HINDI MAIPALIWANAG ang sayang nananalaytay sa kanyang puso ngayon. Matagal niya ng gustong mapangyari ito at ngayon ay nangyayare na. Naka-upo siya sa tabing-dagat habang nasa tabi niya si Gavin at nakapulupot ang mga kamay nito sa bewang niya. Nakasandal siya sa matikas nitong dibdib. Pumunta sila ngayon sa Palawan kung saan sila unang nagkita. Pinagmamasdan nila ang takip-silim. Pareho silang nag-leave sa trabaho para ibigay ang oras nila sa isa’t isa. Bumabawi lamang sila sa mga panahong hindi nila pinagtuunan ang isa’t isa. “This place is so beautiful.” Mangha niyang ani. Gavin kissed the top of her head. “You’re more beautiful than this place, Mrs. de la Vega.” Tumingala siya rito upang salubungin ang nagniningning nitong mga mata. “Really?” “Really.” He said. Seconds after, th

