HINDI siya tinantanan ng mga katrabaho niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na siya ang asawa ni Gavin na siyang pinagpapantasyahan ng mga ito. Pinakilala na rin siya ni Gavin sa magandang babae na umakyat sa stage kanina na akala niya ay iyon ang ipapakilala ni Gavin na asawa nito. “She’s Andrea Mortes, my cousin.” Pakilala ni Gavin. Nasa opisina sila at kasulukuyan siyang nakikipagkamay sa pinsan nito. “You don’t know her because she prefers to live in London kaya hindi mo siya nakita noong kasal natin.” “Finally, I already met you, Ayana.” Nakangiting sambit ni Andrea. Sinuklian niya ang matamis na ngiti nito. “Nice to meet you too, Andrea.” “Paano ba ‘yan? I already did my part here. I’ll leave now.” Nakipagbeso-beso pa sa kaniya si Andrea bago ito tuluyang umalis

