Chapter 21

903 Words
When she entered to their department, her officemates gave her scrutinizing gazes. Alam niya na kung anong ibig sabihin ng mga tinging iyon. She was about to go to her cubicle but Mica grabbed her hand. “Teka, bruha! May kailangan ka yatang ikwento sa`min.” Nakaharang ito sa daraanan niya. “Ano `yon?” Pa-inosente niyang tanong. Mica rolled her eyes. “Why Mr. COO hugged you earlier? What does it mean?” Hindi siya sumagot at linampasan niya lang ito. Umupo na siya sa kanyang upuan at kunwaring may inaayos sa PC niya. “Sumagot ka! Anong ibig sabihin noon, ha?” Pagtataray pa nito. “Ewan ko! Bakit hindi siya ang tanungin mo?” Inis niyang sabi. “Bakit nagagalit ka?” “Sino bang hindi magagalit sa kaingayan mo?” Taas kilay niyang aniya. Mica frowned. “Porket nayakap ka lang d`yan.” She was murmuring. “Tigilan mo ko. Kung ano man `yong ginawa niya kanina wala lang `yon, okay?” She took a deep breath to ease her annoyance. Mica frowned at her before she left her cubicle. KANINA pang nag-ri-ring ang phone niya pero wala siyang balak sagutin ito. Paniguradong si Damon ang tumatawag para makipagkita na naman sa kanya. Haist! Bubwesitin lang naman siya nito kaya mas mabuting hindi na lang niya sagutin. “Kailan mo kaya sasagutin ang tawag mo ng hindi na nakakaistorbo?” Loisa said sarcastically. Napasimangot naman siya. Rinig na rinig kasi sa buong department nila ang pag-ring ng phone niya. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sagutin na lamang iyon. “What do you want?” She drawled. Ilang segundong walang umimik sa kabilang linya. Kailan pa natutong tumahimik si Damon? Dapat pinagbabantaan na siya nito ngayon. Her forehead creased. “Damon?” Someone on the other line heaved a deep sigh. “It’s me, Evan.” Namilog ang kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig. She looked at the screen of her phone and Evan’s name was written there. Bakit kasi hindi niya muna tiningnan kung sino ang tumatawag. “Ikaw pala. Bakit napatawag ka?” She asked timidly. “Are you free tonight? Gusto sana kitang makita.” Nahihiya nitong ani. Hindi niya alam ang kanyang isasagot. “Please?” Pinikit niya ang kanyang mga mata. ‘What to do?’ “Baka kasi gabihin ak—” “I’ll wait you. I’ll fetch you there.” Paniguradong naka-ukit ang matamis nitong ngiti habang sinasabi iyon. “Bakit gusto mong makipagkita?” Nahihiya niyang tanong. Evan gently chuckled. “Nasabi ko na, gusto kitang makita.” Bakit ba pinalilibutan siya ng tatlong may sayad sa ulo? Ano bang mangyayari kapag nakita siya nito? Hindi naman siya reyna o kaya naman prinsesa. Palihim siyang umirap kahit hindi siya nito nakikita. “Sige, pero 7:00 pm pa ang out ko, eh.” Pagsang-ayon niya dito. Kahit naman tumanggi siya ay wala pa rin siyang magagawa dahil paniguradong kukulitin siya nito. “I’ll fetch you. See you later, Ayana.” Malambing na naman nitong ani. “H’wag mo na akong sunduin. Dadalhin ko na lang ang kotse ko.” “Okay, I’ll text you kung saan tayo magkikita. Bye.” Hindi na siya sumagot dito at pinatay na niya ang tawag. Tama ba ang ginawa niya? Tama bang ipagpatuloy niyang makipagkita kay Evan? She’s already a wedded woman and Evan doesn’t know that. She wants to move on in a good way and not like this. Hindi siya mangggamit ng iba para lang makalimutan ang asawa niya. Hindi naman niya pwedeng sabihin ang totoo dito dahil marami ang madadamay. Hindi niya na alam ang gagawin niya. Sunod-sunod ang kanyang pagbuntong hininga. Bakit ba siya naiipit sa ganitong sitwasyon? Kasalanan lahat ito ni Mica, eh. Kung hindi siya nito inereto kay Evan edi sana wala siyang problema. Naglinga-linga siya sa paligid habang mabagal na pinapaandar ang kanyang kotse. Hindi niya kabisado ang restaurant na tinext sa kanya ni Evan. It is an Italian Restaurant and this is the first time that she heard it. Nahihiya naman siyang itext ito na hindi niya alam kung saan iyon. Nagtanong-tanong siya sa bawat kanto na nadadaraanan niya. Time goes by and she smiled when she finally found that place. It is a classy restaurant. The ambiance is really elegant. Magaganda ang mga chandelier na nakasabit sa kisame at may isang maliit na platform doon kung saan may tumutugtog ng violin. Nakaramdam naman siya ng hiya ng makita niya na ang gagarbo ng suot ng mga tao doon. Nakapang-office attire lang kasi siya at hindi na siya nag-abalang magpalit SHE LOOKED around, finding where’s Evan. Kung saan-saang sulok na siya pumunta para hanapin ito pero hindi niya ito nakita. She looked again to her phone and he doesn’t have text yet. She decided to leave. She’s walking towards the main door while placing her phone on her bag but out of a sudden, there’s someone accidentally bumped her. She’s waiting herself landing on the floor but that guy immediately grabbed her waist to prevent her from falling. Ilang beses siyang kumurap at hinihiling na mali ang taong nakikita niya. Bakit kailangan pa nilang magkita roon? “What are you doing here?” Seryosong tanong ni Gavin sa kanya. Agad niyang binawi ang sarili rito tyaka dumistansya. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD