She was startled when Asher slightly hugged her. She gasped. “I already miss you.” Hindi niya nagawang makapagsalita.
Sira na ba ang ulo nito? Hindi niya ba ramdam ang mga matang nakatuon sa kanilang dalawa?
“Humanda ka sakin mamaya.” She whispered to his ear that made him giggled. Humiwalay na ito sa kanya.
“Bakit? Babatukan mo `ko?” He’s still smiling. “Still remember what I’ve said? Hurt me and I’ll make you happy.”
Tiim-bagang siyang ngumiti rito. Masasapak niya talaga ito mamaya.
“Back to work everyone,” mariing utos ni Gavin na siyang nagpabalik sa kanya sa katinuan. Akmang aalis na siya dahil naiwan na siya ng mga ka-department niya pero pinigilan siya ni Asher.
“Saan ka pupunta?”
“Magtatrabaho,” she obviously said.
“Mamaya ka na magtrabaho,” he said while pouting.
“Baliw ka b—” She didn’t finished what she was going to say.
“Why are you still here? I said, go back to work.” Malamig na utos ni Gavin sa kanya.
“Hey, Dude! Don’t be rude to her. Ako na ang bahala sa kanya.” Hinawakan nito ang kamay niya na kanyang kinabigla. “Let’s go to my offic—”
“No. She’ll not go anywhere.” Seryosong sabi ni Gavin at matalim ang tinging binibigay sa kanya. “Go back to your department, Ms. Buenavista.”
Akmang aalis na siya pero muli na naman siyang hinigit ni Asher. “We’re just going to talk. What’s wrong with that?” Kunot-noong tanong nito sa asawa niya.
Gavin was impatiently looking at his cousin. “It’s already office hours!” Mahihimigan mo ang inis sa tono ng pananalita nito. Nakatayo lang siya roon at hinihintay matapos mag-usap ang magpinsang parehong may sayad sa ulo.
“And so what? I’m the COO.” Nakangising ani Asher na mas lalong kinabusangot ng mukha ni Gavin.
“And I am the CEO.” Gavin emphasized the last word. Asher just giggled and he doesn’t care if his cousin was already mad at him.
“Yes, your position is higher than me but it doesn’t mean I’m under of your control.” He smiled acidly. “Let’s go Ayana.” Wala na siyang nagawa nang higitin na siya nito.
She glanced at Gavin and madness is written on his face. Hindi niya alam kung tatawanan niya ito dahil wala itong nagawa sa pinsan nito o magsisimula na siyang magdasal dahil paniguradong sa kanya na naman ibubunton ang galit nito. But the hell she cares! Hindi niya na hahayaang saktan pa siya nito.
Nang makarating na sila sa office ni Asher, tinadyakan niya ito sa tuhod. Namilipit naman ito sa sakit.
“What the hell are you thinking, huh?” Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin dito. “Ano na lang ang iisipin ng iba dahil sa nakita nila?” Hilot niya ang kanyang sintido dahil sa inis. Nakuha pa talagang tumawa nito kahit namimilipit na sa sakit.
“Masama bang yakapin ang isang taong miss na miss mo na?” Sumilay na naman ang nakakalokong ngiti nito.
“Sa tingin mo tama ang ginawa mo?” Inirapan niya ito. “Respeto naman sa pinsan mo.”
Nanlaki ang mata nitong nakatingin sa kanya. “You have feelings with my cousin?” Halos mabingi siya sa lakas ng tawa nito. “Ayana, he’s already married. Masaya na siya sa asawa niya. Ako na lang. I’m single and ready to mingle.” Muli na naman itong tumawa.
Binato niya ito ng unan ng sofa. Mabilis itong nakailag. “Alam ko.”
“Alam mo naman pala eh! Bakit na ngangarap ka pa sa pinsan ko?” Umupo ito sa tabi niya.
Her foredhead creased. Ano bang pinagsasabi nito? Hindi ba nito alam na siya ang asawa ni Gavin?
“Are you insane?” She rolled her eyes. “H`wag ka na ngang magsalita na kunwari wala kang alam.” Siguro nagpanggap lang ito na hindi siya nito kilala noong nasa bar sila. Haist! naisahan siya ng baliw na lalaking `to.
“Is there something that I need to know?” His eyes widen. “Don’t tell me you are the mistress—”
She cuts him off. “Talagang ginawa mo pa akong kabit samantalang ako ang legal na asawa.”
Mabilis nawala ang ngiting naka-ukit sa mga labi nito. Asher looked at her incredulously. “What did you say?” Seryoso na nitong tanong.
She grimaced. “I’m Gavin’s wife.”
“Paano nangyare `yon?” He incredulously asked.
“Kinasal kami,” pamimilosopo niya rito. Lalo naman itong sumimangot na kanyang kinatawa. “Bakit wala ka noong kasal namin? Hindi kita nakita.”
Nakaawang pa rin ang mga labi nito at hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Pero sabi mo sa akin hindi ka mahal ng taong mahal m—”
“Oo, hindi nga niya ako mahal.”
“But my mom told me that Gavin and his wife’s relationship work out.” Nagtatanong at naguguluhan ang mga mata nito. Siguro naman mapagkakatiwalaan niya ito.
“It is a big lie. We made our parents blind to our real relationship. We pretend we love each other for their sake and for the sake of company.”
Lalong naguluhan ito. “Ibig sabihin—”
“Yes, what your mom told you is just a lie.” Ngumiti siya dito kahit may konting gumuhit na sakit sa dibidb niya. “I’ve trusted you Asher, sana hindi nila malaman `to.”
He dazzlingly smiled at her. “I promise.” Hindi niya alam kung bakit kinabahan siya sa ngiting iyon ni Asher.
Marami pa silang napagkuwentuhan. Nasa America pala ito noong ikasal sila kaya wala ito. Pinatapon doon dahil sa mga kalokohan. But his father decided to bring him back here but in one condition. It is to handle the company with his cousin, Gavin. Isang taon ang tanda ni Gavin dito.
Nagpaalam na siya dito dahil mahaba-habang oras na ang nasasayang nila. She genuinely smiled at Asher and he did the same too. He winked at her while waving his hand. Marahan siyang tumawa at pumunta na sa department nila.
******