“What are you doing here?” Seryosong tanong ni Gavin sa kanya. Agad niyang binawi ang sarili rito tyaka dumistansya.
She raised her right eyebrow. “The hell you care!” Pagtataray niya rito.
Gavin was clenching his jaw. “You supposed to be in our mansion and helping Manang. Hanggang dito ba naman lumalandi ka?” Tiimbagang na sabi nito. Napabuga siya ng hangin at inis itong tiningnan.
“Pili ba ang lugar na dapat kong landiin?” She crossed her arms. “Bawal akong lumandi rito? Saan ba pwede? Doon sana sa madaming lalaki.” She smirked at him.
Gavin was about to go near her and grabbed her hand but she immediately avoided him. Napansin rin siguro nito na may nakatingin na sa kanilang dalawa kaya hindi na nito tinuloy kung ano mang balak nito sa kanya.
Hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng tapang para sagot-sagutin niya ito. Gusto niyang may mapatunayan sa sarili niya. Ayaw niya ng masayang ang kanyang mga luha.
Gavin smiled acidly. “At sa tingin mo papatol sila sayo?”
“Kaya nga ako nandito dahil may nabihag sa karisma ko.” She said nonchalantly.
Gavin sarcastically giggled.“Sana noon mo pa yan ginawa para naman hindi ka nagmukhang tanga kakahabol sa pagmamahal ko.”
She swallowed deeply. Gumuhit ang sakit sa dibdib niya. Hindi niya nagawang makapagsalita. Bakit kailangan pa nitong ipamukha sa kanya kung gaano siya katanga noon? Naiyuko na lamang niya ang kanyang ulo nang tumawa ng sarkastiko si Gavin.
“Why don’t you defend yourself?” She gasped when Gavin lifted up her chin. Umiwas siya ng tingin dito. “Are you already giving up?”
She pushed him harder that made all attentions caught them. Wala na siyang pakialam kung pagtinginan na silang dalawa.
“Napaisip lang ako kung gaano ba ako katanga noong minahal kita, kung gaano kadaming luha ang sinayang ko sa taong wala namang kwenta.” Nginitian niya ito. Gavin’s eyes were now fierce. “But despite of that, thank you because you made me realized what I truly deserve.”
Madilim na ang mga mata ni Gavin. Nakakatakot ang tingin nito pero hindi siya nagpaapekto.
“Ayana?” Pareho silang napatingin sa taong tumawag sa kanya. Nabunutan siya ng tinik sa dibdib ng makita niya si Evan. He went to her place. “Why are you standing here?”
“Hinahanap kita.” Malapad na ngiti ang binigay niya dito. Lalong nagdilim ang mukha ng asawa niya. Hindi niya mahulaan kung anong iniisip nito. Mukhang kailangan na nga niyang madasal dahil paniguradong sa bahay nila ito babawi sa kanya.
Evan smiled timidly. “Let’s go.” They were about to leave but someone suddenly grabbed her hand that made her stop.
“Akala ko umuwi ka na?” Hawak ni Asher ang kamay niya habang nagtatakang nakatingin sa kanya. Ano rin ang ginagawa nito sa lugar na ‘yon?
Hindi niya alam pero binalot ng kaba ang dibdib niya. Pinalilibutan lang naman siya ng tatlong naggagwapuhang lalaking may sayad sa ulo habang lahat ng mata ay sa kanila nakatingin. Bakit kailangang maging ganito ang tadhana sa kanya? Bakit kailangan pa nitong pagtagpuin ang landas nilang apat sa iisang lugar?
Hindi niya alam kung anong gagawin. Hindi niya alam kung sino ang uunahin. Nangungusap ang mga mata ni Evan na nakatingin sa kanya habang si Asher ay punong-puno ng pagtatanong ang mga mata at ang magaling niyang asawa ay sobrang talim ng tinging binibigay sa kanya. Paano ba siya makakatakas sa lugar na ‘yon?
Lumapit ang isang waitress sa kanila. “Excuse me, Sir, Ma’am, if you don’t mind can you please take your seats? Nasa gitna po kasi kayo ng daan.” Magalang at nahihiyang anito. Huli niya pa ang lihim na pagsulyap nito sa tatlong lalaking kasama niya. Napailing na lamang siya.
Siya na ang nangunang humanap ng upuan. Fortunately, there’s vacant table near the window. Sumunod naman ang mga ito sa kanya. Nagpaunahan sina Evan at Asher umupo sa tabi niya pero nauna si Gavin sa dalawa. Nakabusangot na umupo ang dalawa sa harap niya.
Evan called the waiter. Ito na rin ang umorder ng mga kakainin nilang tatlo. Haist! Bakit ba sila nauwi sa ganito? Bakit niya kailangang pakisamahan ang tatlong ‘to?
“Why are you here, Asher? Sinundan mo ko no!” She smiled teasingly to lighten up the mood.
“Bago pa ako pumunta sa America, dito na ako madalas kumakain. I didn’t expect na makikita kita dito.” Tumawa na naman ito. “Mukhang tinadhana nga talaga tayo.” Parang mga patalim ang mga mata ng mga ito na nakatingin kay Asher at lingid sa kaalaman niya iyon.
“Nagkita lang kayo dito tinadhana na? Hindi ba pwedeng ako talaga ang pinunta niya?” Evan said while grinning.
Asher’s eyes were like a knife while pointing it to Evan. She gasped when she feel the awkward atmosphere that covering them.
“Hindi ba pwedeng gutom lang siya kaya siya pumunta dito?” Naiiritang ani Asher. Kinakabahan siya sa pananahimik ni Gavin. Baka ano na naman ang gawin nito.
“Then, ask her. We supposed to have a dinner date tonight.” Pang-hahamong ani Evan. Napaiwas siya nang tingin ng binaling ni Asher ang tingin nito sa kanya.
“Is it true Ayana?” Asher asked grimly. Marahan siyang tumango. “Akala ko ba uuwi ka na?” He grouched said. Paano ba siya mag-eexplain dito? Hindi siya magaling sa mga ganitong bagay!
“Kasi an—”
“Here’s your order.” Nakangiting ani waiter. She sighed deeply. Buti na lang at dumating ito. Hindi na ulit siya tinanong ni Asher.
When the foods were already served, they started to eat.
“How about you Gavin, why are you here?” Walang ganang tanong ni Asher.
Nakonsensya siya dahil nagsinungaling siya dito kanina. Nagyaya din kasi itong kumain kaso nauna si Evan magsabi sa kanya kaya tinanggihan niya ito.
Gavin drank water first before he speaks. “I have meeting with Mr. Reyes here.” Tipid nitong sabi. No one dare to speak. Naiilang na talaga siya. Hindi niya gusto ang ganitong pakiramdam.
‘Kailan ba matatapos ‘to?’
Ilang beses siyang umubo ng mabulunan siya. Nabigla siya nang sabay sabay inaro ng mga ito ang kanilang sariling baso. Her lips slightly parted; she sipped water with her own glass. Hindi siya tumanggap ng alok ng mga ito.
***