni Gavin? Paano nila maitatago ito?
Bigla siyang kinabahan dahil sa naisip. Hindi pwede nitong malaman ang tunay nilang relasyon.
Ang secretary na ngayon ni Gavin ang may hawak ng mic. “Let’s give a round of applause, Mr. Asher de la Vega.” They were clapping their hands while the other girls screaming his name.
Namilog ang kanyang mga mata. ‘No, tell me this is not happening.’
She can’t be mistaken. That was the same guy on the bar. Paanong naging pinsan ito ni Gavin? Hindi niya ito kilala.
A wide smile curving on Asher’s lips. Minsan ay kumakaway pa ito sa mga babaeng sumisigaw ng pangalan nito. She rolled her eyes.
She bowed her head when Asher looked at her direction. Hindi siya nito pwedeng makita. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata nang tawagin siya nito. She took a deep breath.
“Ayana?” He said while he’s using a microphone. Wala na siyang nagawa kundi ang tumingin dito at pilit na ngumiti. They caught all the attentions and even Gavin is grimly staring at her.
“Ayana,” muli nitong tawag at wala pang ilang segundo ay nakababa na ito sa stage at pumunta sa kinaroroonan niya.
She was startled when Asher slightly hugged her. She gasped. “I already miss you.” Hindi niya nagawang makapagsalita.
****