IT’S ALREADY noon when she woke up. Sumasakit ang ulo niya at pugdo ang kanyang mga mata. Dumeretso siya sa kusina para kumuha ng gamot. Doon kasi nakalagay ang fisrt aid kit nila at ‘yong medicines. Agad sumama ang tingin niya ng maabutan niya doon ang kabit ng asawa niya. Mag-isa itong naghahanda ng tanghalian. Wala si Gavin. Linibot niya ang paningin pero wala ito. “Good morning— este Good Afternoon, legal wife.” Nginisian siya nito na mas lalong nagpakulo ng dugo niya. “Good Afternoon, malanding haliparot na kabit.” She said nonchalantly. Kita niya kung paano umusok ang butas ng ilong at tenga nito sa galit. Tumayo ito at lumapit sa kanya. “Anong sabi mo?” Matinis nitong sigaw. “Gusto mong ulitin ko?” Hindi siya nagpatalo sa katarayan nito. Gusto niyang busalan ang bunganga nito

