NAAALIPUNGATAN si Ayana at mabilis niyang minulat ang kanyang mga mata. Linibot niya ang kanyang paningin pero wala pa rin ang hinihintay niya. Muli niyang pinikit ang mga mata at sumandal sa sofa. Nakabalik na siya sa mansion nila at ilang gabi na siyang nagpupuyat. Ilang gabi na rin siyang nakakatulog sa sofa nila kahihintay sa pagbabalik ni Gavin. But he isn’t coming back. Masama sa kanya ang magpuyat dahil may bata siyang dinadala pero hindi niya mapigilan ang sarili niya. Patuloy pa rin siyang umaasang babalik si Gavin at magkakaayos sila. She wants to feel his warm embrace again. She really missed him. Mabilis siyang tumayo nang marinig niyang bumukas ang pintuan. Puno ng kasiyahan siyang nagtungo doon. Her eyes flickered in happiness when she saw Gavin. Hindi siya nagkamali. Bab

